Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Judy Ann Santos is very much satisfied with her life now

by Nitz Miralles
Apr 8, 2008
"Sa totoo lang, masyado na akong masaya. Hindi ko kinukuwestiyon si God, pero gusto ko ring magtanong kung bakit masaya, satisfied, at kumpletong-kumpleto ako," replies Judy Ann Santos when asked about her birthday wish.

Marami ang gandang-ganda sa trailer ng Ploning. Mula sa texture ng pelikula, cinematography, mga eksena, at pati ang self-titled theme song na inspirasyon para mabuo ang pelikula.

Dream movie ito ni Judy Ann Santos na umaming she waited for eight years bago ito mabuo. Hindi nag-elaborate ang aktres kung bakit gano'n katagal ang paghahanda sa pelikulang idinirehe ng best friend niyang si Direk Dante Garcia.

Two and a half weeks namalagi sa Cuyo Island, Palawan, si Judy Ann at mga kasama para sa shooting ng pelikula na umabot sa P20 million ang budget. Kung mapapanood ninyo, kahit trailer pa lang, hindi kayo magtatanong kung bakit gano'n kalaki ang budget nito considering na indie film ito.

Mabilis niyakap ni Judy Ann ang character ni Ploning, isang 30-year-old woman na patuloy na naghihintay na tuparin ng kanyang minamahal ang pangakong siya'y babalikan. Nahirapan lang ang aktres sa pagme-memorya ng Cuyonon language—na hindi raw dialect kasi nag-iisa lang ito—at sa delivery dahil nagkabali-baligtad ang dila niya.

Continue reading below ↓

Birthday gift ni Direk Dante kay Judy Ann ang pelikulang inspired ng folksong na "Ploning."Showing ito sa April 30, 11 days before Juday's 30th birthday.

"Amazing! Matagal ko itong hinintay at ngayong nagawa na, fulfilled ako. Ang sarap ng feeling at ang nakakatuwa pa sa movie, lahat ng malalapit na tao sa buhay ko at lahat ng artistang may ibig sabihin sa akin, lahat sila may konek sa buhay ko, parte silang lahat ng buhay ko. Kasama rin dito ang two importante persons in my life: si Direk Ga [Dante] at si Ryan [Agoncillo, her boyfriend] na um-effort din para magawa ang pelikula. Ngayon pa lang, buo na ako bago pa ako mag-30 years old at sila lang ang nagpabuo ng buhay ko," lahad ni Judy Ann sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hiningi ng PEP ang reaction ni Judy Ann sa balitang kasabay ng showing ng Ploning ang showing ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy nina Robin Padilla at Ai-Ai delas Alas ng Viva Films at When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis ng Star Cinema.

Continue reading below ↓

"May kanya-kanyang audience ang mga pelikula namin, pero I'm confident," sabi ni Juday. "We prepared enough for this movie, maganda siya at siguro naman, lalaban kami. Narinig n'yo ang sagot ni Ga sa tanong na ‘yan? Maganda ang sinasabi niya."

BIRTHDAY WISH. Kahit ilang beses na siyang tinanong, inalam pa rin ng PEP ang birthday wish ni Judy Ann.

"Sa totoo lang, masyado na akong masaya," sambit niya. "Hindi ko kinukuwestiyon si God, pero gusto ko ring magtanong kung bakit masaya, satisfied, at kumpletong kumpleto ako. More than anything, iba ang feeling na uuwi ka sa pamilya mo, sa anak mo, at kay Ryan na masaya ka, na tumatanda ka na may pinagkatandaan.

"Ikinatutuwa ko na, bago pa dumating ang 30th birthday ko, may mga tao nang nag-isip na maghanda for my birthday. One year na silang naghahanda and it meant a lot to me, kilala nga talaga nila ako. I'm just so happy, I never expected makaka-experience ako ng sobrang satisfaction at hindi ko na kailangang maghintay na fifty years old na ako," pahayag ni Judy Ann."

Continue reading below ↓

Wala nang mahihiling pa sa buhay niya si Judy Ann at ang idinadasal na lang nito ngayon ay maayos na ang papeles ng anak niyang si Yohan. Hindi na nga raw niya pino-problema ang kaso niya sa BIR at tatanggapin niya kung anuman ang maging desisyon ng korte.

"Anuman ang mangyari, kung makukulong ako, bahala na si Batman. But I still pay my taxes and no choice ako kundi hintayin ang desisyon ng korte. Ang most important sa akin ngayon ay matapos na ang papeles ng anak ko, she's three-and-a-half years old na at marami nang alam," pagmamalaki ni Juday kay Yohan.

After her birthday, magbabakasyon sina Judy Ann at Ryan for one month. Wala pa silang particular place na pupuntahan, pero kailangan nilang mag-ipon dahil matagal silang mawawala.

FREE SHOWING IN CUYO. Samantala, sa mga gustong makapanood ng Ploning, may premiere ito sa April 26 bago ang regular showing nito. Magkakaroon din ito ng world premiere sa New York, London, Singapore, at Dubai sa May. Pero mapapanood ito nang libre ng mga taga-Cuyo Island sa kagustuhan na rin nina Judy Ann at Direk Dante.

Continue reading below ↓

"We owe it to them. Gusto kong ipakita sa kanila ang ginawa naming movie sa lugar nila. Out of love ito at pasasalamat sa suporta nila at ng mayor ng Cuyo Island. Napakababait ng tao roon, hindi kami hinarass at disiplinado [sila]. Kaparte sila ng pelikulang ito," sabi ni Judy Ann.

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos, Ploning
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa totoo lang, masyado na akong masaya. Hindi ko kinukuwestiyon si God, pero gusto ko ring magtanong kung bakit masaya, satisfied, at kumpletong-kumpleto ako," replies Judy Ann Santos when asked about her birthday wish.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results