Zeinab Harake apologizes to Ivana Alawi, Sanya Lopez, Alex Gonzaga, Jelai Andres, other celeb vloggers

by Bernie V. Franco
Oct 25, 2022
zeinab harake ivana alawi, alex gonzaga, sanya lopez, jelai andres, donnalyn bartolome, toni fowler
Zeinab Harake (left photo) addresses allegations of talent manager Wilbert Tolentino (not in photo). Zeinab also apologized to celebrity content creators dragged in the issue, including (right, clockwise) Donnalyn Bartolome, Toni Fowler, Sanya Lopez, Jelai Andres, Ivana Alawi, and Alex Gonzaga.

Nagpaliwanag at humingi ng paumanhin si Zeinab Harake sa vloggers at mga artistang nadawit sa salpukan nila ni Wilbert Tolentino.

Laman ng social media ngayon ang banggaan ni Zeinab, kilalang celebrity vlogger, at Wilbert, talent manager at isa ring vlogger.

Si Zeinab ang nagsilbing “mentor” ni Wilbert para maging content creator.

Nag-umpisa ang salpukan nila sa social media nang mag-post si Zeinab noong nakaraang linggo ng blind item ukol sa mga taong “mapagsamantala,” “manloloko,” at “nagpapaikot,” kabilang na umano ang isang “bading na akala mo inay inay mo.”

Sa post na ito, matutukoy na hindi lang iisang tao ang tinutukoy ni Zeinab.

Bagamat hindi nagbigay ng pangalan si Zeinab kung sino ang tinutukoy niya, nag-react dito si Wilbert na tila kumanta na siya ang isa sa mga pinapatamaan ng celebrity vlogger.

Nitong Linggo, October 23, 2022, nag-Facebook Live si Wilbert upang isiwalat ang kanyang panig sa alitan nila ni Zeinab.

Read: Wilbert Tolentino calls Zeinab Harake "user, pa-victim, bait-baitan"; accuses her of badmouthing other celebrity vloggers

Ipinakita ni Wilbert ang screenshots ng mga dating mensahe sa kanya ni Zeinab.

Kabilang na rito ang mga sinabi ni Zeinab tungkol sa ibang kilalang content creators na nais sanang maka-collab ni Wilbert.

In short, “hinarang” umano ni Zeinab na magkaroon ng collab si Wilbert sa ibang content creators para sa personal na interes umano ni Zeinab.

Nais ding tumbukin ni Wilbert na “traydor” si Zeinab bilang isang kaibigan.

Sa mga ipinakitang screenshots, hindi maganda ang mga mensahe ni Zeinab ukol sa ibang vloggers, kabilang na ang itinuturing niyang malalapit na kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi itinanggi ni Zeinab ang screenshots na ito sa Facebook Live niya noon ding October 23.

Read: Robi Domingo takes a swipe at Zeinab Harake for "walang market" comment; Zeinab apologizes

ZEINAB EXPLAINS

Sa pagsasalita ni Zeinab, inisa-isa niya ang mga pinangalanang vloggers at celebrities ni Wilbert.

Nagpaliwanag siya kung bakit ganun ang sinabi niya tungkol sa mga ito.

Sumbat ni Zeinab kay Wilbert: “Bakit hindi mo sinabi ang lahat ng magagandang bagay na ginawa ko sa iyo?

“Bakit hindi mo sinabi ang lahat ng totoo, kung bakit ayaw ko kay ganito?”

Ayon kay Zeinab, bago niya sinimulan ang kanyang FB Live ay tinawagan muna niya ang vloggers na nadamay sa isyu nila ni Wilbert at humingi siya ng paumanhin sa mga ito.

ALEX GONZAGA

Sa screenshot na ipinakita ni Wilbert na message ni Zeinab ukol kay Alex Gonzaga, mababasa na kinukuha nila ang actress-TV host para maka-collab ni Wilbert:

Bahagi ng message ni Zeinab (published as is): “kinukuha natin alex g 500 wla pa sa hulog kausap sa promotion eh same same naman kami malakas pako”

Ang “500” ay tumutukoy sa PHP500,000 na ibabayad kay Alex para sa collab.

zeinab harake message

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon kay Zeinab, tinawagan niya si Alex at nag-sorry.

Binanggit daw ni Zeinab ang PHP500,000 na bayad kay Alex dahil ito raw ang rate na nagmula mismo sa team ng Tropang LOL host.

Saad pa niya, “Pero nakausap ko kasi si Ate Alex that time, na sinabi niya, 'Ayoko yun ka-collab kasi ayoko yung nagbabayad.'

“So, hindi naman pare-parehas ang mga vloggers. Si Ate Alex, ayaw niya ng ganun, e.

“Ako, kailangan ko [ng bayad] kaya pasensiya na.”

Ang pagba-vlog daw kasi ang source of income ni Zeinab.

Sabi ni Zeinab tungkol sa pagkakadawit ni Alex, “Kaya unang ginawa ko, nag-message ako. Nanghingi agad ako ng sorry. Sobrang sorry po.”

DONNALYN BARTOLOME

Itinanggi naman ni Zeinab ang paratang sa kanya ni Wilbert na masasama ang sinasabi niya ukol sa kaibigang si Donnalyn Bartolome.

Nakipag-ugnayan din daw si Zeinab kay Donnalyn.

