Ai-Ai delas Alas recalls away-bati moments with ex-husband Miguel Vera

by Rachelle Siazon
Jan 4, 2023
Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera on PEP Live
Ai-Ai delas Alas on becoming good friends with ex-husband Miguel Vera: "Naku! Marami kaming pinag-awayan. Any [former] couple darating din sa ganitong stage na matured na kami na di na namin pag-aawayan lahat iyan. Pero lahat iyan napag-awayan namin [noon]."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram / PEP Live

Isa sa mapait na karanasan ni Ai-Ai delas Alas ang hiwalayan nila ng ex-husband na si Miguel Vera.

Nagpakasal sila noong 1994, pero naghiwalay rin noong 1996.

Kakatwang dumating sila sa punto na kaya nilang balikan ang mga away nila noon na tinatawan na lang at wala nang halong galit sa kanilang puso.

Ipinakita nila iyon sa guesting nila sa PEP Live habang si Miguel ay nasa Los Angeles at si Ai-Ai naman ay nasa San Francisco. Ito ang unang beses nagpaunlak ng panayam si Miguel, singer noong '90s na private citizen na ngayon, pagkatapos ng ilang dekada.

Kuwela ang asaran ng dalawa nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano sila mag-away noon.

Naranasan daw nila noong itinatago ni Ai-Ai kay Miguel ang dalawang anak nila na sina Sophia at Nicolo. Ang panganay ni Ai-Ai na si Sancho ay anak ng comedienne sa dating karelasyon.

"Oo! Parati naman akong ganun," mabilis na pag-amin ni Ai-Ai.

Alas daw niya ang mga anak kay Miguel nung may mga away sila noon.

Patuloy niya, "Oo, totoo! Nung maliliit pa yung mga anak ko, tinatakas ko iyan diyan. Iyuon yung mga panlaban ko. O, di ba, ganun mga girls?

"Jusko, anliliit ng mga anak ko, tas dala-dala ko. Tas hahanapin niya kami. Nahanap naman niya kami.

"Dun ako bumibilib sa kanya, actually. Kahit yung alam ko na di niya ako mahahanap, nahahanap pa rin niya ako."

Hirit ni Miguel, "Ako, di mo ako mahanap. Galing ko magtago."

Pinagtaguan daw ni Miguel si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Ai-Ai: "Sabi ko, 'Saan ka ba talaga nakatira.' 'Sa may West.' Tas binigay niya address.

"Jusko puro pabrika! Di pala siya dun nakatira! Ako naman loka-loka, nagpunta, puro pabrika, andilim!"

Sinadya raw siyang iligaw ni Miguel.

Natatawang sabi ni Ai-Ai, "Alam niya aawayin ko siya nang bonggang bongga!"

May insidente pa raw na "hinanap" ni Ai-Ai si Miguel sa Isetann, ang sikat na mall noon sa Quiapo, Manila.

Pinaalala iyon ng PEP Live guest host na si Jojo Gabinete, na saksi sa love story nina Ai-Ai at Miguel noon.

"Hindi ko siya hinanap dun. Talagang pumunta ako dun para makipag-away," paglilinaw ni Ai-Ai.

Ang siste ay may ibang sinugod pala roon si Ai-Ai dahil sa selos.

Napapangiting sabi ni Miguel, "Di ko na-pickup kagad iyon."

Sabi naman ni Ai-Ai kay Jojo, "Hayaan mo na, bati na kami nun. Baka maalala pa niya, mag-away pa kami."

AI-AI AND MIGUEL DID NOT BECOME FRIENDS OVERNIGHT

Panay ang biruan nina Ai-Ai at Miguel na "Mamey" at "Papey" ang tawag sa isa't isa.

Nang tanungin kung paano sila naging on good terms sa isa't isa sa kabila ng awayan nila noon, aminado ang dalawa na tinatrabaho raw iyon.

"Dumaan kami sa proseso, ha," paglilinaw ni Miguel.

Sang-ayon ni Ai-Ai: "Naku! Marami kaming pinag-awayan. Any [former] couple darating din sa ganitong stage na matured na kami na di na namin pag-aawayan lahat iyan. Pero lahat iyan napag-awayan namin [noon].

"Pero sa tagal ng panahon siguro, naaaral na namin tanggapin na ganun kami, at saka siyempre may mga anak kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi puwedeng di kami mag-uusap. Kahit magkaaway kami, darating ang panahon na mag-uusap kami, kasi may mga anak kami.

