Watch Now

Netizens na-LSS sa GMA Network 2022 Christmas Station ID

by KC Cordero
Nov 6, 2022
Kapuso stars
Pinusuan ng netizens ang GMA Network 2022 Christmas Station ID dahil sa simple at makahulugang tema at mensahe ng “Love Is Us This Christmas.”

Opisyal nang inilunsad ng GMA Network ang 2022 Christmas Station ID (CSID) ngayong November 6 sa All-Out Sundays.

Simple pero makahulugan ang tema ng “Love Is Us This Christmas”—na ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagmamahal ng Diyos sa bawat tao.

CSID logo

Tampok sa simula ng CSID ang mga Kapuso stars at personalities na sina Jessica Soho, Dingdong Dantes, Michael V, Heart Evangelista, Dennis Trillo, Alden Richards, Bea Alonzo at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit nila: “Dalawang taon na tayong nagpa-Pasko nang hindi magkakasama. Ipinagdiwang natin ang pinakamasayang araw ng taon sa kanya-kanya nating mga bahay.

“Bagama’t masaya rin naman ang mga nagdaang Kapaskuhan, iba pa rin yung magkakasama tayo sa paggunita sa araw ng Kanyang kapanganakan. Kaya ngayon, babawi kami!

“Ipadarama namin sa inyo ang aming pagmamahal at pasasalamat dahil miss na miss na namin kayong lahat!”

Kapuso employees

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita rin sa six-minute video ang mga taga-Kapuso Network na nag-aayos para sa Christmas party at nagbubukas ng kanilang tahanan sa mga darating na kamag-anak, kaibigan at tagahanga.

Ang ganitong senaryo ay hindi nagawa ng mga Pinoy sa mga nakalipas na taon dahil sa pandemya.

Ang "Love Is Us This Christmas" ay inawit ng mga Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Aicelle Santos, Mark Bautista, Maricris Garcia, Garrett Bolden, Jeremiah Tiangco, Anthony Rosaldo, Thea Astley, Mariane Osabel, XOXO, Zephanie at Vilmark Viray.

Nilikha at inareglo ito ni Ann Margaret Figueroa.

Sina Emman Rivera at Jann Fayel Lopez naman ang sumulat ng lyrics.

Pinusuan ng netizens ang CSID, at humanga sila sa mensahe at pagkagawa nito.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Netizens' comments

Anila, catchy ito at ramdam na talaga ang Kapaskuhan.

Nagandahan din sila sa tema na sadyang Pinoy na Pinoy.

Marami rin ang nagsabing inaabangan talaga nila taun-taon ang GMA CSID para sa hatid nitong Christmas vibes.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinusuan ng netizens ang GMA Network 2022 Christmas Station ID dahil sa simple at makahulugang tema at mensahe ng “Love Is Us This Christmas.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results