Bianca Lapus reveals son Yce deeply affected when he visited dad Vhong Navarro at detention facility

by Julie E. Bonifacio
Nov 25, 2022
Bianca Lapus with son Yce and ex-husband Vhong Navarro; Vhong Navarro transferred at Taguig City Jail
Bianca Lapus on conversation with son Yce about Vhong Navarro's plight: "Pag dini-describe ni Yce sa akin ano ang suot niya, ano ang hitsura ngayon ni Vhong, nadudurog ang puso ko. Kasi hindi ko talaga ma-imagine na nandoon na siya sa kalagayan niyang yun." Seen on the left photo is a family photo of Bianca, Yce, and Vhong on Yce's graduation day last June. On the right is a photo of Vhong last November 21 when he was transferred from NBI detention facility to Taguig City Jail.
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / NBI Facebook

Aminado si Bianca Lapus na lubos siyang nag-aalala sa kalagayan ni Vhong Navarro nang lumabas ang desisyong ilipat ang TV host-comedian mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) detention facility sa Taguig City Jail.

Nilipat si Vhong sa Taguig jail noong November 21, 2022.

Read: Vhong Navarro transferred to Taguig City Jail

Bago ito, eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa launch ng Miss Supermodel Worldwide Philippines, na ginanap sa Sala restaurant sa Ayala Avenue, Makati City, noong November 17, 2022.

Si Bianca ay ex-wife ni Vhong, at may anak silang kaka-graduate sa kolehiyo — si Yce Navarro.

Apektado raw si Yce na dumaranas ng anxiety dahil sa dinadaanang kalbaryo ng ama, lalo na sa paglipat kay Vhong sa Taguig City Jail.

"It’s been a very stressful life lately," pag-amin ni Bianca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Bilang nanay, naawa ako sa kanya [Yce]. Kasi nagbi-build up na yung galit niya, yung frustration... Nagiging hopeless siya.

"Binabaliktad ko yun. Sabi ko kay Yce, 'Huwag mong isipin yun. Kailangan maging matatag ka. Maniwala ka na the truth will prevail and your dad will be free.' Yun lagi ang sinasabi ko sa kanya.

"Hindi ko rin naman ma-control kasi, siyempre sa nangyayari, binasura yung motion for reconsideration. Binasura yung mag-stay siya sa NBI.

"Hindi mo na alam, di ba, kung ano pa ang puwedeng mangyari kaya ayun."

Pero nananalig na sambit din ni Bianca, "But we are still hoping na sana ma-approve yung application for bail niya para at least makapag-bail out siya. Para kahit papaano mas komportable naman."

FEAR FOR VHONG'S SAFETY

Sa naunang panayam sa current wife ni Vhong na si Tanya Bautista, nabanggit nitong nag-aalala siya sa seguridad ni Vhong sa oras na malipat ito sa Taguig City Jail.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagsang-ayon dito ni Bianca: "Yes, yun talaga ang ikinakatakot namin. Pero yun na nga, lumabas yung court order na ililipat nga raw siya.

"Kaya mga ilang araw na akong hindi natutulog. Mula nung isang gabi na nalaman ko. Tapos kahapon nga lumabas na yung balita.

"So, idinaan ko na lang red lipstick ngayon at sa concealer ngayon. Pero sa totoo lang, ilang araw na kaming hindi natutulog mag-ina."

Open daw kay Bianca ang anak na si Yce pagdating sa mga saloobin nito.

"Inaalalayan ko ang anak ko kasi very emotional na si Yce. Nagmana si Yce sa akin. Emotional siya. Iyakin siya.

"Basta pagdating sa family, iba yung feels niya. Loving kasi talaga yung si Yce. Very family-oriented. Siyempre, lalo na close siya sa dad niya.

"So, yun, nag-open up siya sa akin na halu-halo na yung pakiramdam niya.

"So ako, bilang nanay, nakaalalay lang ako. Sinasabihan ko lang siya ng mga encouraging words para huwag namang mabalutan ng galit at saka lungkot yung nararamdaman niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WORRIED ABOUT VHONG BEING DEPRIVED OF SIMPLE COMFORTS

Isa ang pinag-aalala ng anak nina Bianca at Vhong ay kung kumportable ba ang It's Showtime host sa loob ng kulungan.

