Watch Now

Jaclyn Jose alludes to tampuhan with daughter Andi Eigenmann

by Rachelle Siazon
Nov 2, 2022
Jaclyn Jose and Andi Eigenmann tampuhan
Veteran actress Jaclyn Jose posts cryptic message about daughter Andi Eigenmann who, she said, did not greet her on her birthday.
PHOTO/S: @jaclynjose / @andieigengirl Instagram

Tila may tampuhan pa rin ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann.

Ramdam ang sama ng loob ni Jaclyn nang isiwalat niyang hindi siya nakatanggap ng birthday greeting mula sa panganay na anak.

Sa Instagram post ni Jaclyn kahapon, November 1, 2022, kasama niya ang bunsong anak na si Gwen sa isang restaurant.

Sa caption, sinabi ni Jaclyn na pinasaya ni Gwen ang kanyang birthday. At ikinatuwa rin daw niya ang pagbati sa kanya ng apo nitong si Ellie Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Gwen ay anak ni Jaclyn sa ex-partner na si Kenneth Ilagan, guitarist ng '90s band na The Dawn.

Si Andi ay anak ni Jaclyn sa yumaong aktor na si Mark Gil.

Si Ellie ay anak ni Andi sa ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Ang tunay na birthday ni Jaclyn ay noon pang October 21, 2022, kaya marahil ay belated birthday celebration ang kanyang post.

May isa pa siyang latest Instagram post kunsaan solo lang siya sa litrato habang nakatingin sa dalawa niyang birthday cake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section ng kanyang Instagram feed, kapansin-pansin ang pahaging ni Jaclyn nang magpasalamat siya sa mga nagpaabot ng birthday greetings sa kanya.

Sabi ni Jaclyn (published as is): "Salamat! So much appreciated! luv you all... sana bumati si Andi Para mas complete.oh well..i am good salamat talaga sa effort sobra!"

Jaclyn Jose and Andi Eigenmann tampuhan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pahabol pa si Jaclyn na maging ang partner daw ni Andi na si Philmar Alipayo, na aniya ay "father of my grandchildren" ay hindi bumati ng "happy birthday" sa kanya.

Gusto man niyang ipagsawalang-bahala, mahihinuhang nagtatampo si Jaclyn sa mag-partner na sina Andi at Philmar.

Baka raw busy ang mga ito.

"I will zip," sabay sabi na lang ni Jaclyn.

Jaclyn Jose and Andi Eigenmann tampuhan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang pahayag si Andi hinggil sa tampo ni Jaclyn.

Pero noong pang September 2, 2022, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang eksklusibong panayam kay Jaclyn.

Ginulat kasi noon ni Jaclyn ang Instagram followers niya nang mag-post siya na nais na niyang magretiro sa showbiz.

Pero paliwanag ni Jaclyn noon sa PEP.ph, aminado siyang tinamaan siya ng matinding kalungkutan dahil sa kanyang pag-iisa.

Napasentimiyento siya na tila para sa wala ang mga sakripisyo niya dahil sa pangungulila niya sa mga anak—kay Gwen na nakabase sa Amerika, at kay Andi na tila madalang niyang makita.

Ang pamilya nina Andi at Philmar ay nakabase sa Siargao. Hindi naman malinaw kung kailan ang huling pagkikita at pag-uusap ng mag-inang Andi at Jaclyn.

Read: Jaclyn Jose opens up about emotional struggles as a single parent: "At the end of the road, you feel all alone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Jaclyn Jose posts cryptic message about daughter Andi Eigenmann who, she said, did not greet her on her birthday.
PHOTO/S: @jaclynjose / @andieigengirl Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results