Rodjun Cruz believes brother Rayver Cruz will end up marrying Julie Anne San Jose

by Melba R. Llanera
Dec 21, 2022
Rodjun Cruz on JulieVer
Rodjun Cruz on brother Rayver's relationship with Julie Anne San Jose: "Magaling sila makisama saka alam mo na parehas silang nagpe-pray kay Lord. Si Lord din talaga ang strength nila. Pagdating sa family, family-oriented sila pareho, so ayun."
PHOTO/S: @rayvercruz Instagram

Isa si Rodjun Cruz sa naniniwalang mauuwi sa pagpapakasal ang relasyon ng nakakabatang kapatid na si Rayver Cruz kay Julie Anne San Jose.

Ayon kay Rodjun, nakikita niyang magkasundung-magkasundo ang dalawa.

"Praying ako kasi si Rayver sobrang buting bata, si Julie sobrang buti din.

"And baka si Lord talaga ang naglaan para sa kanilang dalawa. Sila talaga ang nakatadhana para sa bawat isa," saad ni Rodjun.

Kung kailan man iyon ay ipinapasa-Diyos na lang ni Rodjun. Hindi rin naman daw para pangunahan niya ang nakababatang kapatid.

"Siguro in God's time. Pero siyempre, hindi ko masasabi na, 'Bro, di mo mapaplano na ito next year.'

"Pinagpe-pray natin kay Lord yan, saka siyempre nasa edad na siya para magdesisyon sa sarili niya," dagdag ni Rodjun.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rodjun sa Hey Pretty Skin 1st year anniversary at year-end party na ginanap sa Marriot Hotel noong December 13, 2022.

Inamin dito ni Rodjun na botong-boto siya kay Julie Anne para kay Rayver.

Puri pa ni Rodjun sa dalawa: "Oo naman, kasi si Julie kasama ko na yan dati pa lang, ilang years din ako sa GMA.

"Yan yung tao na parang si Rayver, ang daming kayang gawin, sobrang talented pero sobrang humble.

"Minsan [yung iba], heto lang ang talent pero parang mayabang na. Pero sila, sobrang humble na parang nakakahiya na magyabang sa kanila kasi sobrang galing nila.

"Magaling sila makisama saka alam mo na parehas silang nagpe-pray kay Lord.

"Si Lord din talaga ang strength nila. Pagdating sa family, family-oriented sila pareho, so ayun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pati raw sa trabaho ay tugma rin sina Julie Anne at Rayver. Unang nagkasama ang dalawa bilang co-hosts sa All-Out Sundays at The Clash.

Nasundan iyon nang mag-guest si Rayver sa Limitless concert ni Julie Anne noong 2021, at saka sila nagtambal sa JulieVerse concert nitong 2022.

Saad ni Rodjun, "Sobrang happy ako for Ray and for Julie kasi grabe sila pag magkasama. Sobrang talentado nila.

"Tapos pag magkasama sila, kasi nanoood ako ng concert ng JulieVerse, grabe!

"As a kuya, naiyak nga ako kasi nagsa-shine siya [Rayver] sobra at kita ko na masaya silang dalawa.

"Ang dami nilang na-inspire, so pinagdarasal ko silang dalawa dahil alam ko na marami silang mapapasaya na tao."

Dugtong pa niya: "Lahat naman ng talent galing yan kay Lord, basta maging humble lang sila.

"Deserve nila yun dahil sobrang bait nila, napakasipag, at mahal na mahal nila ang trabaho nila."

Excited sa Kapaskuhan si Rodjun dahil iyon ang araw na magsasama uli silang magkakapatid.

Aniya, "Sama-sama kaming magkakapatid, si Kuya saka si Rayver, kaya excited ako sa Christmas."

Pero sa pagkakaalam ni Rodjun ay dadalaw rin si Rayver kay Julie Anne.

"Si Julie, bibisitahin ni Ray kila Tito," pambubuking ni Rodjun kay Rayver.

Wala man diretsahang pag-amin kung sila na ba, mahihinuhang level-up na ang relasyon nina Julie Anne at Rayver.

Nagsabi sila ng "I love you" sa isa't isa sa JulieVer concert noong November 2022.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rodjun Cruz on brother Rayver's relationship with Julie Anne San Jose: "Magaling sila makisama saka alam mo na parehas silang nagpe-pray kay Lord. Si Lord din talaga ang strength nila. Pagdating sa family, family-oriented sila pareho, so ayun."
PHOTO/S: @rayvercruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results