Watch Now

Vicki Belo quips Heart Evangelista snubbed her at fashion week event; Heart gives a glimpse of “stressful” fashion event

by Bernie V. Franco
Nov 15, 2022
vicki belo heart evangelista milan fashion week
Dra. Vicki Belo (left) jokingly remarks about seeing Heart Evangelista at the Milan Fashion Week: "Pero hindi tayo pinansin ni Heart."
PHOTO/S: @victoria_belo, @iamhearte on Instagram

Humirit si Dra. Vicki Belo tungkol sa diumano’y hindi pagpansin sa kanya at kay Alex Gonzaga ni Heart Evangelista sa Milan Fashion Week.

Nangyari ang fashion week na ito sa Italy noong September 20-26, 2022.

Ang event ay magkahiwalay na dinaluhan nina Heart at Dra. Vicki na isinama si Alex.

Ani Dra. Vicki, hindi raw sila pinansin ni Heart sa isang fashion show.

Binanggit ito ng celebrity doctor sa kanyang sa YouTube vlog nitong November 11, 2022.

Sa video ay nag-uusap sina Dra. Vicki at Alex sa kanilang hotel room sa last day nila sa Milan.

Nagkukuwento si Alex tungkol sa local appreciation ngayon sa fashion week events dahil sa mga katulad ni Heart, na focused ngayon sa fashion content.

At saka sumundot ng hirit si Dra. Vicki: “Pero hindi tayo pinansin ni Heart.

“Hoy, Heart! Mars, we’re at the same fashion show di ka man lang nag-hi,” natatawang sabi ni Vicki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Di ba, nandoon kami sa Gucci. Front row rin tayo, di ba? O, front row ka rin…”

Sinusugan naman ni Alex ang patawang pasaring ni Dra. Vicki kay Heart.

Sabi ni Alex, “Heart, ano ‘to? Mars, sa Manila magkakaibigan tayo, mars…

“Nanood ako ng Luna Mystika, mars. Nanood kami ng Hiram, soap opera with Anne Curtis… Panday,” inisa-isang banggit ni Alex sa mga past teleserye projects ni Heart.

“Yung mga soap opera niya sinuportahan natin siya. Sana naman suportahan niya tayo,” sundot ni Alex.

Sinegundahan ni Dra. Vicki ang huling sinabi ni Alex.

Pinasalamatan naman ni Alex si Dra. Vicki sa pag-imbitida sa kanya sa Milan Fashion Week.

Pabiro pang sinabi ni Alex na isang VIP si Dra. Vicki dahil kilala ang celebrity doctor ng organizers ng event.

Ani Alex, "Parang ang ganda ng experience ko kasi VIP yung kasama.

“Kung ako lang mag-isa dito, baka pinagsisisipa pa ako palabas…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero dahil daw kasama niya si Dra. Vicki, “parang nagkakanginigan sila lahat dito. Madam Belo, parang nanginginig sila. Putok na putok ang pangalan mo…”

HEART GIVES A GLIMPSE OF HER HECTIC, STRESSFUL FASHION WEEK

Samantala, nag-upload din ng YouTube vlog si Heart ukol sa Milan Fashion Week noong November 9, 2022.

Dito, ipinasilip ni Heart kung gaano katrabaho at kaabala kapag naiimbitahan ang influencers na kagaya niya sa isang fashion event.

Kasama ni Heart ang dalawa niyang stylists at isang videographer.

Sa vlog, ibinahagi ni Heart ang “stress” na nararanasan sa fashion week na sunod-sunod ang fashion shows.

Dahil sa dami ng mga aktibidad, may mga pagkakataon na nababanggit ni Heart na siya ay “very tired,” “not feeling that great,” at “pagod na pagod.”

Paliwanag ni Heart tungkol sa pagdalo sa mga fashion weeks, “We go to fashion week because it's our work.

“Aside from the fact that it’s very fun, aside from the fact that I started fashion week because I was trying to be creative with my time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Heart na bukod sa pag-aayos, pagdadamit, pagpili ng mga outfits, gumagawa rin sila ng mga shoots at interviews.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dra. Vicki Belo (left) jokingly remarks about seeing Heart Evangelista at the Milan Fashion Week: "Pero hindi tayo pinansin ni Heart."
PHOTO/S: @victoria_belo, @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results