Watch Now

Raheel Bhyria hailed as Celebrity MVP at GMA-NCAA All-Star Basketball

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 17, 2022
Raheel Bhyria
Sparkle artist Raheel Bhyria shines bright as he was announced as the Celebrity MVP award in the GMA-NCAA All-Star Basketball Game.
PHOTO/S: Sparkle GMA Artist Center Facebook

Nasungkit ng Sparkle artist na si Raheel Bhyria ang Celebrity Most Valuable Player (MVP) sa GMA-NCAA All-Star Basketball Game.

Ginanap ang special basketball game sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City noong Sabado, October 15, 2022.

Bago magsimula ang game, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raheel at dito niya ikinuwento ang pagkahilig sa larong basketball.

Ayon kay Raheel, "Ever since, when I was a kid pa, naglalaro na ako talaga. Pupunta ako sa court ng 6 a.m. then uuwi na ako ng mga gabi.

"Nakikipagpustahan ako kahit na bata pa ako ever since na I was, like, nine or ten [years old.]"

Malaking tulong daw sa kanya ang mga iniidolong basketball player para mas pagbutihan pa ang pag-eensayo at paglalaro.

Saad niya, "Idol ko sa basketball, pinakauna is si Michael Jordan, at si Derrick Rose. Pero sobra si Derrick Rose.

"Nakaka-relate kasi ako sa mga pinagdaanan nila kaya mas lalo ko silang hinahangaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Michael Jordan ang legendary player na imang beses itinanghal na Most Valuable Player sa NBA, at anim na beses namang nagkampeon ang kinabibilangan niyang koponan na Chicago Bulls.

Si Derrick Rose naman ay itinanghal na Rookie of the Year noong 2009 at MVP noong 2011. Naglalaro siya ngayon para sa koponan ng New York Knicks.

ULTIMATE DREAM

Noong April 17, 2022, kabilang si Raheel sa labimpitong newest Kapuso stars o Sparkada artists na pormal na ipinakilala sa publiko na mismong ang pumili ay si Johnny Manahan a.k.a Mr. M.

Malaki ang pasasalamat ni Raheel sa mga natatanggap niyang blessings lalo na ang pagiging bahagi ng Sparkada sa GMA-7.

Read: Johnny "Mr. M" Manahan explains how artists of Sparkada are chosen

Nagbukas daw kasi ito ng maraming oportunidad sa kanya at mas lalo siyang naging confident sa kanyang abilidad at talento.

Saad ni Raheel, "Dahil sa Sparkle, nagbago yung buhay ko in a way na I gained more confidence. Kasi siguro yung basketball before, kulang talaga ako sa confidence, lagi akong kinakabahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinunyag din ni Raheel na bago pa man siya maging artista ay ultimate dream na niya noon na maging isang professional basketball player.

Read: Sparkada's Sean Lucas and Raheel Bhyria pick Heart Evangelista as ultimate leading lady

Aniya, "Pangarap ko talaga na maging isang basketball player noong bata ako, like ultimate dream ko siya, ganun.

"Injuries happen, ganun, and masaya naman ako [for] what I have right now. Being an artista, actually, this is my passion right now.

"Pero ayun, I want to be a basketball player talaga before I got this journey. Pero noong nakuha ako sa Sparkada, I mean, it's a whole different path, but so far I'm happy and blessed of what I have."

Bukod kay Raheel ay naglaro rin ang kapwa niya Kapuso stars na sina Pancho Magno, Kokoy de Santos, at Migs Villasis. Kasama nila ang Philippine Basketball Association (PBA) legends na sina Jerry Codiñera at Allan Caidic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa kalabang koponan naman nila sina Jeric Gonzales, Prince Clemente, Kirst Viray, at Jose Sarasola. Kasama nila sa kanilang team ang PBA legends na sina Marlou Aquino at Willie Miller.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sparkle artist Raheel Bhyria shines bright as he was announced as the Celebrity MVP award in the GMA-NCAA All-Star Basketball Game.
PHOTO/S: Sparkle GMA Artist Center Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results