Watch Now

Heart Evangelista: "Welcome to season 3 of my life."

by Rachelle Siazon
Nov 4, 2022
Heart Evangelista
Heart Evangelista has a seemingly cryptic message about "season 3 of my life" and "pati ako madaming i thought."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram

Tikom pa rin ang bibig ni Heart Evangelista, 37, sa espekulasyon tungkol sa estado ng relasyon nila ng mister na si Senator Chiz Escudero, 53.

Abala pa rin siya sa work commitments na may kinalaman sa fashion, base sa kanyang Instagram posts.

Kamakailan lang nakauwi si Heart sa Pilipinas mula sa Paris. At isa sa mga pambungad niya sa kanyang Instagram followers ay isang short get-ready-with-me video noong November 2, 2022.

Sabi ni Heart, "Good morning Philippines. I am back with a vengeance. Welcome to the season 3 of my life!"

Ipinakita niya ang kanyang outfit of the day at sinabi sa bandang huli ng video, "You never know when its time for... I don't know, to run away or something like that, charot!"

Sa comments section, isang netizen ang pumuna na akala niya ay hindi na gagawa ng get-ready-with-me video si Heart.

Kuwela pero tila malamang sagot ni Heart: "Maraming namamatay sa 'I thought' dear. Go with the flow na lang darling.. [laughing emoji]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pati ako maraming i thought. Kaya hayaan na dear [laughing emoji]."

Heart Evangelista

Habang isinusulat ang artikulong ito, ngayong November 4, 2022, ay nasa Singapore naman ang aktres para sa isang luxury brand event.

THE-MUCH SPECULATED "BREAKUP"

August 2022 nang unang umugong na tila may dinadaanang problema ang mag-asawang Heart at Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agaw-pansin kasi ang pagtanggal ni Heart ng apelyido niyang "Escudero" sa kanyang Instagram bio.

Sinasabing hindi na rin umano nakikitang isinusuot ni Heart ang kanyang wedding ring.

Noong September 2, 2022, nag-iwan ng palaisipan ang vlog ni Heart kunsaan inamin niyang may dinadaanan siyang "personal struggles."

Sabi niya noon, "Like, I feel a lot of pressure in my life and, basically now, I am really in a search for just being happy."

Tila nasa punto rin siya ng kanyang buhay na mas na-appreciate niya ang kanyang pagiging "independent" at nagagawa ang gusto sa buhay na hindi umaasa sa iba.

Wala siyang binanggit tungkol sa mister na si Chiz sa vlog na iyon.

STILL NO STATEMENT FROM HEART AND CHIZ

Doon na lumabas ang bali-balitang hiwalay na umano sina Heart at Chiz, pero walang kinukumpirma ang mag-asawa ukol dito.

Ang tanging isinapubliko ni Heart, noong October 2022, ay nakakuha siya ng apartment sa Paris dahil desidido siyang mas karerin ang pagpasok sa mundo ng fashion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong October 10, 2022, nagdiwang si Chiz ng 53rd birthday, pero walang anumang pagbati si Heart sa mister sa social media accounts ng aktres.

Napansin naman ng netizens na suot pa rin ng senador ang wedding ring nito sa isang hearing sa Senado noong buwang iyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista has a seemingly cryptic message about "season 3 of my life" and "pati ako madaming i thought."
PHOTO/S: @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results