“Sinabi ni Wilbert tina-trash talk daw kita kung ano-ano daw pinag[sasabi ko].

“Malabo iyan. Alam ng lahat kung gaano ko kamahal si Ate Dona. At alam ni Ate Dona kung gaano ko siya kamahal.

"Hinding-hindi ko gagawin sa kanya iyon," diin ni Zeinab.

JELAI ANDRES

Sumunod na in-address ni Zeinab ang screenshot ng kanyang message ukol sa kaibigang si Jelai Andres.

Tinawag ni Zeinab si Jelai na “pinaka sabaw samin.”

zeinab harake message

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Donnalyn, Jelai, at Zeinab ay magkakaibigang vloggers at bumuo ng grupong “DoLaiNab.”

Paliwanag ni Zeinab, “cropped” na ang screenshot na ipinakita ni Wilbert.

Aniya, “Kasi totoo. Si Ate Jelai yung pinakasabaw sa amin and joke-joke namin yun magtotropa.”

Pinalalabas lang daw ni Wilbert na masama ang biruan nilang iyon.

“And minessage ko si Ate Jelai nag-sorry din ako,” sabi pa ni Zeinab.

IVANA ALAWI

Tinawagan din daw ni Zeinab si Ivana para mag-sorry sa pagkakadawit nito sa isyu nila ni Wilbert.

Sa screenshot, tinawag ni Zeinab si Ivana na “mataas ang ihi” at may “ichichika” raw siya ukol kay Ivana.

zeinab harake message

Paliwanag ni Zeinab, nagkaroon sila ng isyu noon ni Ivana nang bigla raw siya nitong i-unfollow sa social media. Hindi raw ito nagustuhan ni Zeinab.

“Kaya hindi okay si Ivana sa akin that time,” ani Zeinab ukol sa screenshot message.

Ang “chismis” naman daw na sasabihin niya kay Wilbert ay ang pag-unfollow nga sa kanya ni Ivana.

Pero naresolbahan naman daw nila iyon ni Ivana.

“May wrong info kasi na nakarating kay Ivana pero napag-usapan na namin. Okay na.

“Ngayon, kausap ko siya bago mag-live, humingi din ako ng sorry sa kanya.”

Hirit ni Zeinab, “Hindi ako naghahanap ng kakampi dito. Ginawa ko lang yung tama muna kasi may mga taong nadamay.”

MAKAGAGO, TONI FOWLER, WHAMOS

Sinabi rin ni Wilbert sa kanyang FB Live na hinarang din umano ni Zeinab ang pakikipag-collab kina Makagago, Makagwapo, Whamos Cruz, at Toni Fowler.

Pinasalamatan naman ni Zeinab si Makagago na nauna nang nag-post at ipinagtanggol siya ukol sa isyu.

Sinabi pa ni Zeinab na “never” nilang napag-usapan ni Wilbert si Makagago.

Samantala, inamin ni Zeinab na pinigilan niya si Wilbert na maka-collab si Toni Fowler.

May kinalaman daw ito sa hidwaan ni Toni at ng kaibigan ni Zeinab na si Jelai.

“Gusto mong maka-collab si Toni Fowler kaya kita pinigilan. At sinasabi mong mentor mo ako…

“Kasi ayokong masaktan yung kaibigan ko. Ayoko siyang masaktan, kaya kita pinigilan.

“Yun lang yung point ko dito. Si Jelai lang ang inisip ko,” ani Zeinab.

May paliwanag din si Zeinab ukol sa screenshot ng message niya na pinagtatawanan si Whamos.

zeinab harake message

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong mga panahong iyon daw ay pinag-uusapan si Whamos at nakakatanggap ng maraming bashing.

Pinayuhan daw ni Zeinab si Wilbert na lumayo sa vloggers na may maraming bashers dahil baka hindi ito makadagdag pagdating sa subscribers.

SANYA LOPEZ AND ROBI DOMINGO

Nagpaliwanag din si Zeinab sa screenshots ng messages niya tungkol kina Sanya Lopez at Robi Domingo.

Una nang nag-sorry si Zeinab kay Robi na sinabihan niyang "walang market" value.

Sa isa pang screenshot, sinabi ni Zeinab na “naloka” siya sa mungkahi ni Wilbert na magkaroon ng collab kasama si Sanya.

zeinab harake

zeinab harake message

Hindi itinanggi ni Zeinab ang mga mensaheng ito.

Paliwanag niya, nagrereklamo raw kasi si Wilbert kapag kaunti lang ang subscribers na nadagdag sa pakikipag-collab nito.

“Kaya ko naman sinabi iyon kasi nagra-rant ka. Paano ako hindi magiging ganun sa iyo, ganoon ang pagkakakilala ko sa iyo.

“Again, sa mga artist, pasensiya na. Sobrang soring-soring-soring sorry. Sobrang sorry.”

Ani Zeinab, wala siyang ibang mahihiling sa mga taong nadawit sa isyu kundi paensiya na.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zeinab Harake (left photo) addresses allegations of talent manager Wilbert Tolentino (not in photo). Zeinab also apologized to celebrity content creators dragged in the issue, including (right, clockwise) Donnalyn Bartolome, Toni Fowler, Sanya Lopez, Jelai Andres, Ivana Alawi, and Alex Gonzaga.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results