Court of Appeals junks bid to dismiss Vhong Navarro's illegal detention case vs Cedric Lee

by Jojo Gabinete
Nov 7, 2022
vhong navarro cedric lee
“We are very happy that the court of appeals denied the petition. That news gave Vhong more strength to continue with the battle,” says Atty. Maggie Abraham Garduque about the Court of Appeal's decision to junk illegal detention case filed by Vhong Navarro (left) against Cedric Lee (right).
PHOTO/S: PEP File

Ikinagalak ng kampo ni Vhong Navarro ang desisyon ng Court of Appeals na tanggihan ang apela ni Cedric Lee na ibasura ang kaso ng serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-comedian laban sa businessman at sa anim na kasamahan nito.

Nakasaad sa kasong isinampa ni Vhong noong 2014 na sinaktan siya ng grupo ni Lee, pinagbantaang papatayin, at hiningan ng pera para sa kanyang kalayaan.

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo slapped with serious illegal detention raps

Sa labindalawang (12) pahinang desisyon na pirmado ni Associate Justice Angelene Mary Quimpo Sale, pinagtibay ng 17th Division ng Court of Appeals ang utos na inilabas ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) noong 2019 na tanggihan ang mosyon ni Lee na ibasura ang kaso.

Dinala ni Cedric sa Court of Appeals ang kaso dahil sa katuwiran niyang "grave abuse" ang naging pasya ng Taguig RTC sa kanyang mosyon.

Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We are very happy that the court of appeals denied the petition. That news gave Vhong more strength to continue with the battle,” pahayag ni Atty. Maggie Abraham-Garduque sa panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Lunes, November 7, 2022.

Si Atty. Garduque ang isa sa mga legal counsel ni Vhong .

Ayon sa kanya, magandang balita para kay Vhong ang desisyon ng Court of Appeals.

Saad niya, “Matatandaang una naman talagang nag-file si Vhong ng kaso for serious illegal detention against Lee, et al. and he was claiming na siya talaga ang biktima.

“Umaasa si Vhong na patuloy na lalabas ang katotohanan.

"Hindi madali ang pinagdadaanan niya lalo na ngayon na patuloy pa rin siyang nakakulong sa NBI.Pero ang ganitong mga balita really helps him to stay positive and to keep his faith.

"Umaasa si Vhong na even in the rape case, lalabas din ang totoo and, in the end, makalalaya rin siya."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahigit sa walong taon na ang nakalilipas buhat nang akusahan ni Deniece Cornejo si Vhong ng pang-aabuso sa insidenteng nangyari sa isang condominium building sa Taguig City noong January 2014.

Sangkot sa kaso si Cerdric at ang anim na tao nang ipinaghiganti umano nila si Deniece sa pamamagitan ng kanilang pananakit at illegal detention kay Vhong.

Related Articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“We are very happy that the court of appeals denied the petition. That news gave Vhong more strength to continue with the battle,” says Atty. Maggie Abraham Garduque about the Court of Appeal's decision to junk illegal detention case filed by Vhong Navarro (left) against Cedric Lee (right).
PHOTO/S: PEP File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results