Watch Now

Shirley Kuan says the bullying of Bea Alonzo has shown she's a "well-raised daughter"

Interview by: Erwin Santiago Interview by: Rachelle Siazon
Oct 18, 2022
Bea Alonzo
Veteran talent manager Shirley Kuan to Kapuso actress Bea Alonzo (in photos): "Just stay the way you are, and just no negativity. You’ve never welcomed them, not ever, not now. So, she knows. I keep telling her, ‘Isn’t this proof, all these offers, all this work, all these endorsements? Isn’t this proof that we’re doing the right thing?'"
PHOTO/S: @beaalonzo / @johnvalle Instagram

Siyam na buwan nang pinuputakti ng batikos ng talent manager na si Lolit Solis ang A-list star na si Bea Alonzo.

Ilang birada ni Lolit sa buhay at career ni Bea: "Palaos na matanda na artista, ilusyunada, palpak dahil pang starlet ang peg, at feeling maganda at sikat."

Si Bea ay isang premyadong aktres at bida ng ongoing Kapuso prime-time series na Start-Up PH, kunsaan leading men niya sina Alden Richards at Jeric Gonzales.

Ayon naman sa manager ni Bea na si Shirley Kuan, sa halip na gantihan si Lolit, nanaig ang kagustuhan ni Bea na respetuhin ang nakatatanda.

Matagal nang magkaibigan sina Shirley at Lolit. Parehong veteran talent managers, silay ay founding members ng Philippine Artists Managers Inc., o PAMI, ang talent managers' group na nabuo 28 taon na ang nakararaan.

Ngunit hindi nito napigilan ang paninira at pangungutya ni Lolit sa alaga ni Shirley.

Sa eksklusibong panayam kay Shirley ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), inilahad ni Shirley na hindi natinag si Bea sa masasagwang salitang paulit-ulit na ibinabato ni Lolit sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"People think that every time we wake up, we talk about this bullying….

"[No.] We refuse to let them inside our mind.

"The family are the ones supporting Bea. And you know what, the family’s advice really helped Bea because, including her mother, I must commend them.

"She’s a well-raised daughter, I must admit that, because the decision about not pursuing [a case against Lolit ] legally was a decision of the family.

"This speaks volumes of what kind of family she has, what kind of people surround her, only so positive," papuri ni Shirley sa alaga.

shirley ON BEA'S FANS

Ipinunto rin ni Shirley na malaking bagay ang suporta ng fans ni Bea para lalong pagtibayin ang loob ng aktres.

Saad niya, "I really, really appreciate them so much, and so does Bea. Because you have no idea the kind of effort that they do in supporting Bea...

"When she went recently to America, she sees it, and it’s really such a good feeling in her heart. She loves them so much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas matagal na niyang ka-relationship yung mga fans niya, ako bago lang, and I even feel that way. So, we feel the love."

Pero hindi rin daw maiwasang maapektuhan ang mga fans sa mga patutsada ni Lolit sa aktres na kanilang iniidolo.

"When they express their disappointments over bullies… The last time I had a communication with them, I told them to just, you know, treat her [Lolit] with kindness. That’s all.

"Yun lang, lalo na sa supporters ni Bea, just hang on to the truth 'cause the truth will set us free."

Sabay tukoy ni Shirley sa desisyon nitong magsalita na sa PEP.ph at umalma sa tinatawag nitong pambu-bully ni Lolit: "You see, I have no notes, I didn’t prepare, I just decided this just last minute.

"Because you don’t need notes to tell the truth. Bali-baliktarin man yung mga questions niyo, yung totoo pa rin ang lalabas, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang gusto kong ipalabas. I wanna share it with the universe, especially Bea supporters and fans, because they deserve this. We owe it to them."

Kaya naging detalyado ang paglalahad ni Shirley sa interbyu ng PEP.ph, na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City, noong October 10, 2022.

Shirley Kuan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES ON SHIRLEY KUAN'S TELL-ALL:

SHIRLEY'S MESSAGE for BEA

Pagdating sa alagang si Bea, siniguro ni Shirley na kalma lang ang aktres at masaya raw ito sa blessings niya sa trabaho, sa pamilya, at sa love life.

"And my message to Bea, 'Just stay the way you are, and just no negativity. You’ve never welcomed them, not ever, not now.'

"So, she knows. I keep telling her, ‘Isn’t this proof, all these offers, all this work, all these endorsements?

"'Isn’t this proof that we’re doing the right thing? Isn’t this proof enough?’"

