Sharon Cuneta reveals that Gabby Concepcion never asked her forgiveness

by Rommel R. Llanes
Apr 7, 2008
During Sharon Cuneta's "tell-all" interview with Boy Abunda in The Buzz yesterday, she said that she has forgiven Gabby, although he never asked for it. The Megastar acknowledges husband Sen. Francis "Kiko" Pangilinan for picking up the broken vase that she was and fixing her when she was shattered to pieces by her past failed relationships.

Although ibinanderang isang "tell-all" interview, may mga isyung hindi na pinanghimasukan pa o pinagpilitan pang ungkatin ng The Buzz host na si Boy Abunda sa kanyang pakikipag-usap kay Megastar Sharon Cuneta kahapon. Edited ang interview at malamang ay may mga off-the-record revelations si Shawie sa kanyang pakikipag-usap kay Boy.

Itinaon ang interview sa contract signing ni Sharon sa Star Cinema noong April 2, Miyerkules, para sa Caregiver, ang pelikulang gagawin ni Sharon for the ABS-CBN film outfit's 15th anniversary offering. Sharon left for London noong Biyernes, April 4, para sa tatlong linggong shooting for Caregiver. At kahit na isang pormal na okasyon, ipinakitang nakikipag-usap si Boy kay Sharon in his shorts.

Unang pinag-usapan ang tungkol sa pagbabalik ng dating asawa ni Sharon na si Gabby Concepcion. Dumating si Gabby noong March 30, Linggo, sa Pilipinas after 13 years sa U.S. Ito'y sa kabila pa ng pagkakaroon niya ng mga kasong tulad ng falsification of public documents at bigamy. Nakatakda kasing gumawa ng mga proyekto si Gabby sa ABS-CBN, kahit na unang napalathala noon na gagawa siya ng pelikula sa GMA Films, ang movie arm ng GMA-7.

Continue reading below ↓

GABO IS BACK. Nagpakasal noong 1984 sina Sharon at Gabby at naghiwalay noong 1987, matapos napag-alamang kasal umano sa ibang babae si Gabby, bago pa nagpakasal kay Sharon. Nakagawa pa rin naman ng tatlo pang pelikula sina Gabby at Sharon kahit hiwalay na bilang mag-asawa. Hanggang sa tuluyang lumisan ng Pilipinas si Gabby noong 1996 at manirahan sa California, una bilang businessman at nang lumaon ay naging broker para sa isang real estate company roon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dahil sa ingay ng muling pagbabalik ni Gabby, hindi maiiwasang magkaroon ng mga tanong sa dating asawang si Sharon. Sinimulan nga ni Boy na kunin muna ang reaksyon ni Sharon sa pagbabalik-Pinas ng dating asawa.

"Well, there's a shortage of good actors and leading men in the industry, and he is one of the best. And my daughter is happy that her papa's here, that is all that matters to me. When the marriage [with Gabby] broke up, KC is all that matters to me," pahayag naman ni Sharon.

Continue reading below ↓

Isinunod na tanong ni Boy kay Sharon ay kung may tsansa bang makagawa ng pelikula ang dating mag-asawa. "Ang tagal na naming hindi nagkakatrabaho together, pero yung following namin, hindi nawawala," sagot agad ni Shawie.

"Aside from acting kasi, siya ang kasama ko, e. Yung ganun ba? Parang ang isasagot ko agad, ‘Sige shooting na tayo tomorrow, basta maganda ang story, wala tayong problema.' Pero first of all, what matters to me more than my career is my family."

Wala naman daw problema sa asawa niya ngayong si Senator Francis "Kiko" Pangilinan. In fact, ito pa nga raw ang mareklamo kapag walang kissing scene si Sharon sa lead actor sa kanyang pelikula. Ang ikinatatakot lang daw kasi ni Sharon ay ang mapaglaruan sila ni Gabby, once magkaroon nga sila ng chance na magkatambal. Kahit pa marami ang nagde-demand at parehong malaki ang pinansiyal na makukuha nila sa pelikula.