Lahad pa ni Bianca sa PEP.ph ukol sa anak na si Yce: "Ang pinakalagi niyang nasasabi sa akin, lalo na nung mga nakaraan na hindi siya makatulog, ang ganda ng kama niya, ng kuwarto niya, naka-aircon siya. Ang lambot ng kama niya, ng unan niya na prinovide ng tatay niya...

"Samantalang ang tatay niya, alam niyang hindi komportable kung paano siya matulog ngayon. So, para sa akin, nung narinig ko yun, di ba, masakit?

"Masakit siyang isipin na, 'Oo nga naman. Yung taong nag-provide sa iyo ng comfortable life, hindi siya komportable ngayon kung nasaan man siya.'"

ON YCE VISITING VHONG AT NBI DETENTION FACILITY

Alam daw ni Yce ang paghihirap ng ama dahil regular na bumibisita ito noong nasa NBI detention facility pa si Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Bianca, "May schedule kung kailan lang puwede bumisita. Every time puwedeng dumalaw, nagpupunta si Yce. Hindi naman nila nami-miss yung schedule.

"Kasi siyempre, suporta. Niyayaya ako ni Yce, 'Mom, are you coming?' Ako talaga yung hindi ko talaga kaya.

"Kasi nung dinescribe na sa akin ni Yce kung ano na yung... naiiyak tuloy ako. Kung ano yung hitsura ni Vhong... Sabi ni Yce, nangayayat.

"Basta every time na dini-describe ni Yce kung ano ang hitsura ni Vhong, naano ako, parang, I don’t have the heart to look at him siguro.

"So, lagi na lang ako nagpapasabi ng message ko."

Pagkatapos dumalaw ni Yce kay Vhong, ipinararating din ni Yce kay Bianca ang mga bilin ng ama.

"Ayaw niyang ipakita yung [hirap]. Nagpapaka-strong siguro si Vhong sa harapan ng mga anak niya. Pero alam naman ng mga anak niya na nahihirapan siya.

"Kasi sabi ni Yce, kung ano yung kinakain ng mga ibang nandoon, yun din ang kinakain niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag dini-describe ni Yce sa akin ano ang suot niya, ano ang hitsura ngayon ni Vhong, nadudurog ang puso ko. Kasi hindi ko talaga ma-imagine na nandoon na siya sa kalagayan niyang yun."

"FIGHTING AS ONE FAMILY"

Sa patuloy na panayam ng PEP.ph kay Bianca, sinabi nitong naniniwala siya at ibang kapamilya ni Vhong na hindi totoo ang alegasyong inabuso nito si Deniece Cornejo.

"Kami kasi talaga, very firm kami na... naniniwala talaga kami na ang nagsasabi ng totoo, si Vhong," ani Bianca.

Buo ang suporta niya hindi lang kay Vhong at sa anak nilang si Yce, kundi pati sa misis ni Vhong na si Tanya, at sa isa pang anak ni Vhong na si Frederick.

Si Frederick ay binata na ring anak ni Vhong mula sa ex-girlfriend nito.

Paliwanag pa ni Bianca: "Ever since naman yun, lagi ang sinasabi ko sa lahat ng interviews ko, we are with Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We’re fighting everything as one family.

"As in, like, meron kaming GC [group chat] na nandoon si Tanya at ako. Nandoon yung mga bata. As in ang pangalan ng GC ay 'fambam.' Ako ang nag-create noon."

Bukod sa group chat sa Facebook Messenger ay nakakausap ni Bianca si Tanya nang personal.

"Mag-boyfriend pa lang sila ni Vhong, I’ve been vocal to her [Tanya] na. Naging okey talaga kami ni Tanya ever since.

"Kasi naging maayos ang pag-uusap namin na, 'O, eto ang role mo, eto ang ano mo.' Sobra ang respeto namin sa isa’t isa."

Ngayong dumadaan sa pagsubok si Vhong, may kani-kanyang role sina Tanya at Bianca sa pagbibigay ng suporta kay Vhong.

“Well, siyempre we know na Tanya is really focused kay Vhong, sa kaso, kung paano matutulungan.

"Pero ako naman, sa mga bata. Yun din ang prinamis ko sa kanila ni Vhong na ako ang bahala sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mommy ni Bruno [Frederick], friend ko rin. Isinama ko rin sa GC. Walang maiiwan."

Read: Tanya Bautista touched by show of support from Vhong Navarro's exes

Dasal ang pinanghahawakang sandata ng pamilya nila ngayon.

