Pooh reacts to bashers calling him "walang utang na loob, ingrato"

by Melba R. Llanera
Nov 23, 2022
Comedian Pooh
Comedian Pooh: "Parang gusto kong balikan na, 'Sana napakain mo ako nung sinasabi mo na wala akong utang na loob.'"
PHOTO/S: @pooh_tik Instagram

Isa si Pooh sa mga artista ng ABS-CBN na lumipat sa bakuran ng TV5 matapos hindi maaprubahan ng Kongreso ang prangkisa ng dating giant network noong 2020.

Ilang Kapamilya artists ang nakaranas ng kabi-kabilang pamba-bash mula sa netizens nang magdesisyon silang mangibang-bakod at magtrabaho sa ibang TV networks.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Pooh, may mensahe ang komedyante sa mga nagparatang sa kanya noong "walang utang na loob" o "ingrato."

Katuwiran niya: "Yung mga tao naman kasi na nagsasabi about loyalty, gusto ko ngang balikan, e.

"Parang nasaan na yung sinasabi niyo sa akin na loyalty? Kasi, may mga bashers na ganun, e. 'Wala kang utang na loob, wala kang ganito...'

"Parang gusto kong balikan na, 'Sana napakain mo ako nung sinasabi mo na wala akong utang na loob.'

"Tapos ngayon, 'O, nasaan ka, di ba?'"

Paglilinaw pa ni Pooh, freelance artist siya.

"Wala akong exclusivity sa kahit na akong network. Actually, kahit nung nasa ABS ako dati. Ang contract lang naman namin dun ay per show, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Pooh, ngayong nakipag-collaborate na ang ABS-CBN sa ibang istasyon, gaya ng TV5 at A2Z, hudyat ito para tumigil na rin ang ilan na nam-bash sa kanya at kumuwestiyon sa loyalty niya bilang nakilala siya sa ABS-CBN.

"Well, at least, naging ganun na, naging open na ang bawat isa sa kanila. Tumahimik na rin naman ang mga ganun—yung nagsasabi na walang utang na loob.

"Hindi naman kami napakain ng utang na loob nila, e. Ang maganda, nagkasundo naman sila. Sa mga nagsasabi ng ganun, nanahimik naman sila."

Tinanong din si Pooh kung wala bang artista ang bumatikos o umalma sa ginawa niyang paglipat.

"Wala naman sa awa ng Diyos. Si Vice [Ganda]? Wala naman, yun naman support-support lang naman siya sa kahit na anong gawin ng mga bakla," sabi niya.

Napapanood ngayon sa si Pooh sa TV5 sitcom na Oh My Korona, na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Kasama rin siya sa isang nilulutong gag show sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa paglipat sa bakuran ng Kapatid Network, hindi nakaramdam ng pagkailang si Pooh dahil marami sa mga katrabaho niya ay kakilala niya.

"Okay naman kasi parang 80 percent ng tao galing din naman sa ABS. Hindi ka na masyadong maku-culture shock, di ka na masyadong mamamahay.

"Yung iba, di ba, namamahay? Dito wala, 'Uy, kumusta ka? O ano, bakla ka!' So, okay na."

Nakapanayam ng PEP.ph. si Pooh sa nakaraang Cignal Entertainment and TV5 Showbiz Caravan Press Luncheon, na ginanap sa Provenciano sa Maginhawa St., Quezon City, noong November 19, 2022.

ON ANGELICA PANGANIBAN'S HAPPY FAMILY LIFE

Bilang isa sa malapit na kaibigan ni Angelica Panganiban, masayang-masaya si Pooh na natagpuan na ng aktres ang tunay na kaligayahan sa piling ng fiancé na si Gregg Homan.

May anak na rin sina Angelica at Gregg na si Amila Sabine.

"Super happy. Happy ako for her, sobra, sobra, sobra. Pagkatapos ng hirap, hayan na, masaya na," ani Pooh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal na nagkatrabaho sina Angelica at Pooh sa defunct Kapamilya gag show na Banana Sundae kaya saksi siya sa mga pinagdaanan na heartbreaks ng aktres.

"Yung group chat namin laging sumasabog lalo na pag may mga pasabog siyang bago.

"Kung kinuha akong ninong? Hindi naman sinabi, pero nandiyan kami bilang mga tiyuhin, tiyahin."

MEET-UP SOON

Patuloy na pagkukuwento ni Pooh, gusto ni Angelica na magkita-kita sila uli at nang makita na niya nang personal si Baby Amila.

"Nagse-set nga, nagsasabi siya lagi, 'Bakla, parang iilan na lang kayo na hindi nakakakita dito sa bata bago ko pa ito ikulong!'

"Siyempre lagi nasa bahay lang, siyempre may pandemic pa rin naman. Nung baby shower niya [Angelica] nandun ako.

"Pero nung pa-dinner niya bago siya nanganak, hindi ako nakapunta. May ganap yata ako nun, ako lang ang wala," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpakatotoo naman si Pooh na hindi siya makapagkomento pagdating sa fiancé ng kaibigan dahil hindi pa niya ito nakakausap nang matagal at nakikilala nang mabuti.

"Nag-meet kami nung baby shower pero hindi ko naman agad masasabi na gusto ko siya kasi ilang beses ko pa lang naman nakita."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Pooh: "Parang gusto kong balikan na, 'Sana napakain mo ako nung sinasabi mo na wala akong utang na loob.'"
PHOTO/S: @pooh_tik Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results