Watch Now

Keempee de Leon recalls telling a young actress: “Magbigay respeto ka sa mga seniors.”

by Bernie V. Franco
Nov 9, 2022
Keempee de Leon
Keempee de Leon: "Yung ibang artista ngayon yun yung nawawala, yung respeto sa mga elders; na hindi na sila bumabati..."
PHOTO/S: PEP.ph

Binalikan ni Keempee de Leon, 49, ang isang insidente nang sabihan niya ang isang young star tungkol sa pagbibigay respeto sa senior actors.

Hindi raw kasi nagustuhan ni Keempee na dinaanan lang ng young star na ito ang mga batikang katrabaho nito sa set.

“Hindi naman [ako] galit, pero nasabihan ko lang na... sinabi ko, ‘Tuwing may darating na elderly o kahit sabihin mong kaedaran mo na artista, magbigay-pugay ka pa rin. Mag-give respect ka pa rin. Mag-hi ka, good morning, good afternoon po, ganito. Or ipakilala mo ang sarili mo.’

“Yung personal ba na ikaw ang um-approach, hindi yung sila yung a-approach sa iyo.

“Parang magbigay-pugay at magbigay respeto ka sa mga seniors,” pagbabahagi ni Keempee sa PEP Live interview niya nitong Miyerkules, November 9, 2022.

Saksi raw si Keempee na may ibang batang celebrities ngayon na hindi marunong magbigay-galang sa kanilang seniors.

“Kasi may iba na dadaan-daanan lang nila, di man lang kilala, o nagbigay [galang].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dinaanan, kunyari, si Tito Eddie Garcia [R.I.P], dinaanan. Hindi man lang nagbigay-pugay.

“E, kung ako nga ang tagal ko sa industriya, nagbibigay-pugay. Kulang na lang lumuhod talaga ako, e.

“Parang give respect. Andoon pa rin dapat yung respeto,” saad ng aktor.

Babaeng young star daw ang sinabihan na ito ni Keempee, pero hindi na niya tinukoy kung sino ito.

DIFFERENT GENERATION

Naging prangka si Keempee sa pagsasabing iba ang attitude ng ibang artista ng bagong henerasyon.

Sabi niya, “Kasi karamihan, ha, not for anything…

“Sorry, ha, for being blunt sa napapansin ko. Yung ibang artista ngayon, iyon yung nawawala, yung respeto sa mga elders; na hindi na sila bumabati...

"Na hindi sila marunong gumalang; na dinadaan-daanan na lang; na sila pa talaga yung dapat pansinin agad, di ba?”

Paano kung hindi binati si Keempee ng kanyang younger co-stars?

“Ako, ganoon ang ginagawa ko minsan. Pag hindi ako binati, ako ang magha-hi. ‘Hi, ako si Keempee, ganito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“'Tapos doon lang, ‘Ay, ako si ganito.’

“So, ako na ang nagbi-break ng ice minsan. Kasi wala, e, you cannot please everyone talaga, lalo sa panahon ngayon, yung ibang generation,” saad niya.

Pagbabahagi pa ni Keempee, ang nagbilin sa kanya pagdating sa pagrespeto sa seniors ay ang yumaong si Eddie Garcia.

Lahad niya, “Alam mo kung sino talaga ang nagsabi sa akin niyan? Si Tito Eddie Garcia.

“Siya yung nagre-remind talaga, ‘Always give respect to the elders or sa mga actors na mas nauna sa inyo para sa ganoon rerespetuhin din kayo.’ Tagal na noon. Sinabi niya sa akin, bata pa ako.”

Sa kabilang banda, abala ngayon si Keempee sa pagpo-promote ng kanyang upcoming comedy movie na Mahal Kita, Beksman.

Bagamat maraming beses na siyang gumanap ng gay roles, ito raw ang kanyang first-ever gay role sa isang pelikula.

Kasama ni Keempee sa Mahal Kita, Beksman sina Christian Bables, Iana Bernardez, at Katya Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipalalabas ito sa mga sinehan nationwide sa November 17, 2022.

Mula ito sa creators ng comedy films na Die Beautiful (2016) at The Panti Sisters (2019), at sa direksiyon ni Perci Intalan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keempee de Leon: "Yung ibang artista ngayon yun yung nawawala, yung respeto sa mga elders; na hindi na sila bumabati..."
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results