Herlene Budol caught crying on cam at the height of Miss Planet International 2022 controversy in Uganda

by Bernie V. Franco
Nov 17, 2022
Herlene budol crying
Herlene Budol is caught on cam crying and is pleading to someone from the Miss Planet International organizers to allow her to go home.
PHOTO/S: YouTube (Wilbert Tolentino)

Kuha sa video camera ang pag-iyak ni Herlene Budol sa Uganda kasunod ng hindi magandang karanasan niya sa Miss Planet International 2022 pageant.

Si Herlene ang kinatawan ng Pilipinas sa naturang pageant na nagkaroon ng maraming aberya at tuluyan nang na-postpone.

Balak pang ituloy ng organizers ang pageant sa January 2023.

Naging kontrobersiyal ang nangyaring postponement kamakailan dahil sa dami ng mga kandidatang nag-back out kabilang na si Herlene.

Nagkaroon ng mga aberya katulad ng hindi pagpapakain sa mga kandidata at nawalan sila ng matutuluyan dahil nabigong maging organized ng organizers sa Uganda.

In-upload ang mga pangyayaring ito sa November 15 YouTube video ni Wilbert Tolentino, talent manager ni Herlene.

Sa ilang pagkakataon sa nakuhanang videos, matutukoy ang mga senyales na may mali sa pageant, na kalaunan ay nauwi sa pag-atras ng mga kandidata gaya ni Herlene.

Nakunan din si Herlene na umiiyak at nakikipag-usap sa hotel staff at nakikiusap na gusto na niyang umuwi.

Sabi ng umiiyak na si Herlene sa kausap, "They don’t want [us] to go out,” pagtukoy sa mga staff members na ayaw palabasin sa hotel ang mga kandidata.

“I want to go home,” patuloy na paghagulgol ni Herlene.

herlene budol crying

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“SO much wrong here”

Sa vlog, ipinakita na sa unang araw ay nagri-rehearse ng dance steps ang mga kandidata. Bakas ang saya at excitement sa mga kandidata.

Pero binanggit sa video na nasa rooftop sila ng isang hotel dahil pinaalis ang candidates sa unang hotel na dapat ay tutuluyan nila dahil may sponsor na nag-back out.

Sa isa pang bahagi, kausap ni Herlene ang isa pang kapwa kandidata at napag-usapan nilang may napapansin silang mali sa events.

Naunang ibinahagi ni Herlene ang pag-init ng kanilang mga ulo dahil walang pagkain at tubig na ibinigay sa kanila sa rehearsal.

Nabanggit din ng kausap na kandidata ni Herlene na kinumpiska ng organizers ang passport ng ilan sa kanila.

Pinaalalahanan ni Herlene na mali iyon at dapat ay kinunan ng video ang kumuha ng passports at alamin ang pangalan nito.

Sinang-ayunan ng kandidata ang sinabi ni Herlene. Sabi pa ng kandidata, “There’s so much wrong here. Like, everything…”

May mga aktibidad pang ginawa ang mga kandidata, subalit hindi sila inaabutan ng pagkain.

Nabanggit din ni Wilbert sa video na sa simula pa lamang ay higit kalahati na sa mga kandidata ang hindi nakasali sa pageant dahil wala silang yellow fever vaccine para panlaban sa yellow fever.

Umurong ang sponsors, gaya ng hotel, dahil sa napaulat na Ebola virus.

Nang ilipat sila ng hotel, hindi na-settle ang payment kaya kanya-kanyang diskarte ang mga kandidata sa paghahanap ng Airbnb.

Dahil sa mga pangyayaring ito, nagsimulang magreklamo ang ilang mga kandidata habang ang iba naman ay nag-back out na dahil sa papaubos nilang budget.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dito na nga nag-post sa social media sina Miss Jamaica Tonille Watkis at Miss Czech Republic Tamila Sparrow para ibulgar ang anila’y “scam” sa pageant.

Ito nga ay dahil hindi binayaran ang kanilang accommodation at hindi nabibigyan ng pagkain.

Sa isang punto ng interview, ipinakita ang mga nagkumpulang kandidata na naiiyak at nag-aalala.

May isa ring kandidata ang nakikitang sumisigaw at kinukompronta ang hotel staff o pageant organizers dahil marami sa kanyang fellow candidates ang umiiyak.

Sabi pa ng matapang na kandidata, hayaan nang makalabas ang kanyang mga kasama at pauwiin na ang mga ito.

miss planet international issue

Ipinakita rin ang umiiyak na si Herlene sa reception area at nakikiusap sa hotel staff na nais na nitong umuwi.

Pinayagan naman si Herlene, na malaki rin ang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya at mga kasama niya roon.

Samantala, sinabi rin sa vlog ni Wilbert na nais ng Miss Planet International founder na si Halley Amin at chief executive officer nito na si Pedro Francisco Marquez na i-schedule sa susunod na taon ang pageant sa Cambodia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ani Wilbert, mahihirapan ang mga ito dahil sa masamang karanasan ng mga kandidata.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol is caught on cam crying and is pleading to someone from the Miss Planet International organizers to allow her to go home.
PHOTO/S: YouTube (Wilbert Tolentino)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results