Watch Now

Sam Milby, Gerald Anderson reveal biggest "flex" in love and life

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 3, 2022
Sam-Gerald Flex
(L-R) Sam Milby and Gerald Anderson are the newest cover boys of Star Magic's digital magazine Flex.
PHOTO/S: Star Magic Instagram

Happy and contented ang dalawang Kapamilya heartthrob na sina Gerald Anderson at Sam Milby sa kanilang mga achievements at narating sa buhay.

Maliban sa kanilang latest teleserye na A Family Affair, sila ring dalawa ay tampok sa pinakabagong cover ng digital magazine ng Star Magic na Flex.

Read: Sam Milby on rumored network transfer: "Hangga’t kaya I would not want to leave."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa virtual mediacon ng Flex noong October 25, 2022, natanong sina Sam at Gerald kung ano ang kanilang biggest "flex" sa buhay at love life sa likod ng kanilang matagumpay na karera sa showbiz.

Ayon kay Gerald, isa sa kanyang ipinagmamalaki ay ang mga pagsubok na kanyang kinaharap at nalampasan.

Saad niya, “Yung lahat ng accomplishments ko as an actor, as a celebrity, and as a person because magkaiba yun para sa akin, e.

"Nasa posisyon ako sa buhay na puwede kong alagaan yung pamilya ko, yung nanay ko. I can support everyone na mahal ko.

“But one of my biggest flexes are overcoming challenges and becoming a better person sa lahat ng pinagdaanan ko.

"My happiness and my situation in life, na parang at the age of 33, parang nandun pa rin yung motivation ko to achieve more.

"But I’m also content in a way na I acknowledge kung ano yung mga na-achieve ko, but there’s more to come.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"[I am] just flexing the person I am today, my successes and failures.

"There are things I also want to accomplish outside of showbiz.

"So, yung biggest flex ko is yung sitwasyon ko, just me right now being happy being contented."

Bukod dito masaya rin daw si Gerald sa kanya ngayong love life.

Taong 2021 nang aminin ni Gerald Anderson ang relasyon niya kay Julia Barreto.

Read: Julia Barreto posts kissing photo with Gerald Anderson in Singapore

Aniya, "In love naman is just flexing my happiness. Not in a way na para sa lahat ng tao, pini-flex ko lang kung gaano ako kasaya.

"I'm just flexin' it in a way I wake up, [at] hindi naman kailangang ipagsigawan sa buong mundo.

"I am very happy and very content sa life ko. Doon pa lang ay biggest flex na sa akin iyan."

Katulad ni Gerald, masaya at kontento rin si Sam sa kanyang narating sa buhay at sa katayuan ng kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagmamalaking kuwento ni Sam, "I’m 38 now and I’m very contented, I’m happy and in love with Cat [Catriona Gray].

"I’ve been so blessed after 16 years sa business, still having work. Matatapos na ang A Family Affair and it’s such a big blessing kahit sa lahat ng pinagdaanan."

Naniniwala si Sam na naging malaking tulong ang bawat pagsubok at pagkabigo na kanyang pinagdaanan upang mahubog ang mas mature na pagkatao niya sa ngayon.

Saad niya, "It’s the growth that you go to kasi kung wala kang pinagdadaanan, kung wala kang pagsubok sa buhay, you have no growth.

"It’s knowing and accepting the mistakes that you make and growing from them, and always being humble and seeking out, wanting to keep growing and that’s what I wanna do.

"I wanna keep growing kahit 60s, 70s na ako. You’ll never gonna stop growing."

Dagdag pa niya, "I’m really content with my life right now. I’m happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JULIA AND CATRIONA: SINO SA DALAWA ANG SELOSA?

Hindi rin nakatakas ang dalawa sa tanong kung selosa ba ang kani-kanilang partner na sina Julia Barreto at Miss Universe 2015 Catriona Gray, lalo na sa mga roles nilang mature at sexy.

Laking pasasalamat daw ni Sam kay Catriona dahil supportive at understanding ang nobya pagdating sa kanyang mga ginagampanang roles.

Read: Sam Milby opens up about dynamics with girlfriend Catriona Gray

Saad niya, "Nagpapasalamat ako kay Cat kasi kahit hindi siya showbiz in a sense na hindi siya actress, she is very understanding.

"Even for me kung malalaman ko na may mga eksena akong [sexy], I'm being critical to say na I wouldn't feel affected.

"The fact that she is understading about it, I am thankful for that."

Samantala, pag-amin ni Gerald hindi pa rin daw naging isyu sa kanila ni Julia ang mga roles na ginagampanan niya.

Read: Gerald Anderson bonds with girlfriend Julia Barretto amid rumors linking him to Kylie Padilla

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Wala pa naman akong nagagawang sobra, sa awa ng Diyos.

"Yung mga naibibigay sa akin na scenes at roles, parang importante siya sa kwento.

"I never really, kumbaga love is not really involve lalo na sa eksena, hindi ko rin gagawin, respect na rin sa partner ko.

"Five years o 10 years from now, parang you don't want to look...watching na hindi ka magiging proud."

Read: Julia Barretto breaks silence on alleged breakup with Gerald Anderson: "We haven’t broken up."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Sam Milby and Gerald Anderson are the newest cover boys of Star Magic's digital magazine Flex.
PHOTO/S: Star Magic Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results