Herlene Budol starts taping for series; feels pressure as Miss Planet International 2022 nears

by Bong Godinez
Oct 27, 2022
Herlene Budol
Herlene Budol will represent the Philippines in the Miss Planet International pageant happening on November 19, 2022, in Kampala, Uganda.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram

Puspusan na ang preparasyon ni Herlene Budol para sa nalalapit na Miss Planet International 2022 na gagawin sa November 19, 2022, sa Kampala, Uganda.

Agosto ng taong ito nang i-anunsiyo ang partisipasyon ni Herlene bilang pambato ng Pilipinas sa nasabing beauty pageant.

“Nag-i-start pa lang po kami na mag-training sa pasarela [catwalk[, sa Q&A [question and answer].

“Pero ina-apply ko na sa sarili ko iyong mga natutunan ko po sa Binibini [Binibining Pilipinas], na hindi ko po siya inalis para kahit sa maikling panahon ng training, meron pa rin po akong background,” kuwento ni Herlene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nanalong first runner-up si Herlene nung nakaraang Binibining Pilipinas beauty pageant.

Kuwela ang sagot ni Herlene nang tanungin ng writer na ito kung may special beauty at fitness routine siya na sinusunod bilang preparasyon sa sasalihang pageant.

“Ligo lang talaga 'tsaka dasal 'tsaka tulog kasi nakaka-fresh,” biro niya.

Aminado si Herlene na nakakaramdam na siya ng nerbiyos lalo pa’t ilang araw na lang ay lilipad na siya patungong Uganda sa Africa.

“Super po. Kung alam niyo lang. Kasi parang nasa akin po iyong pressure,” seryosong tugon ni Herlene.

“Natatakot po ako na baka hindi ko po mabigay sa kanila iyong expectation na nakikita po nila sa akin, so gagawin ko nga po iyong best ko.”

Sasama kay Herlene sa Africa para magbigay ng moral at emotional support ang kanyang mga magulang.

Sasagutin daw ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang airfare ng kanyang entourage patungong Africa.

TOWERING OVER EDSA

Nakausap ng PEP.ph si Herlene kagabi, October 26, nang bisitahin ng comedienne-beauty queen sa EDSA, Mandaluyong ang kanyang giant 3D LED billboard para sa apparel brand na JAG Jeans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Emosyonal si Herlene na naiyak pa habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa tinaguriang “first biggest 3D LED billboard” sa bansa.

Video: Bong Godinez (video), Rommel Llanes (edit).

“Hindi ko po ma-explain kung ano po iyong nararamdaman ko, halo pong saya… saya lang po pala na walang lungkot,” sabi ni Herlene na first time magkaroon ng sarili niyang billboard sa isang major highway.

“Sobrang unexpected talaga—super, super, super. Ayon lang, saya na walang katumbas.”

Sa video ng billboard ay makikita si Herlene proudly showing off her beauty-queen form habang nakasuot ng gown at casual denim outfits.

“Mahirap po iyong ikot-ikot. Kaya pala dapat tiyempuhin mo iyong sakto na magkaibang damit pero iisa iyong turn. Kaya dun po kami nahirapan,” pagbabalik tanaw ni Herlene sa video shoot para sa nasabing billboard.

“Worth it po iyong lahat ng pagod namin nun. Sobrang happy po ako na iyon yung kinalabasan.”

In the coming days daw ay madadagdagan pa ang billboards ni Herlene para sa ini-endorsong apparel brand.

“Kaya nga po, e. Feeling ko po matutulog ako sa EDSA,” biro ni Herlene.

FIRST LEAD ROLE

Kasama sa sunud-sunod na blessings na tinatamasa ni Herlene ay ang kanyang upcoming TV series sa GMA-7 na pinamagatang Magandang Dilag.

Kasama ni Herlene sa serye sina Benjamin Alves Apart, Maxine Medina, Rob Gomez, Adrian Alandy, Christopher De Leon, Sandy Andolong, at Chanda Romero.

Bagama’t kamakailan ay naiulat dito sa PEP.ph na na-postpone ang first taping day ng serye, masaya namang ibinalita ni Herlene na may nakunan na rin silang ilang eksena.

“’Yong Magandang Dilag po, nag-start pa lang po kami mag-taping. Basta nakapag-taping po kami. At least may naumpisahan na po. Tuluy-tuloy po iyon pag-uwi ko galing Africa po,” sabi ni Herlene.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kumusta naman ang kanyang experience during the taping?

“Nakakapanibago po ulit,” sagot ni Herlene.

“Tsaka ito rin po iyong first lead role ko sa buong buhay ko kaya sobrang happing-happy ako.

“Hindi ko na ma-explain iyong sarili ko kung gaano ako kasaya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol will represent the Philippines in the Miss Planet International pageant happening on November 19, 2022, in Kampala, Uganda.
PHOTO/S: @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results