Miguel Vera no regrets on failed marriage with Ai-Ai delas Alas

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2022
miguel vera ai-ai delas alas past relationship
Miguel Vera on failed marriage with Ai-Ai delas Alas: “Naniniwala ako na nangyayari yun, either nagkamali ka ng desisyon. You need to learn from it. Ganoon lang. Pero yung regrets, wala, kasi matututunan mo yun sa susunod na relasyon mo. Hindi mo na gagawin ulit iyon kung may natutunan ka sa huli."
PHOTO/S: @migsvera / @msaiaidelasalas on Instagram

Sa pambihirang pagkakataon, nakumbinsi ang singer na si Miguel Vera na magpainterbyu — isang bagay na halos dalawang dekada na niyang hindi ginagawa — para sa Ang Dating Kami, ang musical-comedy show concert nila ng kanyang ex-wife na si Ai-Ai delas Alas.

Magaganap ang concert nila sa January 21, 2023 at itatanghal sa Bristol Civic Auditorium, Bellflower, California.

Read: Ex-couple na sina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera, magre-reunion sa isang musical-comedy show

Ang relasyon nila ni Ai-Ai, na nagwakas noong 1996, ang isa sa mga tinalakay sa panayam kay Miguel sa PEP Live ngayong Miyerkules ng gabi, December 28, 2022.

Ayon sa "Nais Ko" singer, wala siyang nararamdamang pagsisisi sa nagwakas na relasyon nila ng dating asawa dahil sa mga aral na natutunan niya.

“Regrets? Halos hindi ko ginagamit yung salita na yun sa approach ko sa buhay. Yung lessons learned lang, pero yung pagsisisi, hindi,” umpisang paliwanag ni Miguel tungkol sa hindi niya paggamit sa salitang regrets.

Patuloy niya, “Naniniwala ako na nangyayari yun, either nagkamali ka ng desisyon. You need to learn from it. Ganoon lang.

"Pero yung regrets, wala, kasi matututunan mo yun sa susunod na relasyon mo. Hindi mo na gagawin ulit iyon kung may natutunan ka sa huli.

"So, hindi ko tinatawag na regrets yun dahil nakatulong sa akin to be a better person, a better husband.

“Natutunan ko yung paggawa ng mga desisyon na hindi padalus-dalos. Nagkaroon ng problema dahil sa desisyon, hindi nagbibigayan, nagkaroon ng miscommunication…

"Kagaya ng sinabi ni Ai, kung paano nagbibigay ng pagmamahal, medyo nagkulang kami kung paano namin ipararating sa isa’t isa. So, sa susunod na relasyon, hindi na dapat ganoon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iginiit ni Miguel na mas marami ang masasaya kesa malulungkot na mga alaala noong nagsasama pa sila ni Ai-Ai.

“Palagi ko rin yun sinasabi sa ibang mga tao kapag mine-mention nila si Ai sa akin, masaya siya na kasama,” pahayag ni Miguel na agad na pinaboran ni Ai-Ai.

Pahayag ng Comedy Queen, “Masaya kami. Hindi lang kami masaya kapag nag-aaway kami.

"Pero kapag inisip mo, masaya kami lalo na nung maliliit pa yung mga bata. Nagiging negative lang kapag nag-aaway kami.

“Kapag bata ka, may regrets ka pero ako, since nandito na ako sa stage [ng maturity], nagpapasalamat ako na si Miguel ang naging tatay ng mga anak ko kasi magaganda yung mga anak ko, nagmana sa kanya ang mga kutis.

"Yung mga hitsura nila, maganda yung combination namin kaya nagpapasalamat ako. Mababait [din] ang mga anak namin."

Aminado si Ai-Ai na nagkamali siya noon sa kanyang paniniwalang hindi siya minahal ni Miguel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Vera on failed marriage with Ai-Ai delas Alas: “Naniniwala ako na nangyayari yun, either nagkamali ka ng desisyon. You need to learn from it. Ganoon lang. Pero yung regrets, wala, kasi matututunan mo yun sa susunod na relasyon mo. Hindi mo na gagawin ulit iyon kung may natutunan ka sa huli."
PHOTO/S: @migsvera / @msaiaidelasalas on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results