Itinanghal na first runner-up sa Miss Grand International 2016 si Nicole Cordoves.
Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon niya sa pag-withdraw ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) ng franchise nito sa Thailand-based beauty pageant.
Hindi sinabi ng BPCI ang dahilan kung bakit hindi na nito nais i-renew ang kontrata sa Miss Grand International.
Read: Binibining Pilipinas officially withdraws from Miss Grand International
Pero hindi kaila sa pageant fans na sanga-sangang kontrobersiya ang kinaharap ng pamunuan ng Miss Grand International 2022 matapos ang pageant coronation noong October 26, 2022.
Dagdag pa rito, wala pang kandidata mula sa Pilipinas ang nagwagi sa 10-year-old beauty pageant na based sa Thailand.
Read: Miss Grand International loses almost 2 million followers on Instagram after grand coronation
Sa ngayon, may tatlo na lamang franchise ang BPCI: Miss International, Miss Intercontinental, at Miss Globe.
Ang Miss Universe Philippines ay humiwalay sa BPCI noong December 2019.
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nicole sa watch party ng One Good Day, na ginanap sa Isla ballroom 3 ng EDSA Shangri-La noong November 14, 2022.
Dito sinabi ni Nicole na mas nais niyang bitbitin ang magandang alaala niya sa Miss Grand International.
Paliwanag niya: "Okay naman. It was a good run with them. Pero I will always carry kasi yung Binibining Pilipinas legacy.
"Naalala ko nung nag-compete ako sa Miss Grand International, they called me Binibini, hindi Miss Philippines.
"Dun mo malalaman yung branding and legacy ng Binibining Pilipinas napakalakas talaga.
"And Miss Grand International din naman, they gave me an amazing opportunity to host their pageant nung 2017 in Vietnam. Maganda yung naging experience ko sa kanila."
Para kay Nicole, walang dapat ikabahala sa pag-atras ng BPCI sa Miss Grand International.
"Nalungkot? Hindi naman masyado. Because now, pabago-bago na yung terrain ng buong pageantry. Hindi na ako nagugulat sa mga surprises na ganito.
"We're open for changes pero feeling ko, Binibini is still Binibini," diin ni Nicole.
Ayon sa balita, ang bagong magmamay-ari ng Miss Grand International franchise sa Pilipinas ay ang Miss World Philippines Organization, na pinamumunuan ng talent manager na si Arnold Vegafria.
Read: Arnold Vegafria keeps fingers crossed for Miss Grand International franchise
HAPPY FOR ROBERTA TAMONDONG'S FIFTH RUNNER-UP FINISH
Wala pang Pinay na nakakapag-uwi ng korona bilang Miss Grand International, liban sa puwestong nakamit ni Nicole, pati na ni Samantha Bernardo na itinanghal na first runner-up sa Miss Grand International noong 2020.
Si Roberta Tamondong ay nakapasok sa Top 20 ng Miss Grand International 2022, at idineklara lamang na fifth runner-up pagkatapos mag-resign ni Miss Mauritius.
Buong-buo ang suporta na ipinagkaloob ni Nicole kay Roberta sa naging laban nito para sa korona. Kaya masaya si Nicole na sa huli ay nakakuha pa rin ng fifth runner-up finish si Roberta.
"Actually, hindi ko nga maintindihan masyado yung nangyari nun na plot twist. But I'm so happy kasi nakikita ko si Roberta enjoying the activities.
"If there's anything good at Miss Grand International offers, [it] is really yung mga activities na ibinibigay sa amin. Yung magtu-tour ka talaga sa Thailand.
"Talagang magtatrabaho ka kahit na runner-up ka lang. I feel that kind of experience is still something you cannot exchange or trade," saad niya.
ON MISS UNIVERSE BEING OPEN TO "EVERY KIND OF WOMAN"
Binuksan na ang Miss Universe sa mga babaeng may-asawa, single mom, at hindi na ito eksklusibo sa mga dalaga.
Ano ang opinyon ni Nicole sa ganitong kalakaran na sinimulan ng Miss Universe?
Sagot niya: "Well, it hasn't happened yet. I think I'll reserve my opinion first.
"Pero it's good that we're acknowledging every kind of woman because every woman is on a different path.
"Parang okay din na hindi sila nakaka-miss out ng opportunity because they made a decision early on their life, so we'll see."