Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jennylyn Mercado visited Boracay after Holy Week

by Noel Orsal
Apr 9, 2008
Jennylyn Mercado doesn't want her Boracay bikini pictures published. She went to her doctor the next day after arriving from the Aklan vacation spot.

Hinintay muna ni Jennylyn Mercado na lumipas ang Holy Week bago pumunta sa Boracay upang magpahinga at mag-enjoy. Kapag Holy Week kasi ay sangkatutak ang bakasyunista sa isa sa pinakapaboritong bakasyunan sa buong bansa.

Isang linggo raw nanatili si Jennylyn kasama ang kanyang mga kamag-anak sa Bora, ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Pataray ng PEP source, baka raw iniwasan lang din ni Jen na makita roon ang ex-bf niyang si Mark Herras who was there noong Holy Week nga.

Nitong Lunes, April 7 ay dumating na from Boracay si Jennylyn at agad na pina-develop ang mga kuha niya roon. Nag-enjoy raw nang husto si Jen sa white sand beaches ng Boracay at tuwang-tuwa sa mga magagandang kuha niya na naka-two piece siya kahit na five months na ang kanyang tiyan.

Ayaw nga lang daw ipalathala ni Jen ang kanyang mga kuha from Bora.

GIRL OR BOY? Kahapon, April 8, Martes, nagpa-ultrasound na raw si Jennylyn sa kanyang doctor para malaman ang kasarian ng baby nila ni Patrick Garcia. Pero bigo raw silang makita kung babae o lalaki ang nasa sinapupunan ni Jen.

Continue reading below ↓

Kuwento ng PEP source, hindi raw makita ng doktor ang kasarian ng baby dahil nakatagilid ito.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado doesn't want her Boracay bikini pictures published. She went to her doctor the next day after arriving from the Aklan vacation spot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results