Watch Now

Winwyn Marquez wins best actress award at 12th International Film Festival Manhattan for Nelia

by Rommel Gonzales
Oct 16, 2022
Winwyn Marquez wearing black sleeveless top.
Winwyn Marquez wins her first acting award for her role in the AQ Prime movie Nelia at the 12th International Film Festival Manhattan in New York, USA.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members ng showbiz media si Winwyn Marquez sa victory party para sa pagwawagi niya bilang Best Actress in a Feature Film para sa pelikulang Nelia sa 12th International Film Festival Manhattan (IFFM).

Ginanap ang IFFM Awards Opening Night Ceremony 2022 nitong Huwebes October 13, 2022, sa Kalayaan Hall, Philippine Center, 556 5th Ave., New York City, USA.

Pinakaunang acting award ito ni Winwyn sa labindalawang taon niya sa showbiz.

Ginanap ang victory party kahapon, October 15, sa opisina ng AQ Prime sa TK Maxx Building sa Roces Avenue. Quezon City.

Ano ang pakiramdam na isa na siyang best actress award-winner at sa isang international film festival pa?

“Siyempre ang sarap ng feeling na na-recognize bilang actress this time, lalo na international.

"Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko, kung sisigaw ba ako or maiiyak ako kasi nung nalaman ko nagpapatulog ako ng baby, e. So nung tinext ako, inaantay ko pa na baka... ‘Totoo ba?’ Or baka joke time or baka bawiin pa, baka mali yung sinabing name!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So nagpapatulog ako hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko nung time na yun. So ngayon pa lang nagsi-sink in sa akin.

“Hindi ko pa rin po maano na iyon nga yung award,” masayang lahad ni Winwyn.

Hudyat na ba ito na magiging mapili na siya sa mga role o projects na tatanggapin niya?

“Hindi naman po! Siguro kasi lucky din ako na ang ibinibigay kasi sa akin talaga, magaganda yung mga script.

"It will depend on the script given to me. But ever since naman, I’ve been vocal ever since bago pa ako makakuha ng award na, hindi ko lang talaga kaya yung sexy and daring lalo na mommy na ako ngayon, I don’t think I can do that.

“Pero yung mga binibigay naman sa akin na mga script, kung maganda, kung okay, gagawin ko. Kasi on top of my head ang priority ko is to work for my child, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na yung for me, e, 'no? It’s for my daughter. So I don’t think magiging mapili [ako], as long as maganda yung script and yung role na ibigay sa akin, okey lang.”

Pero pag-uulit ni Winwyn, kahit na maganda talaga ang role o proyekto, bawal talaga sa kanya ang sexy o daring roles.

“Iba yung sexy, e. Yung sexy lang ang outfit, [okey lang]. Pero yung daring? Hindi ko talaga kaya.”

At dahil best actress awardee na nga siya ngayon, mas mataas na ang expectations sa kanya pagdating sa pagiging isang aktres. Hindi ba ito pressure sa parte niya?

“Ang iniisip ko na lang yung pressure at expectations, parang good thing na lang din, kasi mas mamo-motivate kang galingan, e. Kasi hindi ka magiging relaxed.

“Kesa naman isipin ko, ‘Ah, best actress ako,’ ganito-ganyan. Hindi, e.

“Mas kailangan ko pang galingan, mas kailangan ko pang ma-motivate ang sarili ko. So good kind of pressure yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WANTS TO BE LIKE MOMMY ALMA

Ano ang reaksyon ng ina niyang si Alma Moreno ngayong may international acting award na si Winwyn?

Na naunahan pa niya ang mommy niya na maging best actress awardee.

Sa halos limampung dekada nang career ni Alma bilang artista, tatlong beses pa lang itong na-nominate bilang best actress.

“Ang sabi niya sa akin, hindi pa siya nagkakaroon ng award, tama ba ako?

"Happy siya kasi ako meron, pero sabi ko sa kanya, ‘It’s not about the awards, it’s how long you are in the industry.’

“Until now nandito siya. So kahit gaano kadaming award meron ka kung wala ka na sa showbiz after that wala rin.

“So sabi ko, ‘Ma, ang gusto kong mangyari is I’ll be in the industry 'till I’m sixty-two, sixty-three!’

“Yung matatandaan ako. Kahit wala akong award pero yung magawa ko yung nagawa nyo, kayo ni Daddy. So iyon yung nasa isip ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Winwyn ay anak ni Alma sa dating asawang actor-politician na si Joey Marquez.

Thankful to AQ Prime

Labis ang pasasalamat ni Winwyn sa AQ Prime na siyang producer ng Nelia.

“Kasi sila talaga yung naniwala sa akin. They believed in me in my capability in being an actress and they gave me work during the height of the pandemic kung kailan walang work lahat!

“So, sobrang thankful ako sa kanila kasi parang yung drive mong magtrabaho, kasi nga nakatengga ka nang matagal, di ba?

“Mas naging passionate pa ako nung time na yun and it’s because of AQ Prime, na naniwala talaga sila sa akin and now namunga pa ng isang international award na best actress na hindi ko talaga inaasahan.”

Bukod sa best actress win ni Winwyn ay kumita pa ang Nelia noong ipalabas ito sa mga sinehan during the MMFF (Metro Manila Film Festival) at ngayon ay number one sa streaming app ng AQ Prime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez wins her first acting award for her role in the AQ Prime movie Nelia at the 12th International Film Festival Manhattan in New York, USA.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results