Jolina Magdangal puts issue with Gabby Concepcion to rest

by Nora Calderon
Apr 1, 2008
"Ngayon po, after kong malaman ‘yong sinabi ni Gabby nang dumating siya na iho-honor pa rin niya ‘yong contract na pinirmahan niya sa GMA Films, natuwa na po ako," says Jolina Magdangal about her supposed movie with Gabby Concepcion (not in photo).

Tomorrow (April 2) at 9:30 AM na ang flight ni Jolina Magdangal kasama ang kanyang Daddy Jun and Mommy Paulette papuntang Europe. Sa Amsterdam ang kanilang first destination bago sila sumakay ng Costa Magica luxury liner para sa shooting ng I.T.A.L.Y. ng GMA Films.

Nakausap muna si Jolina ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press over lunch kanina, April 1, sa paborito niyang Serye restaurant inside Quezon Memorial Circle. Kagagaling lang niya sa Malacañang dahil nag-taping pa siya ng TV show niyang The Working President for NBN-4.

Mas maganda na ang pakiramdam ngayon ni Jolina kumpara nang huli namin siyang makausap. Medyo naging magulo kasi ang situwasyon noong mga nakalipas na linggo dahil sa pagba-back out ni Gabby Concepcion sa kanilang pelikula.

"Feeling ko po ay mas masaya na ako ngayon, kesa noong ngarag-ngarag ako during our presscon for Pinoy Idol last Friday [March 28]," masayang wika ni Jolina. "Ayoko pong umalis na may lungkot dahil nga sa mga nangyari last week dahil sa pag-back out ni Gabby sa movie namin.

Continue reading below ↓

"Ngayon po, after kong malaman ‘yong sinabi ni Gabby nang dumating siya na iho-honor pa rin niya ‘yong contract na pinirmahan niya sa GMA Films, natuwa na po ako. Sinabi rin po niya noong nakakausap ko pa siya, na kung anuman ang nangyari, hindi raw masisira ang friendship namin, which dated back pa in 2000 na nakakasama ko siya sa mga concerts ko noon sa East Coast, as my guest sa show."

Nakipag-usap na ba sa kanya o sa Daddy Jun niya si Gabby tungkol sa nangyari?

"Hindi pa po," sagot ni Jolina. "Siguro dahil very busy nga niya ngayon. Okay na po sa amin ‘yong inamin niyang may contract siyang pinirmahan sa GMA Films at gusto pa rin niyang matuloy ang movie na magkasama kami. And masaya po ako sa sarili ko ngayon, dahil sa kabila ng mga last minute changes, natuloy pa rin ang shooting ng movie namin. ‘Yon nga, paalis na kami.

Continue reading below ↓

"Actually po, thankful ako dahil dalawang malalaking projects ang ibinigay sa akin ng GMA Network. Para sa akin, mabigat na responsibilities ang ipinagkatiwala nila sa akin. Bukod nga po rito sa first cruise movie ng GMA Films, ‘yong napili ako na isa sa mga judges ng Pinoy Idol.

"Excited na ako dahil first time ko po ito na magku-cruise at mararating ko na rin ang Venice. Bukod pa sa ibang lugar na madadaanan ng luxury liner—like Milan, Genoa, Rome, Savona, Barcelona, Palma de Mallorca, Naples, Tunisia [in Africa na malapit na sa Spain]. Magsu-shooting din kami sa lugar kung saan magda-dock ang luxury liner," masayang kuwento ni Jolina.

SPECIAL PLACE.Nabanggit ni Jolina sa "special place" para sa kanya ang Venice sa Italy at may magandang eksena na raw na kukunan doon si Direk Mark Reyes.

"Fan po kasi ako ng romantic movie na Before Sunrise na doon ang location, ang ganda-ganda po at saka talagang mahilig ako sa mga romantic places," banggit ni Jolina tungkol sa Venice, kung saan din kinunan ang ilang eksena sa Hollywood movie na Before Sunrise starring Ethan Hawke and Julie Delpy.

Continue reading below ↓

Sa tingin kaya niya ay mag-e-enjoy siya Venice kahit hindi niya kasama ang boyfriend niya si Bebong Muñoz?

"Susunod po si Bebong," sagot agad ni Jolina. "Sa Friday [April 4] po ang alis niya. Kasabay niya po yung ibang cast [Rufa Mae Quinto, Dennis Trillo, Eugene Domingo, Rhian Ramos, and Mark Herras]. Mauuna po ako kasi ako ang unang isu-shoot ni Direk Mark.

"Ay naku, i-enjoy po namin talaga ni Bebong ang Venice!" bulalas niya. "Pero hindi po siya magtatagal, five days lang siya doon. Tutuloy po siya ng Washington, D.C., may business po siyang aasikasuhin doon. Ako naman, hanggang April 14 lang doon dahil I have to prepare na sa live telecast ng Pinoy Idol sa April 16."

CHAMBERMAID. Jolina will play the role of Des, isang chambermaid sa luxury liner, sa pelikulang I.T.A.L.Y. Bilang paghahanda sa kanyang role, pinag-aralan niya ang magtrabaho sa barko.

Kuwento niya, "Grabe po pala ang hirap ng isang chambermaid, ‘yong papalitan mo lahat ng beddings sa bawat cabin. Kaya kung may 60 cabins na na-assign sa iyo, 60 beddings ‘yong papalitan mo araw-araw.

Continue reading below ↓

"Naku, parang hindi ko po kakayanin ‘yon kung ‘yon talaga ang trabaho ko. Siguro kung sa hotel, okay lang kasi puwede kang lumabas pagkatapos ng trabaho mo. Pero sa barko, puro tubig lang ang makikita mo, ‘tapos may isang lugar lang sa barko na doon sila nag-i-stay."

Bukod sa first time nga ni Jolina na magku-cruise, ini-expect din niyang magiging masaya ang pagsu-shooting nila ng pelikula.

"Hindi po kasi nakakailang ang mga kasama ko dahil pare-pareho ko na silang nakatrabaho. Saka iba ang story nito, na isinulat ni Senedy Que. Hanggang April 19 pa sila doon. Ako lang po ang mauunang bumalik dito sa Pilipinas," nakangiting pagtatapos ni Jolina.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ngayon po, after kong malaman ‘yong sinabi ni Gabby nang dumating siya na iho-honor pa rin niya ‘yong contract na pinirmahan niya sa GMA Films, natuwa na po ako," says Jolina Magdangal about her supposed movie with Gabby Concepcion (not in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results