Agaw-pansin ang suot na singsing—malaki at may makinang na bato—sa ring finger ng kaliwang kamay ng aktres na si Julia Montes.
Kaya tanong ng mga mapagmatyag na netizens: “engagement ring ba ‘yan?”
Hindi ito ang unang beses na nakunan si Julia na suot ang diumano’y engagement ring niya.
Read: Julia Montes spotted wearing an engagement ring anew?
Ang kapansin-pansin lang ngayon sa recent videos, bakas na kumportable na si Julia na makunan siyang suot ang diamond ring.
JULIA AND HER DIAMOND RING
Kamakailan ay nag-post si Dimples Romana sa Instagram ng bonding moment nila ni Julia.
Sina Julia at Dimples, kasama si Kathryn Bernardo, ay nagkasama at naging close sa teleseryeng Mara Clara (2010-2011).
Nangyari ang pagkikita nina Dimples at Julia sa isang Japanese restaurant sa Mother Ignacia, Quezon City.
Sa simula ng video, kinunan ng video si Julia na may Japanese dishes sa kanyang harapan.
Tila nahiya pa si Julia sa pagkuha ng video sa kanya.
Pero agaw-pansin ang suot niyang makinang na diamond ring.
Bakas din sa kilos ni Julia na wala siyang intensiyong ikubli ang suot-suot na singsing.
Bukod sa post ni Dimples, nauna nang nag-post si Julia ng video niya sa kanyang IG account na nagpunta sa parehong resto.
Sa kuha nitong video, kitang-kita rin ang suot niyang diamond ring.
NETIZENS ASSUME IT'S AN ENGAGEMENT RING
Sa magkahiwalay na posts nina Dimples at Julia, pare-pareho ang comments ng netizens na nakapansin sa singsing ni Julia.
Dalawa lang ang reaksiyon nila rito: namangha sila sa laki ng diamond ring at naintriga kung ito ay engagement ring.
Hindi lingid sa kaalaman sa showbiz na si Julia ay matagal nang nauugnay kay Coco Martin.
Tanong ng marami: engagement ring ba ang suot ni Julia?
Narito ang ilang komento:
Samantala, ang iba naman, kumbinsidong engagement ring nga ang suot ni Julia.
Hanggang ngayon ay tikom ang bibig nina Julia at Coco pagdating sa kanilang relasyon, subalit hindi rin naman nila ito itinatanggi.
Noong April 2019 ay ibinalita rin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nanganak na si Julia dito sa Pilipinas.