Watch Now

YouTube stars Viy Cortez and Cong TV are now engaged

by Arniel C. Serato
Nov 3, 2022
Cong TV and Viy Cortez are now engaged
Vlogger Viy Cortez is now engaged to longtime partner and YouTuber Cong TV: "Yes love! Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko."
PHOTO/S: Courtesy: Cong TV / Viy Cortez on Facebook

Engaged to be married na ang vlogger na si Viy Cortez sa longtime boyfriend nito at kapwa vlogger ding si Lincoln Velasquez o mas kilala bilang Cong TV.

Sa Facebook ngayong Huwebes, November 3, 2022, ibinahagi ni Viy ang larawan nila ni Cong na nagli-lips to lips. Kitang-kita rin sa larawan ang engagement ring niya.

Saad niya sa caption: “Yes love! [white heart emoji] Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko [white heart emoji]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kapitbahay no more! I love you viviys!! [heart emoji],” maiksing post naman ni Cong sa kanyang Facebook.

Natuwa naman ang fans ng dalawa dahil sa wakas ay ikakasal na sila matapos ang ilang taong pagsasama.

Sina Cong at Viy ay bahagi ng Team Payaman, isang grupo ng YouTubers na sinimulan ni Cong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Team Payaman's content creators changing the rules of stardom

Nitong July 2022 lamang, ipinanganak ni Viy ang panganay nila ni Cong na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez o Kidlat.

Read: Viy Cortez, Cong TV introduce first child "Kidlat"

THE LOVE STORY

Sina Cong at Viy ay dalawa sa pinakasikat na vloggers sa bansa.

Simple lang ang kanilang buhay bago pa nila pasukin ang vlogging.

Noong nagsisimula pa lamang si Cong sa pagba-vlog, si Viy naman ay nagtitinda ng itlog at kotse.

Sa panayam sa kanila sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinunyag nilang si Viy ang gumawa ng first move kay Cong.

Pag-amin ni Viy, “Crush ko siya na may halong takot. Ini-chat ko siya kasi crush ko siya.”

Ayon naman kay Cong, "Nagulat ako kasi sino itong magandang dilag na nag-chat sa akin. Sabi ko ang ganda nito. Pero nung nakita ko siya sa personal, mas maganda!

“Pagkakita ko sa kanya, 'I love you' kaagad. The rest is history after nun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As time goes by, na-realize ko na ito talaga yung taong para sa iyo.”

Matapos nito, niyaya ni Cong si Viy na mag-vlog na din para marami silang oras na magkasama.

Aniya, “Madalas kaming nagkakalayo. So, umisip ako ng way para lagi na kaming magkasama.

“Naniwala lang din ako na balang-araw, may mangyayari. At siyempre pag may mangyayaring maganda sa iyo, siyempre ang gusto mong kasama mo, yung mga mahal mo sa buhay."

Pitong taon na ang relasyon nina Cong at Viy na nagsimula noong 2015.

Read: Cong TV and Viy Cortez: Love in the time of vlogging

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger Viy Cortez is now engaged to longtime partner and YouTuber Cong TV: "Yes love! Una palang alam ko na ikaw ang magiging asawa ko."
PHOTO/S: Courtesy: Cong TV / Viy Cortez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results