Watch Now

Wishful thinking: Julie Anne San Jose wants "church wedding"; Rayver Cruz likes "sa ibang bansa"

by Rommel Gonzales
Nov 25, 2022
Julie Anne San Jose and Rayver Cruz for Julieverse
Asked about her dream wedding, Julie Anne San Jose simply says it has to happen in a "church." Rayver Cruz, for his part, is thinking of a destination wedding.
PHOTO/S: @myjaps on Instagram

Nasa ligawan stage pa lamang sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, pero hindi mapigilan ng press na itanong kay Julie Anne kung ano ang ideal wedding niya.

“In the future, of course, like when that time comes, siguro church, church wedding.

“But of course it would still depend kung ano po yung magiging desisyon nung family, of course, like there’s a lot to consider, like mga factors, ganyan."

Tinanong din si Rayver na katabi ni Julie Anne during the Zoom mediacon nitong Sabado, November 19, 2022, para sa JulieVerse concert na produced ng GMA Synergy.

Ani Rayver, “Siguro parang maganda sa ibang bansa!”

Paano a-attend ang karamihan sa kanilang mga pamilya, kamag-anak, at kaibigan kung sa malayo siya ikakasal sa kanyang future wife?

“Hindi, kasi yung mga a-attend, yung mga gusto talagang umn-attend,” at tumawa si Rayver.

Saang bansa?

“Europe, Europe siguro, kahit saan sa Europe.”

Binaggit ng writer na ito na ang ganda ng ngiti ni Julie Anne habang sumasagot si Rayver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reaksiyon ng dalaga sa panunukso, “Hindi, nakakatuwa kasi, I mean it’s also nice, because like siyempre ibang scenery, di ba? Para maiba naman."

GOING SEXY FOR JULIEVERSE

Samantala, excited ang 28-year-old Kapuso singer na makapag-perform muli sa harap ng isang live audience.

Gaganapin ngayong Sabado ng gabi, November 26, 2022, ang JulieVerse concert nina Julie Anne at Rayver sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila, Pasay City.

Kita naman sa ilang Instagram posts ni Julie Anne kung gaano siya kaseksi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsusuot ba siya ng sexy and revealing outfits sa concert o pagbabawalan siya ni Rayver?

Tumawa muna si Julie Anne bago sumagot.

“Well hindi pa po ako nagpi-fit, pero nakita ko na po yung mga designs, hindi naman po siya, of course, yung malaswa na seksi. Kasi may mga prods din po ako na nagre-require ng ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But then, hindi naman. I mean, of course hindi naman ako magsusuot ng hindi din ako comfortable. So for me yung comfort, for me, iyon yung parang number one, e.

“Additional factor na lang yung ano, ‘A, ang ganda ng suot niya!’

“Number one talaga sa akin yung comfort ng mga damit kapagka nagko-concert.”

Hindi naman daw siya pinagbabawalan ni Rayver na magpaseksi sa mga performances niya.

“Never naman akong pinagbabawalan ni Rayver pagdating sa mga ganyan, he’s not the type na to deprive. So ayun.”

Kaya aasahan ba ang mga mala-Jennifer Lopez o Beyonce na ensemble ang makikita kay Julie Anne sa JulieVerse?

“Yes, opo,” pagtitiyak ni Julie Anne.

And all these ay para maipakita sa fans na pinaghandaan niya ang concert, at iba pa rin talaga kung live napapanood ang performer.

Sabi ng Kapuso star sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako, I think it’s about time. It’s about time kasi nababalik na ulit yung mga live shows, mga live events, mga live concerts so I think it’s already time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpapatuloy ni Julie Anne, “Kasi when we were doing Limitless trilogy, medyo hesitant pa rin kami na lumabas kasi iyon po yung height ng pandemic, e."

Noong September 17, 2021 naganap ang first leg ng kanyang musical trilogy.

Sabi pa ni Julie Anne, “Ngayon naman po, since may solution na, resolved na dun sa mga, of course, mga hesitations na, ‘O baka delikado,’ I mean like hindi naman talaga, ano na siya, e, parang normal na kasi siya for everybody.

“It’s just a matter of how you really take care of your health, how you really take care of yourself."

Ngayon lang nanunumbaik ang mga ganitong kalalaking events, kaya hindi nakapagtatakang nasabik ang mga concertgoers.

"Siguro dahil kasi nami-miss ng mga tao din talaga yung mag-reconnect with other people, makita yung mga friends nila, families nila, relatives nila sa mga malalayong lugar.

“So that’s why we really want to do these live shows para siyempre to bring not only bring entertainment to people, but, you know, to really just parang make them feel na alam mo yun, yung parang entertained sila. Na puwede pa pala yun, puwede pa palang maibalik yung mga nakasanayan natin before.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asked about her dream wedding, Julie Anne San Jose simply says it has to happen in a "church." Rayver Cruz, for his part, is thinking of a destination wedding.
PHOTO/S: @myjaps on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results