Watch Now

Whamos Cruz to Zeinab Harake: "Napatawad na kita, hindi naman big deal sa akin."

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 25, 2022
Whamos and Zeinab
Whamos Cruz (left) to Zeinab Harake (right): "Ang sa akin lang sa susunod, wag ka na lang magsalita kung kani-kanino. Maging aral na sana sa 'yo ito.”
PHOTO/S: Screengrab @WhamosCruz/Zeinab Harake Facebook

Kagaya ni Toni Fowler, napatawad na rin daw ni Whamos Cruz ang kanilang kapwa vlogger na si Zeinab Harake.

Read: Toni Fowler forgives Zeinab Harake: "Lahat ay may kapatawaran."

Si Whamos ay isa sa mga personalidad na nadawit sa hidwaan ni Zeinab at ng talent manager-vlogger na si Wilbert Tolentino.

Parte sa rebelasyon ni Wilbert sa kanyang YouTube vlog ang pagbubunyag sa totoo raw na ugali ni Zeinab na hindi nakikita ng camera.

Kabilang na rito ang pangba-backstab diumano ni Zeinab sa kanyang kapwa celebrity vloggers.

Ipinakita ni Wilbert ang screenshots ng mga naging pag-uusap nila noon ni Zeinab kung saan pinagtawanan nito si Whamos nang sabihin ni Wilbert na balak niyang makipag-collab dito.

zeinab harake message

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wilbert Tolentino calls Zeinab Harake "user, pa-victim, bait-baitan"; accuses her of badmouthing other celebrity vloggers

May paliwanag naman si Zeinab ukol dito nang mag-live siya sa Facebook noong Linggo, October 23, 2022.

Aniya, noong mga panahong iyon ay pinag-uusapan si Whamos at nakakatanggap ito ng maraming batikos online.

Pinayuhan lang daw niya si Wilbert na lumayo sa vloggers na may maraming bashers dahil baka hindi ito makadagdag pagdating sa kanyang subscribers.

Mabilis ding humingi ng tawad Zeinab kay Whamos at inamin niyang siya ay nagkamali.

Read: Zeinab Harake apologizes to Ivana Alawi, Sanya Lopez, Alex Gonzaga, Jelai Andres, other celeb vloggers

NO BIG DEAL

Nitong Lunes, October 24, nag-Facebook Live si Whamos upang linawin ang kanyang naunang reaksiyon pagkaputok ng isyu nina Zeinab at Wilbert noong Linggo, October 23.

Marami raw netizens ang nag-message sa kanya at sinasabing mukhang hindi naman siya seryoso sa mga sinabi niya at ginawa lang niyang itong katawa-tawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil imbes na magalit sa sinabi ni Zeinab ay tila nag live-selling pa siya sa kanyang Facebok Live.

Ayon kay Whamos, hindi kasi niya bini-big deal ang nasabi sa kanya ni Zeinab dahil totoo naman daw na inuulan siya noon ng mga batikos.

Saad niya, "Actually, hindi ko naman bini-big deal yung ganung part, medyo nagulat lang talaga ako nang konti kaya ako napa-post.

"Pero napag isip-isip ko rin naman na, oo, inuulan nga ako ng bash noon, sa totoo lang. Pero hindi naman porke't inuulan ka ng bash, e, hindi ka na puwedeng makipag-collab.

"Halos lahat naman ata ng artists ay may basher, mapa-guwapo ka man o hindi. Talagang may mga basher.

"Si Zeinab, for sure may mga bashers din siya noon at nalagpasan niya yun. Ako rin naman may basher din ako noon pero nalagpasan ko rin naman yun."

Dagdag ni Whamos, "Kung ano man ang ibato sa akin, sanay na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, hindi ko para seryosohin itong issue na ito. Hindi naman kasi eto yung bagay na dapat kong seryosohin.”

Nasaktan man daw siya sa kanyang nalaman ay hindi naman ito rason para hindi siya magpatawad, lalo na’t nag-sorry na si Zeinab sa kanya.

Aniya, “Na-involve lang ako gawa ng ganun yung part. Sa akin naman, nasaktan lang ako, halos hindi naman ganun kalaki.

“Siguro sa ibang influencer malaki sa kanila yun kasi nakatapak siya [Zeinab] ng ibang influencer, e, ultimo artista.

“Sa akin naman, si Zeinab naman nag-sorry naman na sa akin, oks [okay] na ako doon.

“Sincere man siya o hindi, walang kaso sa akin yun. Basta ako, alam ko na wala akong kagalit na tao, wala akong kagalit na vlogger.

"Gusto ko lang naman magpasaya ng tao."

Dagdag pa ni Whamos, “Yun lang talaga yun, nagulat lang ako sa sinabi ni Zeinab kay Wilbert na ganun nga. Nasaktan ako konti, pero hindi big deal sa akin yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May hiling din sa Whamos kay Zeinab.

“Sana maging aral na sa kanya. Sana matapos na rin kaagad at hindi na humaba.

“Ang sa akin lang, sa susunod, huwag ka na lang magsalita kung kani-kanino. Maging aral na sana sa iyo ito.”

Read: Robi Domingo takes a swipe at Zeinab Harake for "walang market" comment; Zeinab apologizes

Paglilinaw pa niya, “Hindi ako galit sa iyo, mag-message ka man sa akin sa Facebook o hindi, mag-sorry ka man sa akin in person o hindi okay lang sa akin yun.

"Walang problema, kasi naiintindihan naman kita sa part mo. Siyempre, kakapanganak mo nga lang at meron ka pang past issue.

"Inisip ko rin yun, kaya ayoko na lang din makisabay at makidagdag pa sa iyo.

“Kung humingi ka man ng sorry sa akin, napatawad na po kita. Hindi naman ako ganung klaseng tao na hindi nagpapatawad.

“May pagkakamali rin ako, hindi rin ako perpektong tao. At sa totoo lang, lahat ng post ko is puro funny videos lang, for fun lang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko din naman maging dahilan ng damage sa akin yung sinabi mo kasi meron din naman akong personal na problema na mas kailangan kong isipin kesa sa sinabi mo.

“Basta ako, pinapatawad na kita. Hindi naman sobrang big deal sa akin.

"Sana lang may natutunan ka sa nangyari sa iyo, na sa susunod huwag ka nang magbanggit ng ibang tao, huwag ka nang mangmaliit ng kapwa mo vlogger.”

“I'M REALLY SORRY”

Muli namang humingi ng tawad si Zeinab sa lahat ng nadamay sa hidwaan nila ni Wilbert.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post ngayong Martes, October 25, inisa-isa niya ang mga pangalan na nabanggit ni Wilbert sa kanyang vlog.

Mababasa sa kanyang post (published as is), “Gusto ko lang po sana humingi ng paumanhin sa lahat ng taong napagsalitaan ko ng hindi maganda at sa mga kaibigan kong nadamay sa issue na aking kinasangkutan. Ate Jelai, Ate Alex, Ate Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts and Sachzna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po ako magbibigay ng kahit na anong excuse, ang mga nabasa nyo po ay mga salitang nabitawan ko ng hindi ko napag isipan, tao lang din po ako katulad nyo.. Ang ugali kong ito ay hindi tama at dapat kong baguhin. I'm really sorry.

“Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin.

“Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa'y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I'm so sorry.”

Dagdag pa niya, “I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better. Maraming salamat po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Whamos Cruz (left) to Zeinab Harake (right): "Ang sa akin lang sa susunod, wag ka na lang magsalita kung kani-kanino. Maging aral na sana sa 'yo ito.”
PHOTO/S: Screengrab @WhamosCruz/Zeinab Harake Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results