Labing-isang araw na nagbakasyon si Michelle Madrigal kasama ang hindi pa rin niya pinapangalanang foreigner boyfriend sa Thailand at dito sa Pilipinas.
Read: Michelle Madrigal says new relationship “definitely not in my plan”
Sa Instagram ngayong araw, December 15, 2022, nagbahagi si Michelle ng ilang larawan nila na kuha sa Thailand at dito sa bansa.
Makikita sa ilang larawan na tila naipakilala na ng dating aktres sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan ang bago nitong nobyo.
Mukha ring ini-enjoy ng magkasintahan ang isa't isa sa kanilang bakasyon kung saan hindi nila kasama ang kani-kanilang mga anak.
May pahiwatig naman si Michelle sa unang letra ng pangalan ng boyfriend na tinawag niyang “K.”
Sabi ng dating aktres sa caption: “11 days with you. It was a short but sweet vacation in Thailand and Philippines.
“I enjoyed being disconnected from the world and not having a phone during this trip.
“Thanks K for being the best travel partner.
“I can’t wait to take the kids with us next time.”
View this post on Instagram
Si Michelle ay may anak na babae, si Anika, sa ex-husband nitong si Troy Woolfolk.
Si “K” naman ay may anak din sa dati nitong karelasyon.
Sa panayam niya sa PEP Spotlight nitong nakaraang November 2022, sinabi ni Michelle na nakilala niya ang bagong boyfriend sa pamamagitan ng dating app.
Kasalukuyang naka-base si Michelle sa Austin, Texas.
Sabi niya, "Here, pag gumigimik ako, a lot of the guys are in their late 20s. Ayoko naman ng sobrang bata, ayoko rin naman ng sobrang older than me rin.
"I want someone na at least yung close to my age pero mature enough to be open sa concept na I'm a single mom.
"Siyempre some are interested. But when you're gonna date, especially kay Anika, di ko siya in-expose kahit kanino."
Hanggang sa nakilala raw ni Michelle sa dating app ang boyfriend niya na ngayon.
Naalangan pa si Michelle na "boyfriend" ang tawag sa kanyang special someone.
"Natatawa ako kasi high school ba ako? Parang pag nanay ka na, tapos in your 30s ka na, parang yung 'boyfriend,' nakakabagets ang feeling," sabi pa nito.
Hindi pa raw masabi ni Michelle na "love" ang nararamdaman niya para sa nobyo, dahil mas malalim na raw ang pakahulugan niya sa pag-ibig bilang dati na siyang may asawa.
Pero isang bagay na ikinatutuwa niya sa nobyo ay swak daw talaga sila.
"Okay na okay kasi he's also a dad, he has two kids, and he's also divorced. So, dun kami nagkaroon ng connnection.
"Before, I was dating someone for a few months, pero yung lifestyle lang namin wasn't the same."
Malaking bagay kasi kay Michelle na compatible ang core values nila ng karelasyon.
Patuloy niya: "When we started dating, talagang talking lang. The more I talk to him, the more that I realized we have a lot of core values na mas aligned.
"It was something I was looking for if I were to date again. Dun na nag-start, I guess, yung relationship.”
Read: Michelle Madrigal reveals how she met new boyfriend in Texas