Watch Now

MJ Lastimosa replies to basher's "retokada" comment: "Yes, I can afford."

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 23, 2022
MJ Lastimosa basher
Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa: I was bullied in 2011 for having veneers and boobs and waist that’s too small, (apparently they insisted I took off my rib but since my waist is not that small anymore I prob grew them back, alien yarn) and that was okay. I survived it! But this mindset as we welcome 2023? Eww!"
PHOTO/S: MJ Lastimosa Instagram/Facebook

Hindi napigilang sagutin ni Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean "MJ" Lastimosa ang isang basher na nagtanong kung retokada ba siya.

Ito'y matapos mag-post ng video ni MJ sa kanyang Facebook page kung saan makikitang kasama niya ang Mexican delegate sa Miss Earth 2022 na si Indira Perez Meneses.

Marami kasing nagsasabing magkamukha at may pagkakahawig ang dalawang beauty queen, dahilan para kaaliwan at purihin ito ng maraming followers ni MJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gayunpaman, isang basher ang hindi naawat na mag-iwan ng komento sa pagkakahawig nina MJ at Indira.

“Parehas retokada?” mababasang comment ng basher sa Facebook post ng Pinay beauty queen.

Tila hindi naman nagustuhan ni MJ ang komentong ito, kaya't hindi rin siya nakatiis na sagutin ito.

Kumpiyasa niyang sagot: “Yes, I can afford [wink emoji]."

Hindi pa roon natapos ang batuhan nila ng komento dahil muling nag-reply ang basher kay MJ.

Aniya, "MJ Lastimosa I never said you can’t afford, you definitely can… with all your resources. No question with that at all my dear MJ."

Sagot ni MJ: "So what's the point with your comment madam its almost 2023 wake upppp."

Muling banat ng basher, "I just said parehas na retokada! That was just it and MJ seconded it by saying she can afford it hahahahahahahahahaha."

Ang kanilang naging pag-uusap sa comment section ay ini-screenshot ni MJ at ipinost sa kanyang Facebook page.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kalakip nito ay ibinahagi ni MJ ang pinagdaanang pambu-bully noong 2011 bago naging kandidata ng bansa sa Miss Universe 2014 kung saan umabot siya sa Top 10.

Caption ni MJ (published as is), “Ma’am Cedric I was bullied in 2011 for having veneers and boobs and waist that’s too small, (apparently they insisted I took off my rib but since my waist is not that small anymore I prob grew them back, alien yarn) and that was okay.

"I survived it! But this mindset as we welcome 2023? Eww!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa comments section, bumuhos naman ang mga positibong komento kay MJ.

Maraming netizens ang nagsabing huwag na niyang pansinin ang hate comments na kagaya nito. Narito ang ilan sa mga komento:

MJ Lastimosa basher

MJ Lastimosa basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MJ Lastimosa basher

MJ Lastimosa basher

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa: I was bullied in 2011 for having veneers and boobs and waist that’s too small, (apparently they insisted I took off my rib but since my waist is not that small anymore I prob grew them back, alien yarn) and that was okay. I survived it! But this mindset as we welcome 2023? Eww!"
PHOTO/S: MJ Lastimosa Instagram/Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results