Diin pa ni Shirley hinggil sa mga tirada ni Lolit: "Bakit mo iwe-welcome yung negativity sa buhay niyo, e paggising mo sa umaga puro good news ang sasalubong sa iyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, itong problemang ito, if you may call it that, it’s really a realization… It’s nothing compared sa mga kababayan nating mas maraming malalaking problema and compared sa mga grasyang ibinibigay sa amin ng Diyos."

WHEN DID SHIRLEY AND BEA START WORKING AS MANAGER and TALENT?

Sa huli, inalam ng PEP.ph kung paano nagsimula ang manager-talent relationship nina Shirley at Bea.

Ayon kay Shirley, sa pagitan ng Mayo hanggang Hulyo ng 2020, kinuha siya ni Bea bilang manager para sa product endorsements ng aktres.

Noong panahong iyon ay nasa pangangalaga pa si Bea ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, na home network ng aktres sa loob ng 20 taon.

"She sought me out during the peak of pandemic. Pareho na kaming matagal sa negosyo, 'no? Ako more than 30, siya 20. But we’ve never met, we’ve never spoken, we were never introduced to each other kahit madalas ako sa ABS," balik-tanaw ni Shirley.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang common friend ang nagpaabot kay Shirley na gusto siyang makilala ni Bea.

"The first time I met Bea was through a Zoom meeting, wala kaming personal introduction. That was it. And the intention was to hire me as her agent for endorsements. And then we agreed."

Humingi raw ng basbas si Bea sa noo'y Star Magic head na si Mariole Alberto at Star Magic chairman emeritus na si Johnny Manahan o Mr. M.

Pinayagan naman si Bea ng Star Magic, ayon kay Shirley.

Makalipas ng ilang buwan, si Bea raw ang nagdesisyong kumalas na sa Star Magic at ilipat na kay Shirley ang pagma-manage ng kanyang showbiz career.

Siniguro raw ni Bea na maayos itong nagpaalam sa Star Magic bago nito kinuha si Shirley bilang bagong manager.

"We did everything with total respect. They wished her luck, you know, assured her of their love. It was really good," dagdag pa ni Shirley sa panayam pa rin ng PEP.ph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BROKERING BEA'S TRANSFER TO GMA

Si Shirley ang naging daan at siyang nagsara ng deal para sa paglipat ni Bea sa Kapuso Network noong July 2021.

Noo'y Ilang buwan nang walang kontrata si Bea sa ABS-CBN bago ito nagdesisyong tanggapin ang offer ng GMA-7.

Paliwanag ni Shirley: "Her contract with ABS-CBN at that time expired December 2020. And matagal pa, mga a few months pa before I got a first phone call from GMA. I think around April or May [2021], something like that.

"Hindi naman kami nagprisinta or ano… Unlike what people are thinking that we were in a hurry to jump ship and all that. No.

"We waited for offers. We got a lot of endorsement offers despite the 2022 pandemic. And mostly movies, because it was so hard to do teleserye, di ba, at that time?

"We’re all struggling, and alam naman natin ang nangyayari sa industriya. We were really, really affected [by the pandemic].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We were one of the lucky ones, that despite all these, we were getting offers, lots of offers—endorsements and projects."

SHIRLEY'S WORKING RELATIONSHIP WITH BEA

Sa huli, ibinahagi ni Shirley sa PEP.ph na madaling katrabaho si Bea.

"Bea is very easy to represent because she’s already an A-lister. But what surprised me is she’s so down-to-earth pala. I really didn’t know her, e.

"To top it all, we never met each other, wala kaming personal meeting, ang tagal bago kami nagkita. So, telephone lang, text lang.

"And ganun pala pag every day kayo nag-uusap, your relationship gets developed. During pandemic, ganun naman tayong lahat. So, doon nag-flourish yung relationship namin."

Malaking bagay raw na alam na rin ni Bea kung ano ang gusto nito kaya madaling paliwanagan sa mga bagay na may kinalaman sa career.

"She’s very, very intelligent," ani Shirley. "We really have a very good relationship kasi napakabait niya at napakadali niyang kausap. Wala akong kahirap-hirap."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran talent manager Shirley Kuan to Kapuso actress Bea Alonzo (in photos): "Just stay the way you are, and just no negativity. You’ve never welcomed them, not ever, not now. So, she knows. I keep telling her, ‘Isn’t this proof, all these offers, all this work, all these endorsements? Isn’t this proof that we’re doing the right thing?'"
PHOTO/S: @beaalonzo / @johnvalle Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results