Napansin ng netizens ang malaking pagkakahawig ni Melai Cantiveros sa karakter na Regina na ginampanan ni Janella Salvador sa seryeng Mars Ravelo’s Darna sa kanyang ini-upload na photo sa Instagram noong October 14, 2022.
Nilagyan ito ni Melai ng caption na: “Goodnight everyone.”
Yellow ang kanyang suot, at kopyang-kopya niya ang hairstyle ni Janella sa Kapamilya TV series.
Matatandaang nang mag-guest kamakailan si Janella sa Magandang Buhay, kunsaan isa si Melai sa hosts, inamin ng misis ni Jason Francisco na ginagaya niya ang kasalukuyang Valentina.
Komento tuloy ng Kapuso comedian na si Boobay sa kanyang post, “Janella Teyyyy?”
Na sinegundahan ng ilang netizens ng, “True! Janella vibes!”
“Yes! First thought, Regina yarn?”
Bulalas naman ni Mimiyuuuh, “Fresh!!!”
Pinusuan din ang kanyang post ng mga kapwa niya artista, gaya nina Loisa Andalio, Chie Filomeno, at Sue Ramirez.