Watch Now

Bea Alonzo reveals reason it took more than a year before she said “yes” to Dominic Roque

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 5, 2022
Bea Alonzo-Dominic Roque
Bea Alonzo reveals thoughts before saying yes to boyfriend Dominic Roque: “He makes me happy, he completes my day, and naisip ko baka he’s worth it."
PHOTO/S: Bea Alonzo Instagram/Screengrab @PEP TV Instagram

Hindi agad sinagot ni Bea Alonzo si Dominic Roque.

Read: Bea Alonzo finally confirms relationship with Dominic Roque

Ayon sa aktres, takot siya na muling masaktan kaya mahigit isang taon munang nanligaw sa kanya ni Dominic bago niya ito sinagot noong January 28, 2021.

Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers

Kuwento ni Bea sa Cosmo Confession ng Cosmo.ph, “It took more than a year of dating kasi ayaw ko siyang lagyan ng label.

“Parang kami na, pero I’m just so scared to put the label on it and make it official.

“Kasi nakakahiyang paulit-ulit na nagkakamali in front of the public.”

Ang paulit-ulit na pagkakamaling tinutukoy niya ay ang failures ng kanyang relasyon. Bago nito, pinag-usapan nang husto ang hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson noong July 2019.

Pagpapatuloy ni Bea, “When you will go through like in very public breakup, yung paulit-ulit na public breakup, actually hindi siya masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s something you don’t want to go through again.”

Takot man na muling masaktan ulit, napagtanto raw ni Bea na mas hindi niya kayang mawala ang isang taong nagpapasaya sa kanya.

Ito ang kanyang inamin sa PEP Spotlight, ang taped online show ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Saad niya, “Since Dom [Dominic], he knows values himself and worth talagang sinabi niya na well if we're not going to put label in this relationship, we might as well end it.

“Ni-reassess ko rin yung sarili ko na kaya ko ba kung mawawala itong tao na ito sa akin?’

“He makes me happy, he completes my day, and naisip ko baka he’s worth it.

“Maybe he’s worth na tayaan ko muli yung pag-ibig.”

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?

Ang pagbabago sa kanilang relasyon ay nangyari after ng bakasyon nila Dominic sa Amanpulo.

Read: Bea Alonzo recalls going from loveless to being in love with Dominic Roque

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag-uwi namin from Amanpulo, doon lang namin ginawang official.

“Hindi kami official [before] kasi ayoko pa. Kasi I’m very careful kasi I came from very very public breakup.

“Sa totoo lang, kung ako tatanungin ayoko sana talaga muna. Kaya lang, siyempre dalawa kami sa relasyon, I was being unfair to him so we both agree na we make it official, Instagram official.

“So, pag-uwi namin [galing Amanpulo], parang may pa-flowers and may, 'Will you be my girlfriend?'"

"Ang cute pala nito."

Itinuturing ni Bea na “good listener” ang kanyang nobyong si Dominique.

Ito raw ang isa sa mga rason kung bakit siya tuluyang nahulog dito.

Read: Bea Alonzo to Dominic Roque on his 32nd birthday: “Thanks for making my heart happy.”

Pagbabahagi ni Bea, “Nag-train kami [ni Dominic sa Japan]. I remember that time, I was also doing Ricky Lee workshop for scriptwriting so, I have three scripts, yung concept.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos parang he started asking me about it, and there’s a one concept that I was so passionate about so I started telling him the story, and then talagang he’s listening to intently.

“Like I never had somebody listen to me that way.

“Habang tinitignan niya ako, habang nagkukuwento ako, tinitignan ko yung lips niya, and ang sabi ko, ‘Ang cute pala nito. Bakit parang ganito?'"

Read: Did Bea Alonzo and Dominique Roque's mothers make a pinky promise about a future wedding?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo reveals thoughts before saying yes to boyfriend Dominic Roque: “He makes me happy, he completes my day, and naisip ko baka he’s worth it."
PHOTO/S: Bea Alonzo Instagram/Screengrab @PEP TV Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results