Watch Now

Toni Fowler forgives Zeinab Harake: "Lahat ay may kapatawaran."

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 25, 2022
Toni and Zeinab
Zeinab Harake (right) apologizes to Toni Fowler (left): "hello ate, again gusto ko lang ho ulit humingi ng pasensya alam ko abot at naiintindihan mo ko base sa kwento ni MG. gusto ko lang mag sorry sa inyo lahat, pasensya na talaga [pray emoji]."
PHOTO/S: Screengrab @Zeinab Harake Facebook/Toni Fowler YouTube

Pinapatawad na ni Toni Fowler ang kapwa celebrity vlogger na si Zeinab Harake.

Ito'y matapos siyang sabihan at ang kanyang pamilya ng "trash" ni Zeinab, ayon sa screenshot na ibinahagi ng vlogger-talent manager na si Wilbert Tolentino.

Noong Linggo, October 23, 2022 tuluyan nang nagliyab ang gusot sa pagitan ng dating magkaibigan na sina Zeinab at Wilbert.

Nagsimula ang isyu dahil sa pa-blind item ni Zeinab tungkol sa isang taong "traydor" at "user."

Hindi nagtagal, nag-post din si Wilbert tungkol sa taong "bait-baitan sa harap ng kamera kahit attitude in real life at higit sa lahat user."

Wala mang direktang pangalan kung sino ang kanilang pinapatamaan, suspetsa ng netizens na ang isa’t isa ang pinariringgan nila.

Sa bagong vlog sa YouTube channel ni Wilbert na may titulong "ANG REBELASYON” noong Linggo, inamin niya na ang kanyang naunang post sa Facebook ay para talaga kay Zeinab, kalakip ang ilang mga rebelasyon tungkol sa tunay raw na pagkatao nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wilbert Tolentino calls Zeinab Harake "user, pa-victim, bait-baitan"; accuses her of badmouthing other celebrity vloggers

Pero paano nadawit ang pangalan ni Toni rito?

Si Zeinab ang nagsilbing "mentor" ni Wilbert parang maging content creator.

Pagbubunyag ni Wilbert, marami siyang gustong maka-collab kagaya nina Toni Fowler, ang Toro family, Makagago, Makagwapo, mga talent ng Star Image, at si Whamos.

Mariin daw itong hinarang ni Zeinab at tinawag niyang "trash" ang mga ito.

TONI FOWLER’S REACTION

Sa pamamagitan ng Facebook Live noong Linggo rin, matapos isiwalat ni Wilbert ang dahilan ng iringan nila ni Zeinab, naglabas ng reaksiyon si Toni kaugnay sa pagkakadawit ng kanyang pangalan.

Aniya, dismayado siya kay Zeinab. Hindi raw siya aalma kung hindi lang nadamay ang kanyang pamilya.

Buwelta ni Toni: "Gusto mo [Zeinab] ng mind f*ck, I give you my f*ck, p*t*ng i*a. Hindi tayo papayag nang ganun.

"Sasabihin na naman ng ibang tao na nakikisali ako. Pero kung hindi naman na-drag ang pangalan ko, hindi naman ako makikisali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Totoong nagpatawad ako kay Zeinab. May anak ka nang tao kaya naiintindihan kita.

"Sinabihan mo ako ng trash [okay lang], pero ang hindi ko matanggap at hindi ko siguro mapapatawad dahil hindi ko naman hawak ang utak ng iba ay ang sarili kong pamilya, ang Toro family, para tawagin mong trash.

"Tatawagin mong trash yung pamilya ko, mali ka dun."

Kuwento pa ni Toni, nakilala niya si Zeinab noon bilang mabuti at mabait na tao, kaya hindi raw niya sukat-akalaing pagtalikod ay marami pala itong nasasabi tungkol sa kanya.

Ibinahagi rin niya ang naging pag-uusap nila ni Zeinab noong nasangkot si Toni sa isyu ng hiwalayan noon ng mag-asawang Jon Gutierrez at Jelai Andres.

Read: Jelai Andres lashes back at husband Jon Gutierrez for defending his mistress: "Pag kabit mo na-hurt, magwawala ka."

Pagbabahagi ni Toni, "Alam mo si Zeinab, mabait ‘to, e. Nag-message pa nga siya sa akin dati... na-appreciate ko siya, sobra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Inaamin ko na may mali ako, na malandi, uto-uto, bobo ako noon. Pero ngayon, ang reason niya [Zeinab] is friend niya si Jelai kaya ayaw akong ipa-collab.

