Watch Now

A look back: Zanjoe Marudo's rumored and real-life romances

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 23, 2022
Zanjoe Marudo girlfriends list
Zanjoe Marudo seems attracted to strong and independent women. He is currently being romantically linked to Ria Atayde.
PHOTO/S: @onlyzanjoemarudo / @ria / @beaalonzo /@josie_prendergast / @marieltpadilla / @bela / @iamsuperbianca Instagram
ILLUSTRATION: Igi Talao

Pag-amin na lamang ang kulang sa rumored couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Ito'y matapos ibuking mismo ng ina ni Ria na si Sylvia Sanchez na "exclusively dating" ang relationship status ng dalawa.

Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are dating, Sylvia Sanchez reveals

Kamakailan ay naging bukas na sina Zanjoe at Ria na ipakita sa publiko ang kanilang sweet moments together nang magkasama silang lumipad sa Japan para ipagdiwang ang Halloween.

Kasama nila ang kanilang mga kaibigan na sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Joshua Garcia, at Robi Domingo.

Read: Zanjoe Marudo, Ria Atayde spotted getting cozy in Japan

Pero bago nila isapubliko ang kanilang epesyal na relasyon, ilang kilalang personalidad na rin ang naging girlfriends ni Zanjoe.

Binalikan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang mga much-publicized pati na rin low-key relationships ng aktor.

Kasama rin dito pati ibang artista na na-link sa kanya, pero hindi nauwi sa opisyal na pagiging magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BIANCA GONZALEZ

Taong 2007 nang unang ma-link si Zanjoe sa TV host na si Bianca Gonzalez.

Ito'y matapos silang makitaan ng closeness at sweetness habang sila ay nasa loob ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition 1, na umere mula February-April 2006.

Noong panahong iyon ay may kasintahan si Bianca sa labas ng Bahay ni Kuya, ang noo'y TV director na si Lino Cayetano.

Paglabas ng Bahay Ni Kuya, naudlot ang tila nabuong magandang pagtitinginan nina Zanjoe at Bianca. Nilinaw rin nilang magkaibigan lang talaga sila.

Naging maayos ang relasyon nina Bianca at Lino noon, pero pagsapit ng October 2006 ay naghiwalay rin sila.

Sa ngayon, happily married si Bianca sa former PBA player na si JC Intal.

Zanjoe-Bianca

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MARIEL RODRIGUEZ

Tatlong taon din ang itinagal ng relasyon ni Zanjoe sa TV host-actress na si Mariel Rodriguez, mula 2007 hanggang 2010.

Minsa'y tinawag ni Zanjoe na "bonus" ang masayang relasyon nila ni Mariel, sa gitna ng kanya-kanya nilang matagumpay na karera.

Naging bukas din sina Zanjoe at Mariel sa pagsasabing naipakilala na nila ang isa't isa sa kani-kanilang pamilya at naging maganda ang pagtanggap ng mga ito sa kanilang relasyon.

Sa ulat ng PEP.ph noong June 2, 2010, unang umugong ang usaping hiwalay na diumano sina Zanjoe at Mariel.

Read: Zanjoe Marudo on rumored split with Mariel Rodriguez: "Hindi ko naman masasabing wala na kami, na hindi na kami..."

Dahil hindi vocal ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon, maraming espekulasyon mula sa kanilang fans ang lumabas.

Isa na rito ang pagkakadawit ng pangalan ni Robin Padilla.

Naging guest host noon si Robin sa Wowowee, ang defunct noontime show ng ABS-CBN kung saan regular host naman si Mariel. Dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa, binigyan ng malisya ng netizens ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

June 29, 2010, nang tuluyang magsalita si Mariel, at inanunsiyong hiwalay na nga sila ni Zanjoe.

Paglilinaw niya, walang third party na involve sa kanilang breakup.

Read: Mariel Rodriguez on being mum about breakup with Zanjoe Marudo: "I would like to respect the three years na we had together."

Zanjoe-Mariel

July 29, 2010 naman nang aminin ni Robin na nililigawan na niya si Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Robin Padilla admits courting Mariel Rodriguez

Mabilis na nahulog ang loob ni Mariel kay Robin, na pinakasalan agad siya nang magtungo sila sa Taj Mahal sa India noong August 19, 2010.

Sa ngayon, halos labindalawang (12) taon nang kasal sina Mariel at Robin, at mayroon na silang dalawang anak— sina Maria Isabella, 5, at Maria Gabriela, 2.

BEA ALONZO

Ang relasyon nina Zanjoe at Bea Alonzo ay nagsimula nang magpanggap si Zanjoe na boyfriend ni Bea.

Nagkasama kasi sila sa bar at may makulit na lalaking lapit nang lapit kay Bea, kaya umakto si Zanjoe na boyfriend ni Bea para proteksiyunan ito, ayon sa ulat ng Showbiz Inside Report.

Mula noon ay naging magkaibigan sila, at nindi nagtagal ay naging totohanan silang couple.

March 16, 2011 nang sagutin ni Bea si Zanjoe, ayon sa panayam ng PEP.ph kay Bea.

Mula nang umamin sina Bea at Zanjoe na sila, naging bukas sila sa pagpapakita ng sweet travel photos nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong July 2013, sinorpresa ni Bea si Zanjoe sa ABS-CBN Sunday show na Banana Split kunsaan mainstay ang aktor.

Birthday noon ni Zanjoe at sinabayan ni Bea si Zanjoe sa pagkanta ng "A Thousand Years," ang sikat na OST ng pelikulang Twilight.

