Nakapag-adjust na si Ai-Ai delas Alas sa buhay-Amerika.
Nitong 2022 ay nagsimulang mamalagi si Ai-Ai sa U.S. para sa application niya ng U.S. citizenship. Isa sa requirements nito ay ang manatili roon ng 30 months.
Paglalarawan niya sa buhay-Amerika, "Yes, comfortable, pero nami-miss ko rin dito yung mga perks, like mayroong magluluto for me, may magda-drive for me.
"Doon, nami-miss ko naman yung pagiging disciplined. Discipline ng kapaligiran, yung sa driving at sa pagtawid. Nami-miss ko doon, pero nami-miss ko rin dito."
For good na ba siya talaga doon?
Sagot ni Ai-Ai, "Oo, kasi may green card ako, gusto ko nang maging citizen, kaya iniipon ko na yung mga number of days ko doon. Kasi, di ba, hindi nga ako nakaipon noon."
Mula pa noong 2015 ay may green card na si Ai-Ai kaya eligible na siya for U.S. citizenship application.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at piling entertainment press si Ai-Ai kahapon, December 14, 2022.
Dito ay nagkuwento siya tungkol sa typical day niya sa U.S.
“Gigising ako ng 6 a.m., magluluto ako, papasok ako sa office, tapos uuwi ako.
"Kapag tinatamad akong umuwi pa, pupunta ako sa Target, o kaya sa Walmart. Shopping and mall.
"Noong una, hirap ako, pero nasanay na ako. Masasanay ka rin. Kapag nandito ako [sa Pilipinas], nami-miss ko rin yung typical day ko doon."
Tanong kay Ai-Ai: ano ang mas gusto niya, buhay sa Pilipinas o buhay sa Amerika?
Sagot ng comedienne, "Noong buhay pa yung nanay ko, dito. Noong nawala na yung nanay ko, doon ako. Gusto ko doon."
Nare-recognize pa rin ba siya ng mga kababayan natin doon?
"Of course! Sikat ako doon, ‘no!" mabilis niyang tugon.
Nakapag-adjust na rin ang mister niyang si Gerald Sibayan?
"Ay, oo, super adjusted. American boy. Adjusted na rin ako," sabi pa ni Ai-Ai.
- Ai-Ai delas Alas speaks about surpassing financial woes, hardships in her life
- Ai-Ai delas Alas jokes about past heartaches: "Kasi sanay ako na talagang upakan, e!"
STILL A SOLID KAPUSO
Pero hindi naman daw nangangahulugang iiwan na niya ang showbiz.
Paliwanag ni Ai-Ai: "Hindi naman, kasi pumirma pa rin ako sa GMA, binigyan pa rin nila ako ng contract for two and a half years.
"Also, kapag pinapirma nila ako ulit, gusto ko pa rin. Gusto ko pa ring mag-artista kasi gusto ko yung bino-blower yung buhok ko, nilalagyan ako ng makeup, ganun.
"Nami-miss kong maging artista kasi siyempre sa Amerika, sariling sikap, di ba?
"E, dito, kapag dadating ako, artista na ako kasi inaayusan ako ng buhok at nilalagyan ako ng makeup."
Ready na siya for another teleserye sa 2023?
"Yes, dati kasi dalawang show ako per year, e. Ngayon na alam ng GMA na hindi ako puwedeng magtagal dito, isang show lang ako per year," sagot ni Ai-Ai.
Nagpaplano na rin ba siyang mag-audition sa mga show sa Amerika?
"Nag-o-audition ako, hindi lang ako natatanggap. Actually, may in-offer, kaso yung schedule..."
UPCOMING CONCERT IN U.S.
Umuwi si Ai-Ai dito sa Pilipinas para mag-promote ng kanyang concert na gagawin sa Amerika.
Makakasama niya ang ex-husband na si Miguel Vera. Ang concert ay pinamagatang Ang Dating Kami, na magaganap sa January 21, 2023.
Bukod dito ay may iba pang shows na gagawin si Ai-Ai sa U.S.
"May mga shows kami doon, pero hindi naman yung sobrang maliliit na shows. Kasi, siyempre, modesty aside, yung premium mo iingatan mo pa rin kahit papaano.
"Yung may premium pa rin na hindi kung saan-saan ka lang nakikita," sabi niya.
- Joey de Leon, Toni Gonzaga weigh in on revived Alex Gonzaga-Dina Bonnevie issue
- Court ruling shows Deniece Cornejo "inconsistencies" during cross-examination
- Aneeza Gutierrez prioritizes school, part-time job in Singapore over showbiz career in PH
- Angeline Quinto comforts Jovit Baldivino's mother at late singer's wake