Watch Now

Joshua Garcia on his relationship status: "Single ako."

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 16, 2022
Joshua Garcia-Single
Joshua Garcia on his relationship status: "Basta ako, single ako. Nag-iisa ako...Wala nga akong kasama sa Japan, e."
PHOTO/S: Joshua Garcia Instagram

Nagsalita na ang Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia hinggil sa kanyang relationship status.

Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz, kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, na in-upload nitong Martes, November 15, 2022, ibinahagi ang video clip ng interview ni Ogie kay Joshua kung saan tinatanong niya kung single ba o double na ang aktor.

"Single," mabilis na sagot ni Joshua.

Sundot na tanong ni Ogie, "So, hindi totoo yung ano?"

Ang tinutukoy ni Ogie ay ang pagkakaugnay ni Joshua sa YouTube vlogger na si Bella Racelis.

Iwas at natatawang sagot ng aktor, "Huwag na nating pag-usapan ‘yan.

"Basta ako, single ako. Nag-iisa ako... Wala nga akong kasama sa Japan, e."

Nagdiwang ng Halloween si Joshua sa Japan, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, Robi Domingo, at Maiqui Pineda.

Read: Joshua Garcia shows photo of Zanjoe Marudo, Ria Atayde in Japan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Joshua, "Nandoon yung inggit, pero sa akin na lang yun, hindi mo na kailangang sabihin yun.

"May mga times lang naman na maiinggit ka na parang ang sarap sana may kayakap ka dito, di ba?

"Pero kasi kasama mo naman yung mga kaibigan mo. Yung mga kaibigan ko kasi, hindi sila yung parang PDA [public display of affection] na nagyayakapan or kung ano sa kalsada.

"Ano sila, as one kasi kami, e, hindi ko naramdaman na naiwan ako dun."

Dagdag pa niya, "May mga times na naglalakad ako mag-isa, nae-enjoy ko yun kasi nasa Japan ako.

"Ang daming nakikita, ang daming mga buildings, tapos doon nakakalakad kami [ng malaya] sa kalsada."

JOSHUA AND BELLA DATING RUMORS

Nagsimula ang espekulasyon tungkol sa espesyal na relasyon nina Joshua at Bella nang maispatan silang magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Palaisipan din sa kanilang fans ang madalas na pagpapalitan nila ng komento sa Instagram. Kasunod nito, itinampok rin ni Joshua si Bella sa kanyang photography Instagram account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

October 2, 2022 nang muli silang maispatan na magka-holding hands habang naglalakad sa isang mall.

October 7, 2022, ay muling umugong ang mga haka-hakang baka nga raw "sila na" nang i-post ni Bella ang mga litrato ni Joshua para batiin ito sa kanyang ika-25 na kaarawan.

Si Julia Barreto ang huling nakarelasyon ni Joshua. Taong 2019 nang sila ay maghiwalay matapos ang dalawang taong relasyon.

Related Stories:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joshua Garcia on his relationship status: "Basta ako, single ako. Nag-iisa ako...Wala nga akong kasama sa Japan, e."
PHOTO/S: Joshua Garcia Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results