Watch Now

Darren Espanto admits plans to travel, hang out more with Cassy Legaspi

by Melba R. Llanera
Nov 29, 2022
Darren Espanto and Cassy Legaspi
Darren Espanto says he and Cassy Legaspi have always made plans to travel together; and they make sure that they ask permission from their parents.
PHOTO/S: @cassy Instagram

Marami ang nagulat sa quick getaway nina Cassy Legaspi at Darren Espanto sa Batangas nung August 2022.

Si Cassy ay aktres sa GMA-7, habang si Darren ay singer at nagsisimula na rin sa pag-arte sa ABS-CBN. Pareho silang 21 years old.

Ayon sa Kapamilya singer, nagpaalam sila ni Cassy at may basbas ng kanilang mga magulang ang outing nila.

"Actually, hindi pala sinabi ng mga dads namin sa mga nanay namin. At least, nagpaalam.

"Pero yun, we make sure that our parents knew, that they knew about the plan.

"Marami nang plano noon pa man para magbiyahe at mag-hang out pero kadalasan ay di ito natutuloy," paliwanag ni Darren.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Darren sa Awit Awards, na ginanap sa Newport Performing Arts Theater noong November 23, 2022.

Patuloy niya, natuloy ang plano nila ni Cassy na mag-Batangas dahil nagkatugma na ang kani-kanilang mga schedule.

"Cassy and I, marami kaming hangouts and trips na hindi natutuloy, so nung nagtugma yung schedule namin na walang plano nung araw na yun, talagang tinuloy na namin yung Batangas trip kahit na wala kaming kasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It's something that you also need once in a while lalo na sa industry na ito mag-unwind kasi dire-diretso [ang trabaho].

"Hindi rin naman namin ine-expect na dire-diretso yung trabaho at the time ng pandemic and stuff like that."

Hindi naman daw sila nag-overnight doon.

"It was just really a getaway, a very quick getaway, kasi literal isang araw lang, talagang balikan yun.

"Well, gusto naming mag-beach at hindi naman namin kailangan lumipad pa. It's near Manila na rin.

"It's a resort na well-known na rin for the beaches, and stuff you can do there, amenities."

Ang next travel destination na pangarap nina Darren at Cassy na mapuntahan nang magkasama ay sa Japan.

Base ito sa hiwalay na eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Cassy.

Sabi ng Kapuso star, "We were talking about it na for so long. Sana one day, we get to go. Kasi it's my favorite country.

"Siya, he never went. Di ba, he's always traveling. He never went to Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako naman yung, 'Welcome to Shibuya!’ Ako na yung tour guide niya."

CARMINA'S VOTE OF APPROVAL

Sa GMA-7 show na Sarap 'Di Ba? noong November 5, 2022, nilinaw ni Cassy na "best friends" ang turingan nila ni Darren at hindi pa masasabing sila.

Sinabi naman ng ina ni Cassy na si Carmina Villarroel, na bahagi rin ng Sarap 'Di Ba?, na walang kaso sa kanya ang paglabas-labas ni Cassy kasama sa Darren dahil may tiwala siya sa mga ito.

Ipinaliwanag ni Carmina na okay sa kanya si Darren dahil marespeto ito sa kanya at sa mister ni Carmina na si Zoren Legaspi.

Read: Carmina Villarroel asks daughter Cassy about real score with Darren Espanto

Samantala, nanalo si Darren bilang Favorite Male Artist sa 2022 Awit Awards.

Pahayag ni Darren sa rekognisyon na natanggap, "This is my first award na matatanggap ko again physically after the pandemic.

"I'm really excited, I'm really happy just to be here and see all the performances as well."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE HOT STORIES:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto says he and Cassy Legaspi have always made plans to travel together; and they make sure that they ask permission from their parents.
PHOTO/S: @cassy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results