Rufa Mae Quinto ready to face Jessa Zaragoza

by Ruel J. Mendoza
Apr 1, 2008
"Pero haharapin ko siya depende sa schedules ko. You know naman, I'm so busy. ‘di ba? May shooting ako sa Europe for I.T.A.L.Y. [I Trust and Love You] for GMA Films. May Manay Po 2: Overload pa ako. ‘Tapos may Dyesebel pa ako for GMA-7. As in marami akong trabaho. Kung kaya pa ng sked ko na harapin siya, why not? Kung hindi puwede, sorry!" Rufa Mae Quinto sa




Hindi pumayag si Rufa Mae Quinto na hindi siya magsalita sa Showbiz Central hinggil sa muling pagsasalita ni Jessa Zaragoza sa Startalk kaugnay pa rin sa naging tell-all interview ni Rufa Mae sa YES! magazine.

Muling sinabi ni Rufa Mae na kung ano ang lumabas sa interview niya sa naturang magazine ay buong katotohanan. Wala raw karapatan si Jessa na paratangan siyang sinungaling dahil wala raw siya sa kanyang tabi noong mga panahon na iyon.

"BIBILI AKO NG 100 COPIES NG ALBUM NIYA." "Nakakalokah siya, hindi na siya tumigil, di ba? Ano ba talaga ang gusto niya?" naiinis na natatawang pahayag ni Rufa Mae.

"Hindi ba tapos na ‘yang issue na ‘yan? Hindi ba tinapos ko na ‘yan two weeks ago pa? Sinabi ko naman na bibili ako ng 100 copies ng album niya, di ba? Kasi yun naman ang gusto niya. Yung magkaingay ang album niya. Tutulungan ko na nga siya sa sales!" malakas na tawa pa niya.

Continue reading below ↓

Ikinaloka nga nang husto ni Rufa Mae ay ang mga sinabi ni Jessa na hindi pa raw siya Rufa Mae Quinto ay Jessa Zaragoza na siya. At mas matagal daw siya sa industriya kesa kay Rufa Mae. Kung 15 years ito, 17 years naman daw si Jessa.

"Dyusko, pati ba naman ang bilangan ng taon sa showbiz, e, big issue sa kanya! E, di mas matanda siya. Masaya na ba siya?

"At yung sinasabi niya na Jessa Zaragoza na siya bago pa ako naging Rufa Mae Quinto, e, laugh lang ang mga tao. Kasi ang alam ko Rufa Mae Quinto na ako, e, Jessa Kintanar pa lang siya.

"At least ako, isa lang ang name na ginamit ko noong mag-showbiz ako at hindi ako nag-change ng pangalan, huh! ‘Tsaka bago pa man siya naging Jessa Zaragoza, naku, e, nagbida na ako sa Gloria, Gloria Labandera at kumita ‘yon, ‘no!

"Lahat ng pinagbidahan ko ay kumita sa box-office. E, siya ba, noong naging Jessa Zaragoza siya, kumita ba ang mga pelikula niya? Kalokah, ‘di ba?!" walang katapusang pagtatawa ni Rufa Mae.

Continue reading below ↓

READY TO FACE JESSA. Sa buwan ng May nga raw uuwi si Jessa kasama ang asawa nitong si Dingdong Avanzado. Nais daw ni Jessa na harapin si Rufa Mae at hindi raw ito magsasayang ng dolyares niya para tawagan siya sa telepono.

"Naku, itataon pa nila na birthday month ko na uuwi sila. Talaga bang nananadya sila? Aagawan pa nila ako ng eksena?

"Kung gusto niya akong harapin, e, di go! Go! Go! Ako naman handa ako kahit kelan. Ayaw raw niyang gumastos, e, bakit siya tawag nang tawag kung kani-kanino para lang ma-phone patch siya? Kalokah siya, ‘di ba?

"Pero haharapin ko siya depende sa schedules ko. You know naman, I'm so busy. ‘di ba? May shooting ako sa Europe for I.T.A.L.Y. [I Trust and Love You] for GMA Films. May Manay Po 2: Overload pa ako. ‘Tapos may Dyesebel pa ako for GMA-7. As in marami akong trabaho. Kung kaya pa ng sked ko na harapin siya, why not? Kung hindi puwede, sorry!"

Continue reading below ↓

SORRY FOR JESSA'S KID. Ang kinakaawaan daw ni Rufa Mae ay ang anak nila Jessa at Dingdong dahil parati raw ang banggit ni Jessa sa bata na dapat ay hindi raw, kung totoo ngang ayaw nitong masaktan ang anak.

"Hindi ko na kasalanan ‘yon kasi siya naman ang panay banggit sa anak niya. Kung nananahimik na lang ba siya kesa sa dumadakdak siya at panay gamit niya sa anak niya, e, di walang issue.

"Nasa kanya naman ‘yan, e. Oo, hindi ako isang ina kasi nga wala akong asawa, ‘no! Yung magiging jowa ko nga, wala pa, anak pa ba ang hanapin mo sa akin?

"Kung ako nasa lugar niya, I would stop using my child. Kasi wala nga namang kinalaman ang bata sa nagiging problema namin. Ni hindi ko naman binanggit ang name ng anak nila. Siya itong mention nang mention. Ano ‘yon, ‘di ba?"

FOR PEACE OF MIND. Para kay Rufa Mae ay wala na raw kawawaan ang gustong mangyari ni Jessa. At para masiyahan na ito, aakuhin na ni Rufa Mae ang lahat ng gulo para magkaroon na ito ng peace of mind.

Continue reading below ↓

"Para sa ikatatahimik niya at wala nang madamay na ibang tao, sige ako na ang may kasalanan. Lahat na ng nangyari na ito, ako na ang gumawa. Masaya na ba siya?

"Kasi hindi siya titigil hanggang ‘di ako nagsasabi na ako ang may kasalanan. Kaya heto, ako na, Jessa ang may kasalanan. Happy ka na ba? Siguro naman makakatulog ka na kasi ako na ang may kasalanan.

"Sa busy kong ito, dyusko, wala akong panahon na makipag-away pa sa kanya nang matagal. Heto pinatulan ko na siya ulit para matuwa siya. Nakakaawa naman kasi kung walang papansin, ‘di ba?

"Pati ang paglaki daw ng ulo ko at pagiging mayabang, e, nauungkat niya. Nandito ba siya para masabi niya lahat ‘yan? Ang bongga naman niya. Para na siyang manghuhula!

"Marami akong mga friends na makapagpapatunay na hindi ako nagbago. Kung sino ako noon, yun pa rin ako. Nagsimula ako bilang Rufa Mae Quinto, Rufa Mae Quinto pa rin ako at never ako nagpalit ng name!" natatawang pagtatapos pa ni Rufa Mae Quinto.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero haharapin ko siya depende sa schedules ko. You know naman, I'm so busy. ‘di ba? May shooting ako sa Europe for I.T.A.L.Y. [I Trust and Love You] for GMA Films. May Manay Po 2: Overload pa ako. ‘Tapos may Dyesebel pa ako for GMA-7. As in marami akong trabaho. Kung kaya pa ng sked ko na harapin siya, why not? Kung hindi puwede, sorry!" Rufa Mae Quinto sa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results