Watch Now

Kim Atienza reaffirms friendship with Vice Ganda, other former It's Showtime co-hosts

by Nikko Tuazon
Nov 20, 2022
Kim Atienza
Kim Atienza reaffirms friendship with with Vice Ganda and other former It's Showtime co-hosts: "Di naman nasira. We are all family regardless of network or show. :)"
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram

Naparating din ng pasasalamat ang GMA-7 host na si Kim Atienza sa dati nitong katrabaho na si Vice Ganda.

Nitong Sabado, November 19, 2022, emosyunal na nagpasalamat si Vice Ganda sa lahat ng naging bahagi ng It's Showtime sa loob ng labintatlong taon.

Sa isang Tweet, mensahe ni Kuya Kim kay Vice Ganda at sa mga dati nitong kasama sa It's Showtime, "You're very welcome @vicegandako all the best for you and the @itsShowtimeNa family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago ito, sinagot muna ni Kuya Kim ang isang tweet na nagsasabing sana magkaayos muli ang nasirang pagkakaibigan sa pagitan ng mga dating It's Showtime host.

Bukod kay Kuya Kim at Vice Ganda, naka-tag din sa tweet sina Billy Crawford at Jhong Hilario.

Sabi ng netizen, "masakit mawalan ng kaibigan I hope magkaayos na all for love and friendship @vicegandako @BillyCrawford @kuyakim_atienza @jhongsample [emoji]"

Ngunit paglilinaw ni Kuya Kim, "Di naman nasira. We are all family regardless of network or show. :)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang taon na rin nang lumipat si Kuya Kim sa Kapuso network, matapos ang 17 years nito sa ABS-CBN.

Read related article: ABS-CBN bids goodbye to Kim Atienza after 17 years

VICE GANDA'S EMOTIONAL MESSAGE

Ang pagkapanalo ni Ryan Bang sa unang pagkakataon sa "Magpasikat" segment ng It's Showtime ang naging inspirasyon ni Vice Ganda upang pasalamatan ang lahat ng naging bahagi ng kanilang noontime show.

Read related article: Ryan Bang on “Magpasikat” win: “Akalain niyo champion ako?!”

Aniya, "Yung pagkakapanalo ni Ryan Bang for the longest time, bigla ko na-realize, 'Bakit hindi siya nananalo?'

"Ginagawa naman niya lahat. Ang dami niyang pinapakitang gusto niya, ang dami niyang pinapakitang kaya niya at bago niyang alam, bago niyang natutunan, bago niyang nadiskubre.

"Pero this time, nanalo siya, why? Kasi binalikan niya kung ano siya. Siya ay Koreano. Siya ay Koreano na minamahal ang Pilipinas. At siya ay Koreanong mahal na mahal ang Pilipinas, at ang mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Binalikan niya at nung binalikan niya, lalong lumabas ang totoong kagandahan niya bilang tao.

"Kaya ngayon, nagpasalamat na tayo sa lahat ng mga kasama natin ngayon pero gusto ko pa rin magpasalamat sa mga hindi na natin kasama.

"Dahil yung mga hindi natin kasama, sila ang nagsimula ng programang ito. Isa sila sa mga unang taong nag-isip, isa sila sa mga unang taong nagtaguyod, isa sila sa mga unang taong napagod, isa sila sa mga unang taong talagang nandidito at naging paa't kamay ng programa."

Kasunod nito, isa-isang pinasalamatan ni Vice Ganda ang lahat ng mga naging direktor, host, at staff ng It's Showtime.

"Gusto ko magpasalamat, balikan yung pinagmulan natin. Maraming, maraming salamat. Direk Bobet Vidanes, thank you very much.

"Direk Mel Feliciano, thank you very much. Direk Boyet [Baldemor], thank you very much. M.O.D., thank you very much. Lahat, lahat... Lahat-lahat.

"Sa lahat ng mga host na nagsimula nito, kasama na diyan si Kuya Kim, thank you very much. Billy Crawford, thank you very much.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Coleen [Garcia], thank you very much. Eruption [Eric Tai], thank you very much. Baby Red and Baby Joy, thank you very much.

"Joey Marquez, thank you very much. Lahat ng nakasama namin, gusto ko kayong balikan, gusto kong balikan yung masasayang alaala. Kasi masayang-masaya naman tayo't lahat.

"Mahal na mahal natin ang isa't isa bago tayo hindi nagkaintindihan, bago tayo nagkasakitan, bago tayo nagalit sa isa't isa, bago tayo nawatak, nagmamahalan tayo.

"Gusto kong balikan yun. So ito, it's a celebration. We celebrate the love that we once felt kahit di na tayo magkakasama. Kaya kahit wala na po kayo, maraming, maraming, maraming salamat po sa inyong lahat.

"Sa lahat ng mga kasama ng staff namin, na wala na rito, nasa ibang programa na, maraming-maraming salamat.

"Ako, personal, hindi ko man naalala ang mga pangalan ninyo, pero naaalala ko na minsan tayong nagkatraba-trabaho at pag nagkasalu-salubong tayo, gusto kong ngumiti at magpasalamat sa inyo. Maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This program has brought so many things in my life.

"Guminhawa ang buhay ko, ang pamilya ko sumaya, at nagkaroon ako ng maraming tagasubaybay, nagkaroon ng maraming nagmamahal sa akin.

"Mahal na mahal ko ito, ang pamilyang ito kaya maraming-maraming salamat po."

Nagpasalamat din si Vice Ganda kay Cory Vidanes sa patuloy nitong pagtitiwala sa kanilang programa.

Saad ni Vice, "Tita Cory Vidanes, maraming-maraming salamat sa pagtitiwala mo sa amin, na kahit tanggap na namin yung isang punto ng buhay namin na alam naming kakanselahin na kami, hindi niyo kami kinansela at nandidito pa rin kami."

Sa bandang huli, ipinangako ni Vice Ganda na gagawin nila ang kanilang makakaya upang patuloy na magbigay ng saya sa kanilang mga manonood.

"Kaya pag tinatanong ako ng staff, ng co-host ko, at ng iba pang artista ng ABS-CBN, 'Meme, saan na ba ito papunta?'

"Ang sagot ko, 'Hindi ko alam, pero kahit di natin alam kung saan na papunta itong Showtime, hindi natin alam kung saan papunta ang ABS-CBN, let's keep on working and let's keep on giving what the audience wants and what the audience needs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Dahil kung saan man tayo papunta at hindi natin alam, dadalhin tayo ng Diyos kung saan tayo nararapat.'

"Hindi ko naman inasahan na mapupunta ako rito sa Showtime stage na nasa gitna niyong lahat.

"Kayo ba, inasahan niyong may bitbit kayong may award ngayon? Inasahan ba nating nakabihis tayong lahat? Inasahan ba nating magdya-judge kayo? Inasahan niyo bang manonood kayo ng live ngayon?

"Hindi natin ito inasahan. Hindi natin alam na mangyayari ito. But God brought us all here where we are supposed to be."

Patuloy pa nito, "Kaya kung saan man ito papunta Showtime, isang taon pa... Kung bibigyan pa ng isang taon, bibigyan pa ng pangalawang taon, kung saan man ito abutin, maraming maraming salamat po.

"Thank you very much from the bottom of our hearts, sa aming lahat, from the staff, from the management, from all of the hosts. Madlang people, maraming salamat po.

READ MORE:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza reaffirms friendship with with Vice Ganda and other former It's Showtime co-hosts: "Di naman nasira. We are all family regardless of network or show. :)"
PHOTO/S: @kuyakim_atienza on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results