Watch Now

Matteo Guidicelli says wife Sarah Geronimo "went against all odds for me"

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2022
Matteo Guidicelli pays tribute to wife Sarah Geronimo
Actor and TV host Matteo Guidicelli pays homage to wife Sarah Geronimo on national television.
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram

Binigyang papuri ni Matteo Guidicelli ang asawang si Sarah Geronimo sa national television kahapon, November 16, 2022.

Ayon kay Matteo, sinuong ni Sarah ang lahat ng balakid sa kanyang buhay at karera para sa kanya.

Sa segment ng TV5 noontime show na Tropang LOL na "HOPE" na tungkol sa mga relasyon, naging panauhin ang isang ex-couple kung saan pinag-usapan kung puwede pa silang magkabalikan makalipas ang sampung taon.

Ayon sa ex-couple, marami silang mga pagsubok na dinaanan noon sa kanilang relasyon kasama na rito ang sa pamilya ng lalaki na hindi gusto ang babae.

Ani Matteo, “That’s the beauty of love. Sa pag-ibig, mari-realize talaga natin na hindi tayo perfect as an individual.

"Pero kapag darating ang tao na talagang swak sa iyo, parang puzzle lang yung pag-ibig, e.

“Dapat magtulungan kayo para maging buo at maging isa kayo.”

Dagdag pa niya, “Can I add something also, very, very nice to that?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I really put so much respect on people like you; people like you also, brother, that goes against all odds. This is a true example of people, like you, that are so brave.”

Dito na niya binanggit ang hirap na dinanas ni Sarah para lamang sa kanya.

Sabi ni Matteo: “And I’d like to also give it up to my wife, that she went against all odds for me.

"At the end of the day… love is the decision of two individuals, not about the people in the family or the people around them anymore. It’s about you and your partner.”

Payo pa niya sa kanilang panauhin sa show: “Always put God in the middle. Always respect each other. Kung meant to be iyan, darating ang panahon na magiging kayo ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinasal sina Matteo at Sarah sa pamamagitan ng intimate Christian wedding ceremony sa Victory Church sa Fort Bonifacio, Taguig City, noong February 20, 2020.

Read: Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli are now married; Matteo allegedly punched Sarah's bodyguard

Ngunit nabahiran ng iyakan, sigawan, at tila nagkaroon pa ng pisikalan sa ginanap na private reception pagkatapos ng secret wedding nila dahil sa pag-eeskandalo diumano ng ina ni Sarah na si Divine Geronimo, o mas kilala sa showbiz circles bilang Mommy Divine.

Read: Witness: Mommy Divine wanted to slap Matteo Guidicelli; Sarah Geronimo intervened

Nitong katapusan lamang ng October 2022, humingi na ng tawad si Sarah sa kanyang mga magulang.

Read: Sarah Geronimo to her parents: “Patawad po.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor and TV host Matteo Guidicelli pays homage to wife Sarah Geronimo on national television.
PHOTO/S: Courtesy: @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results