Hindi na raw napipikon si Alex Gonzaga kapag ginagawang pamba-bash o katatawanan ang pagkalaglag ng kanyang ipinagbubuntis noong 2021.
Hindi na rin daw siya nagpapaapekto rito at naka-move na sila ng asawang si Mikee Morada.
Read: Alex Gonzaga reveals miscarriage: "We finally closed the book of our first pregnancy."
Nitong Huwebes, November 17, 2022, isang netizen ang nagbukas ng topic na ito sa Twitter.
Ayon sa netizen, parang hindi niya mapigilang magbitaw ng miscarriage jokes laban kay Alex.
Buong komento nito: “The urge to make Alex Gonzaga miscarriage jokes is irresistible”
Game naman itong ni-repost ni Alex sa kanyang Twitter account.
Ayon pa sa Tropang LOL host, siya pa ang unang tatawa sa joke ng basher para lamang ito mapaligaya.
Aniya, “Pssst! Go lang if that will satisfy you i won’t mind i’ll be the first one to laugh pa. You’re welcome”
Sa kabilang banda, isang netizen na nagpaabot ng suporta kay Alex ang sinagot ng TV host-actress.
Saad nito, “Hope you’ll feel better Ate Alex, this kind of topic is not joke at all. They’ll think na porket comedian ka, lahat ng nangyayari sa buhay mo nakakatawa na. Mga nakakaawang nilalang! Napag hahalataang walang nag mamahal sa kanila at puro inggit at laman ng katawan. We love you —”
Tugon ni Alex, “Aaaaw thank you but i’m really okay. Wala talagang dating sakin yun..”
Ini-screenshot ito ni Alex at ipinost sa kanyang Facebook account.
Sabi niya sa kanyang caption: “OKAY LANG talaga kung san kayo masaya.”
Isa namang netizen ang tumawag kay Alex na "pa-victim."
Sabi nito sa kanyang komento, “Char HAHAHA pa victim na naman si Alex HAAHHAHAHA tapos pag siya nag joke sasabihin you didnt get my joke hala ka”
Sagot ni Alex: “HA? Sinong pa-victim? Go nga gawin mo nga joke keri sakin! [laughing emoji]”
Maaaring ang tinutukoy ng basher na biro ni Alex ay ang pang-iisnab diumano ni Heart Evangelista kay Alex at Dra. Vicki Belo sa Milan Fashion Week.
Kalaunan ay nilinaw nina Alex at Dra. Belo na biro lamang iyon at hindi dapat seryosohin.
Read: Vicki Belo, Alex Gonzaga clarify alleged snubbing incident involving Heart Evangelista in Milan