Nasa Banana Split din noon ang mommy ni Zanjoe na nagsabing boto siya sa aktres para sa anak.

Ngunit tulad ng ibang magkarelasyon, dumaan din sa pagsubok ang pag-iibigan nina Zanjoe at Bea.

Read: Bea Alonzo admits problem in her relationship with boyfriend Zanjoe Marudo

December 2015 nang umugong ang balitang hiwalay na ang dalawa ngunit nanatiling tikom ang bibig nila patungkol dito.

Hanggang noong January 20, 2016, inamin na mismo ni Zanjoe sa live interview niya sa Tonight With Boy Abunda na hiwalay na nga sila ni Bea.

Read: Zanjoe Marudo confirms breakup with long-time girlfriend Bea Alonzo

Hindi man sila nagkatuluyan hanggang sa huli, aminado silang dalawa na nanatili sila ngayong magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay karelasyon ni Bea ang aktor na si Dominic Roque.

Read: Bea Alonzo, Zanjoe Marudo back on good terms after breakup?

Zanjoe-Bea

BELA PADILLA

Minsang nagkaroon ng espekulasyon sa ugnayan nina Zanjoe at Bela Padilla nang magkatrabaho sila sa 2017 prime-time series na My Dear Heart.

Read: Bela Padilla insists Zanjoe Marudo is not yet her boyfriend; but wants to give him a chance

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panay pa ang tuksuhan ng dalawa noon tungkol sa kanilang "taguan ng feelings."

Pati si Vice Ganda ay pilit na pinaaamin si Bela na "sila na" ni Zanjoe, sa episode ng Gandang Gabi Vice noong July 2017.

Pero matapos ang ilang buwang espekulasyon hinggil sa tunay na ugnayan ng dalawa, bandang January 2018 nang linawin ni Bela na hindi naging sila ni Zanjoe at "magkaibigan lang" talaga sila.

Read: Bela Padilla insists she and Zanjoe Marudo are only friends: "Ayaw naming guluhin ang isa't isa."

Nagkatambal pa sina Bela at Zanjoe sa 366, na nagsilbing directorial debut din ni Bela.

Sa ngayon ay masaya nang naninirahan si Bela sa London kasama ang kanyang boyfriend na si Norman Bay.

Zanjoe-Bela

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JOSIE PRENDERGAST

Taong 2018 nang unang maiulat ang napapabalitang espesyal na relasyon ni Zanjoe sa Filipino-Australian surfer-model na si Josie Prendergast.

June 2018, dumalo si Zanjoe sa 19th birthday ni Josie sa Siargao, kung saan nakabase ang dalaga.

Read: Is Zanjoe Marudo dating surfer-model Josie Prendergast?

Nang sumunod na buwan, kinumpirma ni Zanjoe na nasa estado ng "getting to know each other" sila ni Josie.

Pero liban doon ay low-key si Zanjoe pagdating sa kanyang love life noon.

November 2018, may kumalat ding litrato na tila kuha sa pagbisita ng aktor kay Josie sa Siargao.

Read: Zanjoe Marudo spends time with rumored girlfriend Josie Prendergast

Wala man silang direktang pag-amin sa kanilang relasyon, naging bukas naman si Zanjoe na sabihin noong July 10, 2020, kung gaano siya kasaya sa kung anong meron sila ni Josie.

Malinaw na nag-click sila dahil makikitang simple ang pamumuhay ng dalaga kasama ng mga kaibigan at ka-hometown niya sa Siargao. Tugma ito sa tahimik na buhay na nais din ni Zanjoe, na noo'y madalas na naglalagi sa bahay niya sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nauwi sa breakup ang pagkakamabutihan ng dalawa.

November 23, 2020, nang muling iulat ng PEP.ph na hiwalay na ang dalawa dahil namataan si Josie na may kasamang tila bago nitong kasintahan.

Kung naging magkarelasyon man ang dalawa, hindi ito isinapubliko ni Zanjoe at hindi rin siya nagsalita sa napabalita noong "breakup" nila ni Josie.

Read: Zanjoe Marudo’s alleged breakup with Josie Prendergast revealed after photos of her with a new guy surface

Zanjoe-Josie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA PANGANIBAN

Na-link din si Zanjoe sa aktres na si Angelica Panganiban.

Kilalang malapit na magkaibigan ang dalawa simula nang magtambal sila sa Kapamilya daytime series na Playhouse noong 2018 kung saan gumanap sila bilang mag-asawang sina Marlon at Patricia.

Read: Zanjoe Marudo to Angelica Panganiban: "Tayong dalawa na lang!"

Noong 2020, umugong ang usaping nagkamabutihan silang dalawa habang sila'y nasa lock-in taping ng pinagbidahan nilang serye na Walang Hanggang Paalam.

Pero malinaw na hindi sineryoso nina Zanjoe at Angelica ang pagli-link na ito sa kanila.

Matagal na silang magkaibigan dahil pareho silang mainstays sa gag show na Banana Sundae, na umere sa ABS-CBN ng labindalawang (12) taon. Nagkatambal din sila sa teleseryeng Playhouse, na umere noong September 2018-March 2019.

Zanjoe-Angelica

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, si Angelica ay pitong buwan nang engaged ngayon sa kanyang non-showbiz partner na si Gregg Homan. Mayroon na silang isang anak.

READ MORE:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo seems attracted to strong and independent women. He is currently being romantically linked to Ria Atayde.
PHOTO/S: @onlyzanjoemarudo / @ria / @beaalonzo /@josie_prendergast / @marieltpadilla / @bela / @iamsuperbianca Instagram
ILLUSTRATION: Igi Talao
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results