Yasmien Kurdi reveals how she cured her sleeping disorder

by Rommel R. Llanes
Apr 8, 2008
Young actress Yasmien Kurdi used to have a problem sleeping regularly. But it turned out that the solution to her sleeping disorder was just the right kind of pillow.

Naisulat namin noon dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may kidney stones ang ina ni Yasmien Kurdi. Pero napag-alaman namin na pati pala si Yasmien ay nagkaroon rin ng problem sa kanyang kalusugan, at ito ay may kinalaman naman sa kanyang pagtulog.

Halos gabi-gabi kasi dati ay hindi makatulog si Yasmien due to a sleeping disorder. Umabot na nga siya sa punto na naiiyak na siya dahil kahit anong pilit niya ay hindi siya makatulog.

Isa sa mga remedyong sinubukan niya ay ang pag-inom ng tableta na nakakapag-induce ng pagtulog. Ang kaso, dahil sa sobrang effective ng gamot, hindi kaagad nagising si Yasmien kaya na-late siya sa isang showbiz commitment niya the following day. Dahil dun, inihinto na niya agad ang pagte-take ng naturang sleeping pill.

Susuko na nga sana si Yasmien, hanggang sa may nag-suggest sa kanya na subukan ang isang brand ng unan na epektibo sa mga ganitong klase ng sleeping disorder.

Continue reading below ↓

"Pumunta ako sa Shangri-La, meron dun parang...sa Sleepcare. Inalam ko kung ano'ng problema sa akin or something. Yun pala, sa pillow, sa batok," kuwento ni Yasmien.

Nang sinubukan daw niya ang naturang unan, nagbalik sa normal na oras ang kanyang sleeping habit. Kaya ngayon, kahit saan pumunta si Yasmien, dala niya ang naturang unan, sa mga tapings at shootings at kahit na anong commitment na magdamagan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ito rin ang same kind of pillow na iniregalo ni Yasmien kay JC de Vera, ang leading man niya sa Babangon Ako't Dudurugin Kita, noong birthday ang binata last March.

YASMIEN'S FATHER. Tuluy-tuloy at walang patid ang communication ni Yasmien with her Lebanese father. Last month nga, pinadalhan pa si Yasmien ng isang mamahaling scarf ng kanyang ama na based sa Kuwait.

Supposedly ay magkikita at magba-bonding sa Dubai ang mag-ama the last time na nagbakasyon doon si Yasmien, pero natiyempong nasa Lebanon naman noon ang tatay niya.

Continue reading below ↓

"Balak niyang pumunta ng Dubai, pero hindi ko alam na nasa Lebanon siya nun. Hindi niya ako makontak," sabi niya.

STARSTRUCK REUNION. Malamang na mapaiyak daw si Yasmien kapag nagkaroon sila ng reunion ng Batch 1 ng StarStruck.

Miss na miss na raw niya ang mga ka-batch niya, kaya wish niya ay magkita-kita silang muli. Sobrang saya nga raw niya nang mag-guest sa isang episode ng Tasya Fantasya si Katrina Halili.

Kuwento ni Yasmien, nakikibalita naman siya sa ilang mga dati niyang kasamahan sa naturang reality-based artista search na hindi na aktibo sa showbiz.

Si Anton dela Paz daw ay isa na ngayong motocross rider. "Ang ganda ng motorsiklo niya," sabi ni Yasmien.

Bukod sa mga nabanggit, ang madalas lang na nakikita ni Yasmien ay sina Jennylyn Mercado, Sheena Halili, at Mark Herras.

Mangiyak-ngiyak nga raw si Yasmien the first time na nagkita ulit sila ni Rainier na leading man niya sa Tasya Fantasya. Na-miss niya kasi nang husto si Rainier at ang kanilang tambalan.

Continue reading below ↓

Ayon sa dalaga, espesyal ang relationship nila ni Rainier—magkaibigan, magbarkada, mag-tropa. Kapag may mga oras na bad mood si Yasmien at galit na galit, puwede niyang ibuhos kay Rainier ang galit niya.

Read Next
Read More Stories About
Yasmien Kurdi, Rainier Castillo
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Yasmien Kurdi used to have a problem sleeping regularly. But it turned out that the solution to her sleeping disorder was just the right kind of pillow.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results