Watch Now

Janine Gutierrez, 33, on settling down: "Wala pang plans."

by Khryzztine Joy Baylon
Oct 26, 2022
Janine Gutierrez settling down
Janine Gutierrez has no plans of settling down at 33: “Ako, personally, it’s not in the plans for this year. Wala pa, wala pang plans...To the people asking naman, huwag naman kayong mang-pressure."
PHOTO/S: Screengrab @Janine GutierrezYouTube

Wala pang planong magkaroon ng sariling pamilya ang 33-year-old Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Ito ang kanyang inamin sa YouTube vlog niyang may titulong "ASK ME ANYTHING!" noong October 22, 2022.

Dito ay sinagot ni Janine ang mga tanong ng fans kabilang na ang usapin tungkol sa pagpapakasal.

Tanong ng isang fan: "At 33, are you ready to settle down?”

Noong October 2, 2022, ipinagdiwang ni Janine ang kanyang ika-33 kaarawan.

Read: Paulo Avelino asked about birthday gift to Janine Gutierrez

Natatawang sagot ni Janine, "This is so funny kasi parang this is a question that girls get every time na nagbi-birthday sila.

"Kanya-kanya talaga siya, di ba? For other people, they’re happy to get married younger and other people don’t even want to get married at all.

“Ako, personally, it’s not in the plans for this year. Wala pa, wala pang plans.”

Pinayuhan din ni Janine ang mga kapwa niya babae na huwag ma-pressure pagdating sa pag-aasawa dahil may sari-sarili naman daw panahon at kapalaran ang bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, "I just want to remind everyone, lalo na all the girls, na just because you’re at a certain age, you’re 30 or older, it doesn’t mean you have to get married na.

"I hope you don’t feel pressured or left behind dahil lang ang daming nagtatanong.

“When it comes down to it, you’re always on your own timeline, and it’s up to you kung ano yung gusto mong gawin with your life."

Dagdag pa niya, "Don’t feel pressured guys.”

May mensahe rin siya sa mga taong parati raw nagtatanong tungkol sa pagpapakasal.

Aniya, “To the people asking naman, huwag naman kayong mang-pressure.

"Kanya-kanyang journey talaga iyan. There’s no, like, correct timeline in life."

ZANJOE OR PAULO?

Hindi rin nakatakas si Janine sa tanong kung sino ang pipiliin niya sa dalawang leading men na sina Paulo Avelino at Zanjoe Marudo.

Si Paulo ang leading man ni Janine sa ABS-CBN series na Marry Me, Marry You, kung saan dito rin nagsimulang ma-link sila sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Zanjoe naman ang magiging leading man ni Janine sa ABS-CBN upcoming series na Dirty Linen, kung saan makakasama nila sa unang pagkakataon sina Francine Diaz at Seth Fedelin.

Sagot ni Janine, “Siyempre ano, kaka-work lang namin ni Z [Zanjoe] but sobrang cool ni Z.

"I’m so happy na ka-work ko siya dito sa next show, as in he’s one of the people na talagang gusto kong maka-work sa ABS-CBN.

"Kasi his movie with Lovi [Poe], yung Malaya, is one of my favorite movies. Super ganda.

"Pero siyempre, yung sagot natin would be Paulo Avelino."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez has no plans of settling down at 33: “Ako, personally, it’s not in the plans for this year. Wala pa, wala pang plans...To the people asking naman, huwag naman kayong mang-pressure."
PHOTO/S: Screengrab @Janine GutierrezYouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results