Klinaro nina Dra. Vicki Belo at Alex Gonzaga ang usap-usapan sa social media tungkol sa nabanggit nila sa vlog ng celebrity doctor na pang-iisnab umano ni Heart Evangelista sa kanila.
Nangyari raw ito sa Milan Fashion Week noong September 20-26, 2022.
Sa kanyang Instagram Story ngayong Miyerkules, November 16, 2022, sinabi ni Dra. Belo na nagbibiruan lamang sila ni Alex.
Sabi niya, “So, guys, I just want to set the record straight. It’s not true that Heart snubbed Cathy [Alex] and me.
“How could she snub us when she didn’t even know we were there?
“And we never, never saw each other.
"Kasi naman, if you watch the Vicki Belo vlog, you will see that Alex and I just were kidding and joking around.
“And I am so thrilled because Alex mentioned Heart and me in one sentence. And we all know what a fashion powerhouse Heart is.
“Kaya naman you should watch my vlog para alam niyo ang truth.”
Samantala, sa kanyang verified Facebook page kagabi, November 15, nagbigay rin ng pahayag ukol dito si Alex.
Depensa niya, kung panonoorin ang buong vlog ni Dra. Belo ay malinaw na nagbibiruan lamang sila.
Dapat daw ay hindi na ginagawan ng mga balita ang mga ganito.
Buong post niya: “Ay.. Hindi po kami nagkita sa Milan biruan lang po namin yan ni Dra if you watch the whole vlog.
"Heart is nice since Pangarap na bituin circa 2007 pa po sakin at magkaibigan kami. Hindi na dapat ginawang news mga ganito."
Matatandaang sa vlog na inilabas ng doktora noong November 11, humirit siyang bigla tungkol sa diumano’y hindi pagpansin sa kanya at kay Alex ni Heart sa Italy.