Ang asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista ang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig sa motion for reconsideration ng TV host/comedian sa Branch 69 ng Taguig Regional Trial Court, kahapon, October 25, 2022.
Ito ay matapos tanggihan ng korte ang petisyon ni Vhong na manatili siya sa custody o pag-iingat ng National Bureau of Investigation (NBI) at huwag ilipat sa Taguig City Jail dahil sa banta sa buhay niya.
Read: Motion ni Vhong Navarro na huwag siyang ilipat sa Taguig City Jail, hindi kinatigan ng korte
Sinabi ni Tanya sa korte na siya ang nakatanggap ng text message ng pagbabanta laban kay Vhong kaya maaaring makompromiso ang kaligtasan ng kanyang asawa kapag inilipat ito sa Taguig City Jail.
Mahigit isang buwan nang nananatili si Vhong sa NBI facility buhat nang lumabas noong September 19 ang warrant of arrest para sa kaso ng rape—na non-bailable o walang piyansa—na isinampa ni Deniece laban sa kanya.
Ngayong Miyerkules, October 26, nakipag-ugnayan ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Atty. Maggie Abraham Garduque para alamin ang mga bagong kaganapan sa kaso ni Vhong.
Si Atty. Garduque ang collaborating counsel kay Vhong para sa mga kaso ng rape at acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa TV host-comedian.
Pahayag niya, “Yesterday, there was a hearing on the motion for reconsideration filed by Vhong on the order of the court to transfer him to city jail.
“The court issued subpoena to Vhong’s wife and to the jail warden of city jail.
“Vhong’s wife appeared yesterday as well as the representation of the jail warden of Taguig City Jail.
“The court asked clarificatory question to them. Then the motion for reconsideration is now submitted for resolution."
Dagdag ni Atty. Garduque, “Hindi dumating ang witness ng prosecution na si Ana Roma kaya the court ruled that the prosecution waived their right to present her in the petition for bail hearing. Pero puwede pa siyang i-present sa main case."
Nakatakda sa November 7 at November 10 ang mga susunod na pagdinig sa mosyon ni Vhong. Inaasahan ang pagdalo rito ng mga testigo ng prosecution na maaaring si Jed Fernandez o mismong si Deniece.
Related Articles:
- CA orders Taguig Prosecutors to file rape, acts of lasciviousness charges vs Vhong Navarro
- Vhong Navarro camp to appeal CA order to indict actor for rape, acts of lasciviousness
- Vhong Navarro camp insists Deniece Cornejo swore twice that "Mr. Navarro did not rape her"
- Taguig prosecutors file rape case against Vhong Navarro
- Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case
- Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended
- Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrender in rape case
- Vhong Navarro transferred to NBI detention center; actor's camp to file petition for bail
- NBI releases mug shots of Vhong Navarro after his voluntary surrender
- Vhong Navarro lawyer baffled by revival of rape case against comedian-TV host
- Deniece Cornejo camp seeks immediate transfer of Vhong Navarro to Taguig City Jail
- Vhong Navarro refuses to enter plea in rape case filed by Deniece Cornejo
- Vhong Navarro all set to petition court for bail hearing; remains in custody of NBI
- Cedric Lee testifies against Vhong Navarro in rape case