"Kagaya ng anak namin ikinasal. Alangan di kami magkita. Siyempre magtatampo yung anak namin kung di ako nagpunta, or di siya nagpunta.

"Di puwedeng sa buong buhay namin di kami ulit magkakabati. Kailangan."

Ang tinutukoy ni Ai-Ai na anak niya ay si Sophia na ikinasal sa nobyo nitong si Vincent Bautista noong August 29, 2022.

Ai-Ai delas Alas and Miguel Vera with daughter Sofia

MIGUEL AND AI-AI ON HEATED MESSAGES VIA PAGER

Naalala pa ni Miguel na frustrated noon si Ai-Ai pag di siya nakokompronta.

Balik-tanaw ni Miguel: "Di ba, uso noon pager? Magsasagutan kami. Tas biglang may sasabihin ako, mapipikon siya.

"Tatawag iyan sa landline, di ko sinasagot. Hahaha! Alam na alam ko siya yun."

Sumang-ayon si Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento naman ni Ai-Ai: "Di ba, Papey, sa pager, kunyari galit na galit ako. 'Ay, Ma'am, di po puwede iyan [message niyo].' 'Ah, sige, ibahin natin.'

"Di ba, ganun pag pager, bawal magmura, bawal magsalita ng masama. So, wala kang choice tatawag ka sa landline kasi gusto mo siya murahin, nanggagalaiti ka.

"Kasi di mo masabi sa pager. Sabihin mo lang, 'Please call.'"

Aminado si Ai-Ai na malambing naman daw siya, pero "pag nagalit ako, ganun kaimpakta noon, lalo na na nung bata ako."

LESSONS FROM THEIR past relationship

Ayon kay Miguel, sa totoo lang ay minahal talaga niya si Ai-Ai noon.

"May mga anak nga ako diyan," ani Miguel.

Hirit ni Ai-Ai, "Para naman pinilit ko lang yung anak ko na ako lang gumawa."

Sabay sabi ni Miguel, "oo naman, siyempre" minahal daw niya si Ai-Ai.

Dugtong ni Ai-Ai, "Na noon akala ko hindi."

Hindi pala raw kasi nila lubusang inintindi ang isa't isa noon.

Paliwanag ni Ai-Ai, sa pagkakakilala niya sa sarili ay "todo" siya magmahal, pero iyon pala ay di niya na-appreciate si Miguel noon.

"Iba-iba naman ang klase ng pagmamahal, di ba? Baka akala ko ako yun [todo magmahal], pero baka naman mahal pala niya ako talaga, di ko lang alam.

"Nung medyo nagkaedad na ako, [natutunan ko na] iba-iba tayo ng love language. Iba pala yung love language ko sa kanya. Siya pala eto, pero di ko na-appreciate."

WHY AI-AI AND MIGUEL BROKE UP

Naging magkasintahan sina Ai-Ai at Miguel noong early '90s.

Nagsimula sila bilang magbarkada, pero nagkahulugan ng loob dahil madalas silang nagkakasama sa out-of-the-country shows kunsaan pareho silang performers/singers.

Nang magpakasal, naghiwalay sila dahil sa masalimuot na isyung third party, ayon sa kuwento noon ni Ai-Ai sa PEP.ph.

Pero ayaw na iyon ungaktin ni Ai-Ai sa PEP Live. Kung anuman ang pinagdaanan nila noon, ang mahalaga ay natuto raw sila at masaya na sa kani-kanilang pamilya ngayon.

Si Ai-Ai ay happily married sa "Darl" niya na si Gerald Sibayan.

Si Miguel ay may sarili na ring pamilya na kasama nito sa Amerika.

Nakapanayam ng PEP.ph sina Ai-Ai at Miguel, na makikita muling magkasama on stage sa Ang Dating Kami, isang musical-comedy show kunsaan mismong sila ang magkukuwento ng love story nila noon.

May halo na rin daw kaunting fiction sa kanilang performance bilang respeto sa mga pamilya nila ngayon.

Itatanghal ang Ang Dating Kami sa 16600 Civic Center Dr. Bellflower, California, sa January 21, 2023.

MORE HOT STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on becoming good friends with ex-husband Miguel Vera: "Naku! Marami kaming pinag-awayan. Any [former] couple darating din sa ganitong stage na matured na kami na di na namin pag-aawayan lahat iyan. Pero lahat iyan napag-awayan namin [noon]."
PHOTO/S: @msaiaidelasalas Instagram / PEP Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results