Shirley Kuan resigns from PAMI amid bullying issue; Lolit Solis makes it public

by Rachelle Siazon
Oct 15, 2022
Lolit Solis and Shirley Kuan
Lolit Solis (left) makes public the resignation of Shirley Kuan (right) from their talent managers' group. Excerpt from Shirley's statement for PAMI: "It is now very evident to me, without a shadow of a doubt, that PAMI's silence on this BULLYING BY ANOTHER PAMI MEMBER is tantamount to PAMI SUPPORTING BULLIES & BULLYING."
PHOTO/S: Jerry Olea / Rommel Llanes

Lumiyab na ang sigalot sa pagitan ng veteran talent managers na sina Shirley Kuan at Lolit Solis.

Ito ay matapos basagin ni Shirley ang pananahimik matapos ang siyam na buwan ng tinatawag niyang "unprovoked" attacks ni Lolit sa alaga ni Shirley na si Bea Alonzo.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinawag ni Shirley na "bully" si Lolit sa paulit-ulit nitong "vile, toxic, crude, and crass" comments sa career at personal life ni Bea.

Base sa column at posts ni Lolit, nagsimula ang tirada nito kay Bea noon pang 2021, sakto sa paglipat ni Bea sa GMA-7, at nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Diin ni Shirley, trabaho niya bilang manager na protektahan si Bea kaya hindi niya talaga pinaimbita si Lolit sa presscon ng beauty endorsement ni Bea noong March 2022.

Ang paglalahad ni Shirley ay mapapapanood sa PEP Exclusives series of videos, kasabay ng written reports na inilathala nitong October 12 and 13.

Ngayon nama'y nasundan ito ng pag-resign ni Shirley sa Philippine Artists Managers Inc. (PAMI), na binubuo ng talent managers ng local entertainment industry.

Ang PAMI ay 28 years na, at founding members dito ang dalawang nag-uumpugang managers. Ang presidente ng grupo ay si June Torrejon.

Si Lolit ang nagsapubliko ng pag-resign ni Shirley sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Biyernes, October 14, 2022.

Pinost ni Lolit ang screenshot ng resignation ni Shirley na naka-address sa kapwa nila managers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi sa message ni Shirley (published as is): "Tita Dolor please post this sa PAMI viber group.

"It is now very evident to me, without a shadow of a doubt, that PAMI's silence on this BULLYING BY ANOTHER PAMI MEMBER is tantamount to PAMI SUPPORTING BULLIES & BULLYING.

"Therefore, I cannot continue being a part of PAMI. I RESIGN."

Ang tinutukoy na "Dolor" sa mensahe ay ang veteran talent manager din na si Dolor Gueverra.

Sina Shirley at Dolor ay malapit na magkaibigan, bukod sa pagiging colleagues.

Sa caption ng Instagram post ni Lolit, idinaan nito sa patutsada at pamimilosopo ang mensahe niya tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ni Shirley.

Waring nagbingi-bingihan din si Lolit sa mensahe ni Shirley na "bullying" ang ginagawa ni Lolit na pag-atake sa kanya at kay Bea nang walang anumang basehan.

Sa panig naman ni Lolit, sinasabi nitong siya ang binu-bully ni Shirley.

Sabi ni Lolit (published as is):

"Ewan ko Salve kung bakit very busy si Dolor Guevarra na i forward iyon no hold barred interview ni Shirley Kuan. Meron siyang pinadalhan na nagtataka kung bakit nag forward sa kanya si Dolor ng video ni Shirley, hah hah hah.

"Sayang dahil hindi ko talaga naintindihan dahil sa British twang ni Shirley sa pagsasalita ng English, eh barriotic ako at walang alam sa English language.

"Baka naman malaki ang budget sa publicity abutin ng 150K at itanong na naman ni Gretchen Barretto kung saan galing , at ipabalik kay Atong Ang hah hah hah.

"Naku ewan ko ba bakit nila ako binubully, may sakit na nga ako at matanda na, inaapi parin nila. Mahusay at sikat na sikat na managers sila Shirley at Dolor, hanga ako sa kanila, bongga sila dahil mga super mega sikat mga talents nila, eh mga pipitsugin ang akin , heh heh.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Saka scared talaga ako kay Shirley at Dolor dahil bongga sila, takot ako. Saka hindi ako bully noh, ako nga binu bully nila, hah hah. Hay naku, takot ako, galit Shirley Kuan sa akin, tapos kampi pa sila ni Dolor Guevarra at may budget sila na 150K ano laban ko ?

"Buti na lang binawi ni Gretchen , kundi lalo na akong talo, hah hah. Sa akin na binigay ni Gretchen ang 100K hinatid ni Ana Abiera sa dialysis session ko, hah hah.

"Kaloka talaga na hangga ngayon nagugulo parin sila sa akin. Bakit ganito Salve at Gorgy, lagi na lang akong api at binu bully, mabait naman ako at masunurin, duwag at takot,lagi na lang akong inaapi , huh huh buti na lang meron akong Gorgy at Salve.

"Kundi lang , sa takot ko kay Shirley at Dolor baka migrate na ako sa Ukraine , hah hah hah. Bantayan nyo ko Salve at Gorgy ha, baka ano gawin sa akin nila Shirley at Dolor, takot ako, huh huh huh.HELP please #classiclolita #lolitkulit


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GMA SUPPORTS BEA

Ngayon ding araw ay naglabas ng official statement ang home network ni Bea na GMA-7.

Dito ay ipinahayag ng network ang buo nilang "suporta at pagpapahalaga" kay Bea bilang aktres at Kapuso.

Hindi raw nila pahihintulutan ang "paninira sa kahit sino man" at "pagsalitaan ng hindi totoo" ang sino man sa kanilang mga artista at programa.

Hangad daw nila ang "masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa."

Tiniyak din ng GMA-7 na masaya sila sa pagtanggap ng mga manonood sa pinagbibidahang teleserye ni Bea, ang Start-Up PH, kapareha si Alden Richards.

Ito ang unang teleserye ni Bea bilang isang Kapuso.

Narito ang kabuuang pahayag ng GMA Network:

“Nananatiling buo ang suporta at pagpapahalaga ng GMA Network kay Ms. Bea Alonzo bilang isang aktres at aming Kapuso.

"Masaya kami sa magandang pagtanggap ng Filipino audience sa Start-Up PH at sa mahusay na pagganap ni Bea sa kaniyang role katambal ni Alden Richards.

"Nagpapasalamat kami sa fans, supporters, at followers ni Bea at ng GMA Network sa patuloy na pagmamahal.

"Wala sa kultura ng Kapuso ang paninira sa kahit sino man at hindi rin namin pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang aming mga artista at programa.

"Maliit ang industriya ng show business, hangad namin ang masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa.”

Read: GMA-7 defends Bea Alonzo amid Lolit Solis's attacks against actress

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis (left) makes public the resignation of Shirley Kuan (right) from their talent managers' group. Excerpt from Shirley's statement for PAMI: "It is now very evident to me, without a shadow of a doubt, that PAMI's silence on this BULLYING BY ANOTHER PAMI MEMBER is tantamount to PAMI SUPPORTING BULLIES & BULLYING."
PHOTO/S: Jerry Olea / Rommel Llanes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results