Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

FIRST READ ON PEP: Gabby and KC Concepcion meet at last after the actor's homecoming

by Nora Calderon
Apr 11, 2008
Gabby Concepcion and daughter KC met last Wednesday night, April 9, at the ABS-CBN compound. "Mahigpit silang nagyakapan, may iyakan din, ang tagal nilang nag-usap. Yung mga tao around, lumayo, hindi sila pinanood, hinayaan lang silang mag-usap," says a source about the chance meeting.

Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagkita na rin sa wakas si Gabby Concepcion at ang kanyang anak na si KC Concepcion mahigit isang linggo pagkatapos bumalik ng bansa ang aktor.

Kay Gabby na rin nanggaling na mas gusto niyang maging private na lang muna ang pagkikita nila ng anak after two years na dinalaw siya ni KC at nag-stay sa bahay nila ng misis niyang si Genevieve Yatco sa San Francisco. Kahit nga noong birthday ni KC last Monday, April 7, hindi rin pumunta si Gabby dahil gusto niyang mag-enjoy naman si KC with her friends.

Ayon sa isang nakasaksi ng pagkikita ng mag-ama, naganap ang pagkikita nina Gabby at KC last Wednesday evening, April 9, sa 14th floor ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound. May dance rehearsals si KC para sa musical episode ng I Am KC with Vhong Navarro. Si Gabby naman ay may meeting sa 14th floor.

Continue reading below ↓

"Nagulat si Gabby," sabi ng aming source. "Dapat pala kasi, after ng meeting niya, siya ang pupunta sa second floor para isorpresa si KC. Pero siya ang nasorpresa. Siniguro muna ni KC na walang press coverage ang first meeting nila ng ama dahil gusto niyang maging private ito. Pina-check muna niya sa staff na walang TV crew around saka siya pumunta kay Gabby.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Mahigpit silang nagyakapan, may iyakan din, ang tagal nilang nag-usap. Yung mga tao around, lumayo, hindi sila pinanood, hinayaan lang silang mag-usap. Kaya lang, tinawag na si KC dahil tapos na ang dinner break at kailangan na niyang mag-rehearse ulit ng dance numbers niya.

"Paglabas ni KC, may nakaabang na crew ng The Buzz, pero pinaalis muna sila bago siya tumakbong palabas. Si Gabby raw ang nagpa-interview at ipalalabas ito sa The Buzz sa Sunday [April 13]. Pero kagabi [April 10], na-ambush interview si KC ng ABS-CBN News and, for sure, ipalalabas na rin ‘yon sa The Buzz sa Sunday," kuwento ng PEP source.

Continue reading below ↓

Natanong ng PEP ang source kung alam na ni Sharon Cuneta ang pagkikitang ‘yon nina Gabby at KC.

"Knowing KC, tiyak na naitawag na niya ‘yon sa Mama niya in London. Kapag nagkuwento siya, ikukuwento ko rin sa iyo," pangako ng aming source, na malapit din kay KC.

Noong Wednesday rin nagkita at nagkausap after two years si Gabby at ang dati niyang manager na si Lolit Solis. (Click here to read the story.)

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion, KC Concepcion
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion and daughter KC met last Wednesday night, April 9, at the ABS-CBN compound. "Mahigpit silang nagyakapan, may iyakan din, ang tagal nilang nag-usap. Yung mga tao around, lumayo, hindi sila pinanood, hinayaan lang silang mag-usap," says a source about the chance meeting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results