Watch Now

Carmina Villarroel asks daughter Cassy about real score with Darren Espanto

by Rachelle Siazon
Nov 9, 2022
Cassy Legaspi and Darren Espanto real score, Carmina Villarroel on Darren Espanto
Carmina Villarroel on what she noticed when Darren Espanto visits her daughter Cassy: "Ang unang-una niyang ginagawa kapag pumupunta iyan sa bahay ay hinahanap kami ni Zoren para bumati. Yun ang pinakanagustuhan ko sa kanya. Kasi makikita mo na meron siyang respeto."
PHOTO/S: Screengrab from Sarap Di Ba? / @cassy Instagram

Diretsahang inalam ni Carmina Villarroel, 47, ang anak na si Cassy Legaspi, 21, kung ano ang relasyon nito kay Darren Espanto, 21.

Marami sa mga masugid na tagasuporta nina Cassy at Darren (CassRen) ang naniniwalang nagkakamabutihan ang dalawa dahil sobrang lapit ng mga ito sa isa't isa.

Sa GMA-7 program na Sarap Di Ba noong November 5, 2022, sabi ni Carmina kay Cassy: "So, ano ba kayong dalawa?"

Nakangiting sagot ni Cassy: "We're vey close. So, I would say best friend. Best friend ko siya."

Aminado naman si Carmina na hangga't maaari ay ayaw pa niyang payagan si Cassy na magka-boyfriend.

At naniniwala raw si Carmina sa sagot ng anak na hindi pa nito kasintahan si Darren.

"Ang sabi sa akin ni Cassy, e, wala daw pa sa isip niya ang boyfriend-boyfriend," ani Carmina na binigyang-diin ang salitang "pa."

Patuloy niya, "Sabi niya gusto niya mag-concerntrate dito sa trabaho niya. Plus, nag-school kasi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, gusto ko paniwalaan, gusto ko panghawakan na wala sa isip niya yung ganun. Di siyempre pabor sa akin yun."

"Wow!" natatawang reaksiyon ni Cassy.

Pero kung saka-sakaling magka-boyfriend na si Cassy, iintindihin naman daw ni Carmina.

"Siyempre dumaan ako sa ganun. So I am trying my best to be understanding because pinagdaanan ko yun nung pagkabata ko.

"Like I said, I trust Cassy, I trust Mavy. So, huwag lang nila i-break yung trust ko."

Si Mavy ay ang twin brother ni Cassy. Girlfriend ni Mavy ang kapwa Kapuso star na si Kyline Alcantara.

WHAT CARMINA LIKES ABOUT DARREN

Siguradong ikatutuwa naman ng fans nina Cassy at Darren ang sumunod na binitiwang salita ni Carmina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din kasi ni Carmina sa show na hanga siya sa pagiging marespeto ni Darren, o kilala rin bilang D na palayaw nito.

"Alam mo ba kung bakit okay ako kay D? Kasi mabait siyang tao.

"Pumupunta iyan sa bahay, bumibisita iyan sa bahay. At ang unang una niyang ginagawa kapag pumupunta iyan sa bahay ay hinahanap kami ni Zoren para bumati.

"Yun ang pinakanagustuhan ko sa kanya. Kasi makikita mo na meron siyang respeto.

"Magkaibigan sila ni Cassy. Hindi lang si Cassy at si D, but also my Mavy."

Carmina Villarroel, Cassy Legaspi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CASSY AND DARREN'S GROWING CLOSENESS

Nitong kasagsagan ng pandemya ay nasundan ng fans ang pagiging malapit nina Cassy at Darren.

Pati ang ama ni Darren na si Don Espanto ay halatang boto kay Cassy para kay Darren, dahil kung minsan ay humihirit si Don sa social media tungkol sa waring panliligaw ni Darren kay Cassy.

Ang mga kaibigan nina Cassy at Darren ay madalas ding tuksuhin ang rumored couple tungkol sa pagsinta nila sa isa't isa.

Minsan na ring napabalita ang pambubuking ng ama ni Cassy na si Zoren Legaspi nang dumalaw si Darren sa bahay ng mga Legaspi.

Consistent naman sina Cassy at Darren sa pagsasabing espesyal ang turing nila sa isa't isa.

Bukas din sila sa mga pagkakataong nagkakasama sila, pero hindi nila minamadali ang pakikipagrelasyon sa ngayon.

Tila peg ng dalawa sina Carmina at Zoren, na ayon sa kuwento nila sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ay naging magkaibigan muna bago nagkahulugan ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carmina Villarroel reminisces about asking for "signs" that Zoren Legaspi is "the one"

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmina Villarroel on what she noticed when Darren Espanto visits her daughter Cassy: "Ang unang-una niyang ginagawa kapag pumupunta iyan sa bahay ay hinahanap kami ni Zoren para bumati. Yun ang pinakanagustuhan ko sa kanya. Kasi makikita mo na meron siyang respeto."
PHOTO/S: Screengrab from Sarap Di Ba? / @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results