Saad ni Bianca, "Kasi alam naman namin na alam ng Diyos na wala siyang kasalanan. Hindi niya magagawa yung ibinibintang sa kanya. At siya ang tunay na biktima sa mga pangyayaring ito.

"Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pero naniniwala naman kami na may hope pa rin ang hustisya. Kailangan lang talaga naming lumaban nang tama at malinis."

Dugtong niya, "But I’m still hoping and praying na magiging fair yung magiging takbo ng hearing at yung magiging desisyon.

"Basta kami, firm kami. Especially ako, I will stand by him talaga till the end."

VHONG'S LEGAL BATTLE SINCE 2014

September 19, 2022 nang kasuhan si Vhong Navarro ng rape ng model na si Deniece Cornejo, kaugnay ng pagkikita nila sa condo ni Deniece noong gabi ng January 17, 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinahaharap din ni Vhong ang kasong acts of lasciviousness, kaugnay naman ng pagkikita nila ni Deniece noong gabi ng January 22, 2014.

Boluntaryong sumuko noon si Vhong.

Nanindigan din noon si Vhong na hindi totoo ang paratang sa kanyang inabuso niya si Deniece sa dalawang okasyong iyon.

Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle

Nasabi ni Vhong sa panayam noon na siya ang "biktima" pero "parang ako pa yung nababaligtad."

Ang tinutukoy ni Vhong ay ang pagbasura ng Department of Justice noong 2014 ang mga reklamong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

Kasabay noon umandar ang kasong serious illegal detention at grave coercion na isinampa ni Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Noong July 2018, hinatulan ng "guilty beyond reasonable doubt" sa kasong grave coercion ang grupo nina Deniece at Cedric. Ang desisyon ay ipinataw sa Taguig City Metropolitan Trial Court.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong April 2018, ibinasura ng DOJ ang third rape complaint ni Deniece kay Vhong.

Ngayong 2022, dinidinig pa rin ang kasong serious illegal detention laban sa grupo nina Cedric at Deniece.

ON BIANCA'S NEW VENTURE

Samantala, first time ni Bianca na sasabak sa isang modelling pageantry, ang Miss Supermodel Philippines.

Pamamahalaan ito ng Velvet Media, Inc., kunsaan si Bianca ay marketing director. Business partners niya sina JJ Maghirang III at Mae Evelyn Maghirang.

"Si Mae ang national director ng Miss Supermodel Worldwide Philippines. Si Mae ang kasama ni Alexandra Rosales nung nag-compete siya sa India for Miss Supermodel Worldwide. She [Alexandra] represented our country doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nag-usap-usap kami at napagdesisyunan namin na it’s about time na ipakilala rin natin siya [Miss Supermodel Philippines] dito para mas marami ang maka-join na.

"Alam mo naman dito, mahilig tayo sa mga beauty pageant na talaga namang laban na laban ang ating Filipina beauties.

"So, more chances of winning kapag more pageants ang legit na puwede nilang pagsalihan," paliwanag ni Bianca.

Si Alexandra Rosales na taga-Laguna ang kauna-unahang Pinay na nasungkit ang korona ng Miss Supermodel Worldwide na ginanap sa Jaipur, India noong October 15, 2022.

Dagdag ni Bianca, "Na-proud kasi kami. Kinilig kami.

"Hindi namin akalain na nanalo pala talaga ang Alexandra. Kasi ang lalaking tao ng mga kalaban niya... ang tatangkad!

"Matangkad na siya para sa atin. Pero pagdating niya doon, para lang siyang ano, maliit.

"Talagang ang gaganda ng mga mukha and everything."

Kokoronahan ang susunod na Miss Supermodel Worldwide Philippines pageant sa February 2023.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bianca Lapus on conversation with son Yce about Vhong Navarro's plight: "Pag dini-describe ni Yce sa akin ano ang suot niya, ano ang hitsura ngayon ni Vhong, nadudurog ang puso ko. Kasi hindi ko talaga ma-imagine na nandoon na siya sa kalagayan niyang yun." Seen on the left photo is a family photo of Bianca, Yce, and Vhong on Yce's graduation day last June. On the right is a photo of Vhong last November 21 when he was transferred from NBI detention facility to Taguig City Jail.
PHOTO/S: @vhongx44 Instagram / NBI Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results