Nagpakasal muli ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Ito ay kasabay ng bakasyon nila sa bansang Peru upang ipagdiwang ang kanilang first wedding anniversary.
Noong November 11, 2022, isinagawa ang kanilang muling pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng tinatawag na “Peruvian despacho ceremony" na pinangunahan ng isang local shaman.
Ibinahagi ito mismo ni Ellen sa kanyang Instagram page.
Kalakip ang kuhang litrato nila ni Derek habang ginagawa ang seremonya.
Simpleng caption ni Ellen (published as is), "Today, we got married again [red emoji] @ramsayderek07 11.11."
Maraming netizens, kaibigan, at kapwa nila artista ang nagpaabot ng pagbati, kabilang na sina Yam Concepcion, Vina Morales, at Ruffa Gutierrez.
Samantala, may hiwalay na post naman si Derek na pagbati sa kanyang misis.
Sa pamamagitan ng isang video message, ibinahagi nito kung gaano niya kamahal si Ellen.
Mababasang caption ng aktor: "11/11 sale na!!!! Happy anniversary @maria.elena.adarna."
Ayon kay Derek, labis-labis ang pasasalamat niya sa asawa dahil binago raw nito ang kanyang buhay.
Saad ni Derek sa video, “Morning, baby. 11/11 it’s our anniversary, you’re in the toilet right now.
"I just wanna say, thank you for changing my life, thank you for loving me, thank you for being who you are, thank you for this beautiful trip.
"You know that this was in my bucket list and you gave me this. This is a beautiful gift that I am sharing with you.
"I’ve loved every single minutes and seconds of this trip, of this journey with you even if you are a b*tch last night.”
Muli ring inalala ni Derek ang vows nila ni Ellen noong ikinasal sila sa Pilipinas.
Aniya, "But then again, you did promise me exactly a year ago that you’d maintain to be the b*tch that you are.
"And I did say that, ‘Life is a b*tch and you end up marrying one.’ And I did. The number one b*tch of them all. And I love you so, so much for being that b*tch."
Dagdag pa niya, "Again, love, thank you for everything. I love you so, so much. Happy anniversary.”
Agad namang napa-comment si Ellen sa anniversary message sa kanya ni Derek.
Sabi niya, "Yes 11.11 sale na but you are not for sale!!!!!"
Dagdag pa Ellen, "Omg hahahah i dont know if i should be crying or laughing hauahauhaauhahaahahahhhuhuhahahah i lovee youu toooooooo sooo muchhhh."
DEREK'S AND ELLEN LOVE STORY
Parehas mang naging kontrobersiyal ang kani-kanilang relasyon noon, patuloy na pinatutunayan nila Ellen at Derek na forever nila ang isa't isa.
Si Ellen ay may apat na taong gulang nang anak sa ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.
Si Derek naman ay kagagaling lang noong November 2020 sa breakup nila ng Kapuso star na si Andrea Torres bago niya nakilala si Ellen.
May isa na rin siyang anak sa una niyang asawa na si Christine Jolly.
Read: Derek Ramsay insists no one to blame in breakup with Andrea Torres: "I'm not saying mali sila."
January 2021 nang magkakilala si Ellen at Derek sa isang intimate dinner party na inorganisa mismo ng aktor sa kanyang bahay.
Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna get cozy at dinner party hosted by the actor; netizens react
February 26, 2021 nang kinumpirma nina Ellen at Derek sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magkasintahan na sila simula pa noong February 4, 2021.
Read: Ellen Adarna on relationship with Derek Ramsay: “One month feels like a year.”
March 30, 2021 nang mag-propose ng kasal si Derek kay Ellen.
Noong November 11, 2021 nang ikasal sila sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort, sa Bagac, Bataan.
Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna are now married
February 4, 2022 nang kanila namang ipagdiwang ang unang anibersaryo bilang magkarelasyon.