"I've nothing left to prove, e. Ang ginagawa ko lang, ang mga pelikulang gusto ko," sabi pa ni Sharon. Dapat daw ay irespeto naman sila ni Gabby dahil sa stage ng careers nila ngayon at edad, na-earn naman daw nila ang respect na 'yon.

Continue reading below ↓

Hanggang sa sundutin na ni Boy ang isa sa pinakahihintay na tanong ng lahat: Kung napatawad na ba ni Sharon si Gabby?

"Oo. Nakapagpatawad ako, kahit na hindi humingi ng tawad. Siya, oo. Kasi at this point of my life, I'm too grateful for the blessings and I'm grateful that ...these things have to happen no matter how painful they were so that I will meet Francis who really..."

Sharon went on to say metaphorically kung paanong naging tagapagsalba ni Sharon si Francis. "Kung ako ay isang flower vase na nabasag, kung ano ang puwede pang kunin dun na salbahin ‘tapos idikit pa..." si Francis daw yun.

Pinatawad na raw talaga ni Sharon si Gabby, kahit na hindi talaga ito humingi ng tawad sa kanya noon pa, personally o ng harapan.

Noon ngang nagkausap sila for the first time after so many years ng hindi pag-uusap, "Thank you" lang daw ang sinabi nito sa kanya. Ang pagpapasalamat ni Gabo ay dahil daw sa pagpayag ni Sharon na puntahan ng anak nilang si KC si Gabby sa Amerika. Awkward pa noon ang pakiramdam niya sa unexpected na pag-uusap nila over the phone.

Continue reading below ↓

"Oh, my God!" sambit nga raw ni Sharon sa sarili nang biglang pakausap ni KC si Gabby sa kanya. Panay ang pasasalamat daw ni Gabby sa kanya at ang nasabi na lang daw niya pagkatapos ay, "You're welcome."

Habang binabati ni Boy Abunda si Sharon sa pagiging malihim nito at hindi masyadong pagbibigay ng mga detalye sa publiko tungkol sa buhay niya at ng mga taong involved sa kanya, sumingit ng tanong si Sharon, "Alam mo kung bakit kami naghiwalay?"

Sa puntong ito—dahil ba sa ‘di mapigilang habit ni Boy Abunda na sumingit o mag-cut habang may ire-reveal na mga detalyeng malaman ang interviewee para lang makapagsalita ng magaganda at mabulaklak na salita si Boy, o dahil edited nga ang interview, with respect to the little privacy Sharon wants to maintain—hindi na nasundan pa ang singit na tanong na iyon ni Sharon.

Kung inungkat pa sana ni Boy ang pagsingit na iyon ni Sharon ay talagang deserving na sanang tawaging "tell-all" interview ang nangyari sa kanila. Instead, binati na lang ni Boy ang Megastar sa pagkakaroon pa ng mga personal na bagay sa buhay nito na hindi na for public consumption.

Continue reading below ↓

TALKING ABOUT KIKO. Nang mapunta naman ang pag-uusap nina Boy at Sharon kay Senator Francis "Kiko" Pangilinan, nilinaw ni Sharon ang mga isyung kinasasangkutan nito, tulad ng pagkakaroon umano ni Kiko ng "other woman" at baby.

"In this age of email, mms, sms, everything that modern technology has to offer...kaming dalawa, pinag-uusapan namin na, ‘Ang tagal naman, wala pa bang address, para mapuntahan na natin?' Sabi ko, ‘Ako rin, e. Para sabay-sabay na tayo. Sige, prepare na yung clothes para sa bata or whatever,' kasi hanggang ngayon, puro sila daldal. Wala naman silang mai-present na ebidensiya.