"So, ang sistema niya pala, kampihan, pero walang problema.

"Alam ko na hindi man ako napatawad ni Jelai, naiintindihan ko. Nasaktan ko siya, e.

"Hanggang ngayon, puro sorry yung nasa puso ko, walang problema."

Pagpapatuloy ni Toni, "Tinawag mo akong trash, nag-sorry ka sa akin dati, walang problema.

"Pero yung pamilya ko, bakit mo kailangang tawaging trash? Bakit ganun mo kami tingnan?

"May mga bata dun, maling-mali yun. Bakit ganun yung tingin mo sa kapwa mo social media artist?

"Kung tutuusin, hindi ko rin pangarap na makipag-collab sa inyo para makipag plastikan."

Naisiwalat din ni Toni ang naging kasalanan daw sa kanya ni Zeinab noon pang 2018 na kanyang pinalagpas.

Kabilang na ang pagpapakita raw noon ni Zeinab sa pribadong bahagi ng kanyang katawan sa ex-boyfriend ni Toni na si Rob Moya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jon Gutierrez charged with concubinage for alleged betrayal of wife Jelai Andres

ZEINAB’S APOLOGY

Matapos maglabas ng saloobin ni Toni sa Facebok ay muli siyang nag-Live sa YouTube nitong Lunes, October 24, upang ipaalam na humingi na ng sorry si Zeinab sa kanya at sa kanyang pamilya.

Read: Zeinab Harake apologizes to Ivana Alawi, Sanya Lopez, Alex Gonzaga, Jelai Andres, other celeb vloggers

Aniya, "Tama na tayo sa mga chismis, guys. Tapos na yun...

"Actually, pangit din naman yung ginawa ko kasi sinabihan ako ng hindi maganda tapos nagsabi rin ako ng hindi maganda.

"Kasi alam niyo, minsan talaga pangit man pakinggan, pero kailangan pinapaalala mo rin sa ibang tao na tao ka lang din, ganun lang yun.

"Pero siyempre, ang ending naman nito ay magpatawad. Siyempre, humingi ng tawad ulit.

"Isipin niyo yun, ha. After kong magsalita sa Live kagabi, after kung anu-ano yung sinabi ko na masakit at totoo, sinabi ko yun, nagpahiya rin ako ng tao kasi pinahiya rin yung pamilya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"After kong sabihin yun, ang naging message pa rin ni Zeinab... para sa pamilya ko ay sorry.

"So, sa part na yun, thumbs up talaga ako kay Zeinab dahil kahit napahiya ko siya, hindi pa rin siya nagpaandar ng pride.

"Gumanti ako, e, nagpadala ako sa nararamdaman ko, pero humingi pa rin siya ng tawad sa aming lahat."

Dagdag pa ni Toni, "So, ako, okay na ako dun, wala na akong hate. Ako pa ba?

"Sa lahat ng magagawan mo ng mali, ako pa ba? Madali akong kumalma at magpatawad."

Ibinahagi rin ni Toni sa Facebook ngayong Martes ng umaga, October 25, ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Zeinab sa Instagram kung saan muli itong nag-sorry sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa message ni Zeinab (published as is): "hello ate, again gusto ko lang ho ulit humingi ng pasensya alam ko abot at naiintindihan mo ko base sa kwento ni MG. gusto ko lang mag sorry sa inyo lahat, pasensya na talaga [pray emoji]."

Reply ni Toni (published as is), "Zeinab. Pinahiya kita. Ginantihan kita. Pero eto ka nag sosorry. Saludo ako sayo dyan.

"Ingatan mo ang sarili mo at ang tao sa paligid mo. Hihingi din ako ng pasensya dahil palamon ako sa emosyon ko para sa pamilya ko. Pangit ang ginawa ko sayo pabalik pero hindi ka nag pride. Salamat don at ok na kami ng pamilya ko dito. Lahat ay may kapatawaran [pray emoji].

"Lahat sana ay maging ok para sa team mo at lalong lalo na kay BIA [heart emoji]."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zeinab Harake (right) apologizes to Toni Fowler (left): "hello ate, again gusto ko lang ho ulit humingi ng pasensya alam ko abot at naiintindihan mo ko base sa kwento ni MG. gusto ko lang mag sorry sa inyo lahat, pasensya na talaga [pray emoji]."
PHOTO/S: Screengrab @Zeinab Harake Facebook/Toni Fowler YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results