Watch Now

Is Alex Gonzaga referring to Dina Bonnevie as the "artistang matanda" who scolded her on the set?

by Khryzztine Joy Baylon
Dec 7, 2022
Alex Gonzaga, Dina Bonnevie feud
Alex Gonzaga (left): So there was a time, when I was in early 20s, magtu-21 ako, I was so traumatized. Pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda. Pinagsisigawan talaga niya ako from head to foot, everything." Netizens believe that she is referring to Dina Bonnevie (right), her co-star in the 2011 primetime series P.S. I Love You.
PHOTO/S: Screengrab @Ano Na Catherine by Alex Gonzaga YouTube/Dina Bonnevie Instagram

Palaisipan ngayon sa netizens kung sino ang tinutukoy ng TV host-vlogger na si Alex Gonzaga sa kanyang podcast.

Ito'y matapos alalahanin ni Alex ang kanyang "traumatic" experience sa isang kapwa-celebrity na umano'y sinigaw-sigawan siya.

Sa kanyang podcast episode sa "Ano Na, Catherine? Hi it’s me I am the Anti-Hero," ibinahagi ni Alex ang hindi niya malilimutang engkuwentro sa isang "artistang matanda" na nagalit sa kanya sa set ng teleseryeng pinagsamahan nila noon.

Kuwento ni Alex, “So there was a time, when I was in early 20s, magtu-21 ako, I was so traumatized.

"Pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda. Pinagsisigawan talaga niya ako from head to foot, everything.

"Akala niya galing ako sa bahay, late lang ako, hindi niya alam na galing ako sa work kasi siguro hindi sinabi sa kanya."

Ngayon daw, base sa mga interview ng "artistang matanda," pinalalabas nitong si Alex ang masama.

Pagbabahagi ng Tropang LOL host, “After how many years, she’s painting me as a bad guy, na deserve ko [masigawan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung pinapanood ko [yung interview niya], I think hindi ako yan. Pero parang yung kuwento ko ang sinasabi niya, pero mali yung kuwento niya.

"Parang you would just let it be. And then kapag sila pa yung nagkuwento, sila pa yung mabait, [at] ikaw pa yung masama, parang ibang-iba na yung kuwento.”

Dagdag pa ni Alex, “So naisip ko, anong kailangan kong gawin kapag ganoon? And then, ang daming uma-agree.

"Naisip ko, wala. Kasi alam ko naman yung katotohanan e."

NETIZENS REACT

Wala mang binanggit na pangalan si Alex kung sino ang artistang pinagsisigawan siya sa taping, maraming netizens na nagkomento sa kanyang podcast ang nagsabing si Dina Bonnevie ang tinutukoy niya.

“Parang si Ms. Dina Bonnevie yung tinutukoy sa matandang sinabihan ka ng late,” komento ng isang netizen.

Sabi ng isa pa (published as is), “Hindi naman sa kumakampi ako kay Dina Bonnevie nung time na yun wala pa naman masyadong nakakakilala kay Alex Gonzaga eh kung ano ang ugali niya dahil hndi pa siya sikat.

“Dapat i-admit ni Alex na sa panahon na yun ay nagkamali siya, na late siya syempre magagalit iba niyang co-stars at di niya need sabihin na susumbong sa mommy si Ms. Dina matanda na yun eh immature si Alex nung panahon na yun kailangan niya i-admit yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging fan niya ako nung nasa TV-5 siya pero 2009 palang napapanood ko na sya yung My Girl ni Kim. Nasubaybayan ko career niya sa TV hanggang ngayon na maging sikat na siya.

“Ayun nga nung panahon na yun nakikita kong immature pa si Alex at di naman alam ng lahat na normal na sa kanya yung personality niya na makulet ganon, attitude kaya hindi mo masisisi ang mga co-stars kung nabastusan sila noong panahon na yon.

“Alam kong si Dina Bonnevie yan kase nga nasa tiktok yung video & alam naman natin na tiktoker si AG.”

Saad naman ng isa pang netizen, “Si Miss D yun hahaha pero solid Alex G pa rin ako kahit anong sabihin at ibato sayong masasama, idol na idol pa rin kita.”

DINA BONNEVIE CONFRONTING YOUNG ACTRESS

Noong April 2018, lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam kay Dina kung saan ibinahagi niya ang pagkumpronta sa isang young actress sa set ng kanilang pinagsamahang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dina Bonnevie recalls confronting bratty young actress: "Talagang... I gave her hell."

Ayon sa award-winning actress, hindi siya nakapagtimpi noong mga oras na iyon.

Pakiramdam daw kasi niya ay nabastos siya nang dumating nang late sa set ang young actress na hindi niya pinangalanan.

Lahad ni Dina, “Talagang... I gave her hell.

"Talagang sinabihan ko siya, ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz? Your call is at 9 o'clock and you come down from your van at 12 o'clock na naka-pajama? Really?’

“Sabi ko sa kanya, ‘Hindi pa ipinapanganak ang mambabastos sa akin. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself.’

“E, yung leading man ko dun, ganun din, ‘Yeah, tell her! Grabe na! Grabe na!’

“Lahat kami, kasi, mga senior stars kami noon, talagang pinaghihintay niya kami lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Aalis siya pag lunch time, babalik siya, alas-tres na.

"Sabi ko, 'Hello?' Tapos, kami, hintay kami nang hintay.”

Nagtangka pa raw magsumbong ang young actress sa kanyang nanay, ngunit hindi ito inatrasan ni Dina.

Sabi ng aktres, "Isusumbong daw niya ako sa nanay niya.

“Sabi ko, ‘Sige, papuntahin mo dito. Magsu-showdown kami dito ng nanay mo.’"

Nagsama sina Dina at Alex sa teleseryeng P.S. I Love You na umere sa TV5 noong 2011.

p.s. i love you tv5

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga nabanggit na personalidad sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga (left): So there was a time, when I was in early 20s, magtu-21 ako, I was so traumatized. Pinagsisigawan ako ng isang artistang matanda. Pinagsisigawan talaga niya ako from head to foot, everything." Netizens believe that she is referring to Dina Bonnevie (right), her co-star in the 2011 primetime series P.S. I Love You.
PHOTO/S: Screengrab @Ano Na Catherine by Alex Gonzaga YouTube/Dina Bonnevie Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results