Handang-handa na muling umibig ang Kapuso actress na si Andrea Torres.
Ito'y matapos ang dalawang taon niyang pagiging single.
Si Derek Ramsay ang huling naging kasintahan ni Andrea, na ngayon ay asawa na ni Ellen Adarna.
Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna marry anew in Peru
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andrea nitong Lunes, November 14, 2022, sa watch party ng isa sa bago niyang pagbibidahang action series na One Good Day, naging bukas ang aktres na pag-usapan ang kanyang buhay pag-ibig.
Ayon kay Andrea, bukas siya sa posibilidad na muli siyang magkaroon ng boyfriend. Sa katunayan, marami siya ngayong nakikilalang bagong mga kaibigan.
Saad niya, "Ako, always naman na may time sa mga personal na bagay.
"Pero hindi pa siguro time for love kasi hindi pa binibigay ni Lord, although open naman ako to date once in a while.
"Ang dami ko ring nami-meet na mga bagong kaibigan.
"So, tingnan natin kung this year or next year ibibigay ni Lord or baka next next year, hindi ko alam."
Natanong din si Andrea kung mayroon na bang mga nagpaparamdam sa kanya.
Sagot niya, "Meron akong mga nami-meet. Pero kasi ako hindi ko siya ginagawa for the sake na para magkaroon ako ng partner.
"Kapag na-feel ko na parang more on friends lang, hindi ko na pinapaasa o pinapatagal."
Sundot na tanong sa kanya, "Pero ready ka nang magkaroon ng boyfriend?"
Mabilis na sagot ni Andrea, "Oo, ready na. Ready na ako."
Paglilinaw pa niya, handa siya sa pagpasok sa panibagong pag-ibig ngunit hindi pa sa pagpapakasal.
Aniya, "Settle down? Ayon ang hindi ko alam. Feeling ko mararamdaman ko siya if it's the right time."
"Sa ngayon, parang hindi pa ready [to settle down].
"Feeling ko kasi nagkaroon ako ng second chance, second wave sa career ko kasi ang daming nangyayari, so gusto ko lang i-grab yung binibigay sa akin na opportunity."
Dagdag pa niya, "Definitely kapag dumating yung moment at kapag na-feel ko na, kasi sabi nila kahit one percent walang pag-aalinlangan.
"So ‘pag na-feel ko yon, one hundred percent okay na ako, go na ako."