"Alam mo talaga, walang babae ang asawa ko. Kasi sabay-sabay natin siyang iwanan, kapag may nalaman tayo. ‘Di ba sa totoo lang. Pero seriously, hindi ko kayang mag-pretend, ako pa? Hindi n'yo makikitang... ba't ko siya ide-defend? ‘Di ba? Sabihin n'yo nga sa akin, ba't ko siya ipagtatanggol kung ako ang sinasaktan niya?" pahayag pa ni Sharon tungkol sa rumor.

Continue reading below ↓

Nang tanungin ni Boy si Sharon kung takot pa bang maiwanan ito ni Kiko sa kabila ng mga pinagdaanan nang relasyon, naging makahulugan, malaman, at maramdamin ang sagot ni Shawie.

"You know, Kuya Boy, ‘di ba I think I [mentioned it] to you na? Na ‘pag naghihiwalay ang isang couple, hindi ibig sabihin na ang galing mo kasi ikaw yung umiwan, hindi, e. Ang masakit, ikaw ang umiwan kasi yung iba, nagpapaiwan na.

"Yung iba naman, sadsad na sa dami ng latay ang puso mo sa ginagawa nila over time, na tinitiis mo dahil mahal mo. But one day, you just have to give up. Kasi siguro feeling mo hindi ka na mahalaga sa kanya.

"Hindi ako nang-iiwan dahil ayoko na...‘Ayoko na kasi, ayaw mo na sa akin... Bakit tinatapon mo ako?'

PRAYERS FOR KC. Napunta ang pag-uusap nina Boy at Sharon kay KC Concepcion, ang anak ng Megastar kay Gabby Concepcion at kasalukuyang nagpu-pursue ng sariling showbiz career. Tinanong ni Boy si Sharon kung may takot ba siyang maaaring pagdaanan ni KC ang mga pinagdaanan niya.

Continue reading below ↓

"Naalala ko nung maliit siya, ‘tapos nung nasira na ang pamilya namin, kami na lang. Habang umiiyak ako, tinitingnan ko siya, ang liit-liit niya, tulog siya. Ilang beses kong dinasal noon, e—ngayon dinasal ko uli kay Frankie and Miel—ang sabi ko, Lord ang ibibigay n'yong... yung nakalaan na pagdadaanan na pain nitong anak kong ito, kung puwede po, kung hindi puwedeng lahat, ibigay na lang sa akin, bawasan man lang. Ibigay na lang sa akin. But she's already had a couple of relationships, I know that she also had that kind of pain na caused by someone ni-love mo in a romantic way."

Isa nga raw sa mga rason kung bakit pinag-aral ni Sharon abroad si KC ay para ihanda ito sa mas matitinding pagsubok sa buhay. "Kasi iba yung ikinukuwento sa iyo na ang laki-laki ng mundo, hindi lang ito. Iba yung nakita mo. Lahat ng hindi ko na-experience, gusto kong ma-experience niya. Para buong pagkatao niya, pagpasok niya sa showbiz, kumbaga, punta kang giyera, dala mo na'ng lahat ng armas mo."

Continue reading below ↓

A movie with KC was the next question. "I would do a movie with her in a snap. But ang sabi ko nga sa kanila noon, siya talaga ang magde-decide noon. When she wants, oh my God, I'll drop everything and do that movie with her."

Birthday ngayon ni KC (April 7) at hiningan ng wish si Sharon for her lovely daughter.

"Oh, my God. Kristina is doing so very well, Alam mo mas maganda sa kanya ko na lang sasabihin," napatawa si Sharon pagkatapos. "But you know, I will ask na lang everybody, as our birthday gift to her, yung mga nagmamahal po sa amin all these years, ipagdasal na lang po natin ang kanyang safety, protection, mga tamang desisyon...at isang masiglang-masiglang career na minamahal n'ya talaga."

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
During Sharon Cuneta's "tell-all" interview with Boy Abunda in The Buzz yesterday, she said that she has forgiven Gabby, although he never asked for it. The Megastar acknowledges husband Sen. Francis "Kiko" Pangilinan for picking up the broken vase that she was and fixing her when she was shattered to pieces by her past failed relationships.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results